Hapon na. It means Uwian time na! Habang naglalakad ako papa labas ng ng campus ay may biglang kumalabit sa akin sa likuran ko. Si mingyu, Joshua, Jun at saka si seungkwan.
"Papa uwi ka na?" tanong ni mingyu.
"Hindi ba obvious?" pabalik kong tanong sa kanya. Na siya namang ikinatawa niya.
"Napakapilosopo mo talaga." tawa nito. Ang kapal ng pagmumukha niyang tawagin akong pilosopo, siya nga eh Tinanong ako Kung uuwi na ba ako ket halatang halata naman talagang uuwi nako. Ano ba ang gagawin ko dito sa labas dala ang mga gamit ko? Aattend ng klase? Edi malamang uuwi! Kundi lang talaga to gwapo si mingyu kanina ko pa to nakutungan eh. Matalino sana Pero kulang sa common sense.
"Wag muna kayo umuwi! Kain muna tayong fishball! Nakabenta ang pogi niyong tindero ng dalawangpung panty sa faculty room kaya Libre ko ngayon!" masayang sigaw ni Jun habang ipanagmamayabang sa harap namin ang sari-saring perang papel niya. Napansin ko namang agad lumiwanag ang mukha ni seungkwan nang makita ang mga perang bitbit ni Jun.
"Ang dami ng pera mo tapos fishball lang ililibre mo samin? Wag mo naman kaming tinitipid pre! Mga kaibigan mo kami!" reklamo ni seungkwan habang nakanguso ang baba nito. Hindi lang pala chismosa, attitude at plastik tong si seungkwan, napaka abusado rin pala ng bobetang ito.
" don't you know na maraming naghihirap ngayon sa mundo kagaya ni Kuyang mamang mangfifishball? Hindi ka ba naawa sa kanya seungkwan? Gusto mong bumili roon sa fast food chain dahil gusto mong makakain ng Masarap? Masarap rin naman yung fishball ni kuya ah! Ket pagbabaliktarin mo ang mundo ay parehong pagkain lang sila,matutunaw lang din at itatae mo yung pagkaing yun. Alam mo ba na ang pagbili ng isang pirasong fishball niya ay malaking tulong na sa pamilya nila, Sa pagpapaaral ng Mga anak niya, Sa mga bayarin nila, Sa pang araw-araw na buhay nila." sabi ni Joshua na tila ba ay nagrarap dahil sa mabilis na pagkakabigtas nito sa mga sinasabi niya.
"Oo na sige na!" galit na sigaw nito saka agad nang tumakbo papunta sa isang stall Kung saang may nagtitinda ng fishball. Agad naman kaming apat na sumunod sa kanya.
Nang makarating ako roon ay biglang nagsilabasan ang malalamig Kong pawis. Kinakabahan ako, hindi naman sa natatae ako, hindi ko kasi alam kung paano kumain ng fishball. First time ko palang kakain nito. Takot akong mapahiya sa harapan nila. Baka mamaya pag nakita pa ako ni seungkwan na mali ang pagkaka kain ko ng fishball ay baka ichismiss pako nito sa buong campus. Ayokong masira ang dignidad ko dahil lang sa hindi ako marunong kumain ng fishball.
"Oh anong nangyari sayo Minseok? Bat ka pinagpapawisan?" tanong ni mingyu sakin, agad naman nadako ang atensyon ng tatlo saakin lalo na si seungkwan.
"Natatae ka ba?" tanong ni seungkwan na ma's lalong nagpakaba sakin. Putang ina mo talaga seungkwan!
"Minseok, wag kang mahiya ng magsabi samin Kung natatae ka, tutulongan ka namin upang mailabas mo lahat ng iyan okey?" sambat ni Joshua habang tinatapik ang balikat ko. Seryoso ka ba sa pinagsasabi mo juswa? First of all hindi ako natatae okey? Saka pano mo ako matutulungan Kong na jejebs na talaga ako? Sasamahan moko sa cr para ipag cheer ako sa pagpapalabas ko ng tobol ko? Ikaw magpupunas ng pwet ko at magpaplush ng tae ko sa inidoro? Ganoon?
"Hindi ako natatae okey? Kumain na nga lang kayo." sabi mo.
"Eh bat ka nga pinagpapawisan? Hindi naman na Mainit ah." sabi ulit ni seungkwan. Delekado talaga tong kasama si seungkwan. Hindi ka niya tatantanan hanggang Di niya nalalaman ang gusto niyang malaman. Talaga namang certified chismosa talaga.
"Ah eh kasi ang hot ni Kuyang boy na naka tambay dun oh!" palusot ko sabay turo sa lalaking naka half n***d habang naka tambay sa tindahan na nasa kabilang kalsada. Hala potek bakit ampoging Tambay naman non! Kamukha niya si Leonardo de capro? Carpi? Carpo? Basta yung si Jack sa titanic. Yung nag drawing ng bold sa sa barko. Basta yun yung pogi, yung jowa ni Rose.
"Huy wag ka! Akin yan!" sabi ni Seungkwan saka binatukan ako nang pagka lakas lakas. Okey lang naman sakin Kung irapan moko seungkwan! Pero wag naman sanang manakit ano?
"Huy seungkwan babae yan!" saway ni Jun saka agad na Pinigilan si seungkwan nang nagbabadyang babatukan niya sana ako ulit.
"Bitiwan niyo ko!" sigaw nito na nagtawag ng pansin sa iilang estudyanteng papa labas pa lamang ng campus.
"Tumigil ka seungkwan! Sige ka ikaw pagbabayarin ko nitong lahat." pananakot ni Jun sa kanya. Mukha namang effective yung pananakot niya sa kanya dahil agad siyang kumalma at huminto sa pag eeskandalo niya.
