Napangiti ako habang patuloy na naglalakad dito sa loob ng Cafeteria, katatapos ko lang na mag-order at hawak-hawak ko pa ang trey na may pagkain na binili ko.
Kagat-kagat ko ang labi ko habang naglalakad papalapit sa isang mesa kung saan nakaupo si Hiro.
Mag-isa lang siya roon at walang kasama. Mabuti na lang talaga at mag-isa siya nang may chance naman na akong ibigay sa kanya itong pinamili kong Chocolates noong isang araw pa.
Nahihiya kasi akong ibigay sa kanya kapag nasa loob kami ng room. Saka bigla-bigla na lang siyang naglalaho at nawawala sa tuwing hahanapin ko na siya at magtatangkang iabot itong Chocolates na binili ko. Nasira na nga rin ang flowers na binili ko noon, eh. Tapos wala pa akong nabibiling teddy bear paano ba naman puro color pink lahat ng teddy bear sa Mall, walang pwedeng sa lalaki.
Nakangiti akong naglakad papunta sa harap niya bago nagsalita.
"Pwedeng maki-share?" tanong ko rito nang may ngiti sa aking labi. Para naman kahit papaano ay magmukha akong cute sa paningin niya
Hindi ito sumagot, sandali niya lang akong tiningala at bumalik na ulit sa pagkain. Silent means Yes. Mabilis pa ako sa kidlat na umupo.
Magtataka niya ulit akong tinignan. "What are your doing?"
"Uupo at kakain kasabay ka," simpleng sagot ko.
"TSK. Wala naman akong sinabing sumabay ka sa akin," sabi niya pa.
"Wala ka ngang sinabi, pero hindi ka naman humindi, hindi ba?" nakangiti ko na tanong. "Sabi nga nila kapag hindi kumibo o sumagot ang isang tao oo, pwede, basta positive answer ang makukuha mo mula sa kanya kahit hindi siya nagsasalita."
"What do you want? Tell me," seryoso nitong sabi.
"Hindi ako, ikaw." Tinuro ko pa ang mukha niya. "Teka, ha," Kinuha ko ang bagay sa loob ng bag ko na noon ko pa dapat ibibigay sa kanya.
"Oh," saad ko nang maiabot ko ito sa kanya.
Nagtataka niyang tinignan ang dalawang balot ng Chubby bago muling lumingon sa akin.
"Ano "yan?" tanong nito.
Taena! Pati ba naman ito hindi niya alam. Mamahaling Chocolates lang ba talaga ang alam niya?
"Chubby," simple sagot ko at pinakita ko pa ang pangalan ng balot. "Hindi mo ba alam 'yan?"
"I know that, what I mean is, bakit mo ako binibigyan na?" may bahid pa rin na pagkairita sa boses nito.
Napakamot ako ng ulo ko at nahihiyang tumingin sa kanya. "The truth is, gusto sana kitang ligawan kasi gusto kita." Mabilis kong ni-wave ang kamay ko habang patuloy pa rin sa pagsasalita. "Pero 'wag kang ano, ha. Liligawan pa lang naman kita hindi ko pa naman gustong maging boyfriend ka pero kung gusto mo bakit hindi, hindi ba?"
"What?" hindi makapaniwala nitong sigaw.
"Anong what ka diyan?" Natatawa ko itong tinignan. Cute niya pa rin pala kapag nagugulat. "Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Gusto mo bang ulitin ko?"
"What the fvck!" muling bulalas niya at tumayo pa.
Mabilis akong napalingon sa mga istudyante na nandito sa loob ng Cafeteria nang lumihis ang pansin ng mga ito sa amin.
Hinawakan ko ang braso nito para naman matauhan siya at umupo na rin.
Ano ba naman ang problema niya? Hindi niya ba naintindihan ang sinasabi ko or na gulat lang talaga siya? Sabagay nakakagulat din naman kasi kapag nag-confess sa 'yo ang isang babae at balak ka pa nitong ligawan.
