Maaga akong natapos na ayusan at magbihis. Excited na akong makita ako ni Hiro nang ganito kaganda. Sana man lang magkagusto na sa akin ang taong 'yon kahit katiting lang, kahit nga mga one percent lang or kahit five percent na. Mas okay 'yon.
Napabalikwas ako sa pagtayo nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni Hiro. Hindi ko maiwasan na hindi mapasuntok sa hanging.
"Yes! Sinundo niya ako!" masaya kong sabi at patuloy lang sa pagsuntok. Para tuloy akong nanalo sa lotto ngayon.
Nakangiti kong kinuha ang pouch ko na nasa gilid ko lang. Kagat-kagat ko ang labi ko habang naglalakad palabas ng bahay. Hindi ko alam pero ganito na lang ako lagi kapag si Hiro na ang pinag-uusapan, para akong matatae na ewan dahil sa lalaking 'yon.
Abot taenga ang ngiti ko nang makalabas ako ng gate at tumapat ako sa sasakyan ni Hiro. Ano kayang itsura ng lalaking to. I'm sure mas gwapo pa siya ngayon at hindi lang 'yon, bagay na bagay pa kami.
Akala ko talaga ayaw niya akong maka-date, pero ito siya at sinusundo pa ako. Feeling ko tuloy siya na itong nanliligaw sa aming dalawa kahit ako naman talaga.
Natauhan na lang ako nang marinig ko ang sigaw ni Hiro na nanggagaling sa loob ng sasakyan niya. Nakababa na ang bintana ng sasakyan nito kaya nakita ko na ang g'wapo niyang mukha. Napaka g'wapo niya talaga!
"Ano tatanga-tanga ka na lang ba d'yan? Hindi ka sasakay?!" sigaw nito sa akin.
Parang nabura lahat ng mga bagay na pumapasok sa isipan ko dahil sa sinabi niya. Iyong tipong matatae ka na pero umurong siya bigla. Gano'n ang pakiramdam ko ngayon.
Ang sungit niya talaga, pero okay lang gwapo naman siya, eh. Mas gwapo pa siya roon sa kakambal niya kahit na may suot pa itong salamin. Inlababo na talaga ako sa kanya!
"Are you deaf?" sigaw niya ulit sa akin.
Hindi ko aakalain na nakatayo pa rin pala ako habang nakangiti sa kanya. Hay inlababo na talaga ako.
Dali-dali na akong naglakad papunta sa sasakyan niya at sumakay. Wala man lang sweetness ang lalaking 'to, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Sabagay sa sungit niyang 'yan, hindi niya gagawin 'yan.
Inumpisahan na rin nito na paandarin ang sasakyan niya. Walang nagsalita sa amin, kahit ako wala akong masabi paano ba naman napakag'wapo niya sa suot niya at partner ang kulay ng damit namin black.
Hanggang sa huminto na lang ang sasakyan namin sa harap ng University. Lumabas na ako, kahit siya lumabas na rin. I'm sure hindi niya ako pagbubuksan kaya ako na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Baka kasi sabihan niya na naman akong tanga kahit siya naman talaga.
Ako na mismo ang nagpulupot ng kamay ko sa braso niya. Syempre siya ang date ko kaya 'wag siyang umangal kung ganito ang date niya. Ito na naman ang pakiramdam ko kanina lang. Natatae na naman ako.
Paano ba naman kasi habang naglalakad kami papasok, kahit na konti pa lang ang mga tao rito at hindi pa nag-uumpisa. Eh l, ahat sila halos nakatingin sa amin. May mga gulat at may ilan pa na kinikilig, siguro sa tingin nila bagay kami na magkasama. Tama naman sila, eh, bagay na bagay kami.
Mas hinigpitan ko pa ang pagkapit ko sa kay Hiro. Kinikilig na naman kasi ako sa mga bagay na ini-imagine ko.
"TSK. Stop biting your lips!" Dinig ko na sambit nito na naiinis pa.
Patuloy lang kami sa paglalakad nang sabihin niya 'yan.
Pati ba naman pagkagat ko ng labi ko napansin niya pa at pinagbabawal niya pa. Ano ba ang problema niya? Iyon na lang nga ang best way para mapigilan ko 'tong kilig na nararamdaman ko at hindi ako mapasigaw.
"Pati ba naman "to bawal?" naiilang kong sabi rito at sandali siyang tinignan.
"Just stop it, stupid!" balik niya at tinignan pa ako.
Napakaseryoso nang tingin at may halos pagbabanta. Iyong parang kapag hindi ko tinigil iiwanan niya ako at maghahanap siya ng ibang ka-date.
Napanguso na lang ako. "Okay, okay. Sabi mo, eh."
"And can you please stop pouting, you look stupid also," dagdag niya pa.
"Grabe ka naman ang cute ko kaya!" Ngumuso ulit ako.
Imiling-iling ito at natawa. "Yeah, you're so cute."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. I told you ang cute ko. Gusto ko sanang sabihin 'yan kaya lang nakakahiya.
"You look like a duck," dagdag pa nito na ikinatigil ko.
Gulat ko itong tinignan. "Hindi nga totoo?" seryoso kong tanong.
"Yap, so stop pouting ang pangit mo tignan," sagot nito uli sa akin.
Gano'n? Akala ko pa naman ang cute ko kapag nag-pa-pout, 'yon kasi ang laging sinasabi sa akin ni Khalil. Ang cute ko raw kapag ngumunguso, pero bakit kay Hiro ang pangit ko raw. Siguro dahil gusto ako ni Khalil kaya niya sinasabi 'yon, ito kasing si Hiro hindi naman ako gusto kaya nagsasabi siya ng totoo.
"Eh, ano pa lang babagay sa akin?" Hindi na ako ngumuso and I didn't bite my lips too.
Umiling-iling lang ito at hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa Venue.
May ibinulong pa nga ito na hindi ko maintindihan tapos nang tanungin ko siya, sinabihan ba naman akong stupid. Taena lang, eh!
"Bakit wala kang date?" tanong ko kay Zero nang malapitan namin siya. Wala naman kasi siyang kasamang babae, eh.
Nasaan na ba ang Freja na 'yon at wala pa siya ngayon. Sabi ko sa kanya agahan niya ang pagpunta rito at nang mahanapan ko siya ng partner, para hindi niya na maka date pa ang Ariel na 'yon. TSK!
Tinignan lang ako ng lalaking 'to at inirapan. Taena! Parehas sila ng Hiro na nasa tabi ko, parehas na masungit.
Mabilis kong kiniluha ang phone ko sa pouch para sana tawagan si Freja nakakailang beses ko na 'tong tinawagan pero hindi pa rin sumasagot. Ano bang nangyari sa babaing 'yon?
Sa huling pagkakataon ay tinawagan ko ulit ito, mabuti na lang at sinagot niya na kung hindi, hindi ko talaga siya papansinin kapag natapos na ang Christmas Vacation.
"Oh?!" boses ng nasa kabilang linya. Ano na naman kaya ang ginagawa ng babaing 'to at mukhang antok na antok siya.
"Freja, nasaan ka na?" mabilis ko na balik na tanong dito.
Sandali pa akong walang narinig sa kabilang linya. Ano ba talaga ang ginagawa niya?
"Kanina pa kita hinihintay rito," dagdag ko pa.
"Franklin, hindi ako pupunta," simpleng sagot niya. Narinig ko pa ang paghikab nito.
"What?" Paano yun wala akong kasama.
Sandali akong napalingon kay Hiro, anong tawag ko dyan. Pero mas masaya pa rin kung kasama ko siya. TSK! Bahala siya, sasayangin niya lang 'tong opportunity na 'to. Antukin kasi ang babaing 'yon kaya nakakainis.
"Hindi ako pupunta," pag-ulit niya.
"B-Bakit?"
"Wala ako sa mood," simpleng sagot niya.
Always naman, eh! Mas gusto niya pang humilata sa kwarto niya at magbasabasa kaysa magpunta kung saan saan.
Pero sa bagay kung pupunta siya rito, I'm sure si Ariel lang ang makaka-date niya. Pabagal-bagal kasi ang babaing 'yon kung inagahan niya ang pagpunta. Edi itong si Zero ang nireto ko sa kanya. Edi saan gwapo ang makaka date nya.
"Sandali lang, Freja, ha! H'wag mong ibaba," sabi ko dito.
Napangiti ako nang makita ko ang paglapit kay Zero ni Kim. Okay na kahit papaano bagay naman silang tignan. Pero mas okay sana kung si Freja ang date niya ngayong gabi.
"Meron ka na pa lang date Zero, eh," nakangiti ko na sabi rito. "Ayan bagay kayong tignan ni Kim. Kuya p'wede po bang kuhaan mo naman sila ng picture?" saad ko sa lalaking kumukuha ng mga litrato sa mga taong um-attend ng Christmas ball. Nakangiti naman nitong sinunod ang gusto ko.
"Freja!" twag ko sa kabilang linya. "Sure ka hindi ka talaga a-attend?"
"Nagbago isip ko Franklin," sagot nito. "Nag-uumpisa na ba?"
Gulat ako sa sinabi nito. Ano naman kaya ang nagpabago sa isip ng babaing 'yan? Sabagay mas okay na 'yon enjoy ko ang party with her and with Hiro.
"Hindi pa naman," sagot ko rito. "Mayamaya pa, konti pa lang kasi ang ng mga tao na nandito, eh."
"Sige. Wait mo ko dyan, pupunta ako."
"Okay sabi mo, eh."
Pinatay na nito ang tawag naglakad na rin ako papalapit kay Hiro at umupo sa tabi niya.