Nakangiti akong umiling-iling bago tinignan ito sa mga mata niya. "Ang cute mo pa lang magulat, nuh? Para kang matatae."
"WHAT THE FVC—."
Mabilis akong tumayo at tinakpan ang bibig nito bago nagsalita.
"H'wag ka ngang sumisigaw diyan nakikita mo naman na pinagtitinginan na tayo ng mga schoolmates natin, eh," bulong ko rito. "Alam ko naman na nagulat ka dahil sa sinabi ko pero sana 'wag naman ganyan na sobrang gulat. Ang cute mo kasing tignan, eh."
Nahuli ko ang paglaki ng mga mata nito na panibagong reaksyon na nakikita ko sa kaniya at mabilis na tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya bago umiwas nang tingin sa akin.
"Why are you smiling?" tanong nito sa akin nang mapansin niya na nakangiti ako habang nakatingin sa kanya.
Nakaiwas pa rin ang mukha nito sa akin.
"I'm just think." Lumingon ito sa akin at hinintay pa ang ilang sasabihin ko.
He's blushing!
"Kung kinikilig ka ba dahil sa sinabi ko na ang cute mo kapag nagugulat or kinikilabutan para ka talaga kasing matatae sa inuupuan mo," nakangiti kong dagdag.
Hindi ito nagsalita at mabilis lang na tumayo dala-dala ang gamit niya bago naglakad papalabas ng Cafeteria. Tulad niya mabilis ko rin kinuha ang mga gamit ko at sinundan ito. Nakakainis naman oh. Hindi niya pa kinuha itong Chubby na ibibigay ko sa kanya. Hindi rin siya nag Thank you.
"Hiro teka lang!" pigil ko sa kaniya.
Ang bilis naman kasing maglakad ng taong iyon kaya ang bilis din mawala sa paningin ko. Halos tumakbo na nga ako para lang maabutan ko siya samantalang siya ito naglalakad lang.
"Hindi mo pa tinatanggap ang Chocolates na bigay ko para sa 'yo," dagdag ko pa.
Tinignan niya lang ito na para bang ewan. Problema niya ba? Kulang pa ba itong dalawang balot ng Chocolates or ayaw niya kasi walang flowers?
Nakangiti ko itong tinignan. "Don't worry kung hindi ka pa satisfied dito at nakukulangan ka pa. Bukas na bukas din gagawin ko ng tatlong balot na Chubby ang ibibigay ko sa 'yo at bibigyan na rin kita ng flowers but right now please accept this. Ito lang muna ngayon."
Akmang tatalikuran niya na ako nang bigla ko na naman siya na muling pigilan. Hindi niya naman kasi tinanggap itong dalawang balot ng Chubby na binili ko para sa kanya.
Sabi pa naman nila matutuwa raw ang taong nililigawan mo kapag binigyan mo siya ng matatamis na pagkain.
"Hindi mo ba tatanggapin?" tanong ko rito. "Sayang naman kung ako lang ang kakain nito."
Nakita ko ang sandali nitong pagtitig sa akin bago hinablot ang dalawang balot ng Chubby na hawak-hawak ko. Napangiti ako, kukunin niya rin naman pala, eh. Nag-iinarte pa. Lalaki ba talaga siya o babae?
Umiling-iling ito at naglakad na naman papalayo sa akin. Balak ko nga sana siya na susundan kaya lang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko.
Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses at nakita ko si Khalil. Ang Vice President ng SSG na pinamumunuan ko.
Gwapo, mayaman at mabait pa ang lalaking ito. Last week lang nang umamin ito sa akin na gusto niya raw akong ligawan kaya lang binasted ko agad wala naman kasi akong gusto sa kanya, kaibigan lang ang turing ko sa kanya at hanggang doon lang 'yon.
"We have a problem," sabi nito na mukha talagang problemado.
Sandali muna akong lumingon sa daan kung saan na naglakad si Hiro, wala na ito at mabilis na naglaho. Bumuntong-hininga ako bago lumingon kay Khalil at naglakad na papalapit dito.