"Mag sorry ka kay Minseok, alam mo bang malaking kasalanan ang manakit ng kapwa tao? Lalo pat babae yung binatukan mo. Gusto mo bang bumagsak sa impyerno pag nadidbol ka? Ha seungkwan?" panenermon ni Joshua sa kanya.
"eto na nga eh!" Dahan Dahan itong nag lakad papunta sa akin saka niyakap ako ng mahigpit.
"sorry na pramis Di na kita aawayin!" sigaw nito.
"Pinapatawad na ki-" naputol ang salita ko nang bigla niyang hilahin ang buhok ko Mula sa likuran. Potang ina mo seungkwan akala ko sisfire na tayo. Napapikit na lamang ako sa sakit at ngumiti na lamang kahit labag sa kalooban ko.
"Sige na kain na tayo!" aya ni mingyu habang tinutusok ang fishball niya gamit ang stick saka inilublob ito sa sawsawan na nakalagay sa pitsel.
Tae ganun lang pala kainin yun. Sige ma try nga.
Kumuha na ako ng stick saka tumusok na ng fishball,pagkatapos ay inilublob ko na ito sa sawsawan kagaya nang ginawa ni mingyu, saka isinubo ito sa bibig ko.
Iniluwa ko agad ang fishball Mula sa bibig ko saka dali daling hinablot ang tubig na bitbit ni seungkwan at Ininom ito.
"Oh? Anong nangyari sayo?" tanong ni mingyu na halatang nag aalala.
"kuya bakit naman po ganoon ang lasa ng fishball niyo!." reklamo mo pagkatapos mong mainom ang tubig mo. Imbis na mag-alala ay tinawanan ka lang nito. Ganito ba talaga kasama ang lasa ng fishball? O nag iinignorante lang ako sa lasa nito dahil first time ko palang kumain neto?
" Iha magiging ganyan ka pangit talaga ang lasa ng fisball mo. Ilublob mo ba naman sa babaran ng sandok yung fishball mo." pagpapaliwanag ni mamang mangfifishball habang natatawa parin sa nangyari. Tama nga siya sa babaran ko nga talaga ng sandok naisawsaw ang fishball ko.
Pagkatapos magpaliwanag ng mama ay agad ko namang narinig ang tawanan ng Mga kasama Ko. Pota ayan masaya na kayo niyan? Sige sana mabulunan kayo.
Di kalaunan ay nabulunan nga ang isa sa kanila dahil sa kakatawa . Ayan karma mo na siguro iyan seungkwan. Now its my time to shine. Ako naman ang humalakhak ng tawa nang makitang nagkatapon tapon na ang tubig na iniinom niya dahil sa pagmamadali niya. Siguro ay natakot ito na baka biglaang kunin siya ng kamatayan dahil sa katangahan niya. Ayan nabulunan ka Tuloy! Kakaselpon mo yan eh!
Habang abala kami sa pagtusok tusok ng Mga fishball namin ay biglang may nag suntokan sa may school Gate. Isang grupo ng Mga lalaki ang pinagtutulungang suntukin ang isang lalaki? At Kung hindi ako nagkakamali siya yung lalaking nakaupo sa likuran ko, siya yung nagbigay sakin ng papel. Siya si myungho. Pero bakit hindi siya lumalaban? Akala ko ba kinakatakutan siya ng lahat ng Mga estudyante rito sa campus, kung kinakatakutan siya ay malamang malakas siyang makipagjubjuban. Pero bakit wala siyang ginagawa at tila hinahayaan niya lang ang mga ito?
Nang matapos na nila itong bugbugin ay Iniwan na lamang nila itong Nakahandusay sa daan na parang wala lang nangyari.
Aksidenteng nag tugma ang mga mata naming dalawa.
Tatakbo na sana ako papunta sa kanya upang matulongan siya nang biglang hinawakan ni mingyu ang balikat ko na tila Bay pinipigilan ako nito sa Kung anong pinaplano Kong gawin.
"Mingyu, tulungan natin siya." pakikiusap mo sa kanya.
"Minseok, wag." pagpigil nito sayo. "Gusto mo bang mapahamak?" dagdag nito.
"Pero Kasi mingyu kailangan niya ng tulong."
"Sa tingin mo ay bubugbugin siya ng ganyan Kung wala siyang katarantaduhang ginawa kaya tama lang iyon sa kanya. Minseok Kung ayaw mong maging ikaw ang susunod niyang biktima ay lumayo layo ka na sakanya habang maaga pa." hindi ko makuha ang gustong iparating sa akin ni mingyu, biktima? Anong biktima ang pinagsasabi niya? Saka tama naman siya, Kung wala itong katarantaduhang ginawa ay hindi siya mabubugbog ng ganito. Pero bakit hindi siya lumaban? Bakit hinayaan niya lang sila na bugbugin siya? Napaka hirap intindihin ng sitwasyon, napakakomplekado. Tinanong ko na si mingyu sa Kung ano ang totoong pagkatao ni myungho, ngunit hindi niya ako sinagot at sinabihan lang na layuan ko siya Kung ayaw kong Masira ang buhay ko.
Gusto kong maniwala sa mga sinasabi ni mingyu, ngunit may parte rin sakin na nagsasabing isa lang din siyang normal na estudyante na nangangailangan ng pagmamahal. Lalo na noong magtagpo ang mga mata naming dalawa. Puno ang mga mata nito ng lungkot at puot.
"Pero Min-" naputol ang salita ko nang mapansin Kong naka tayo na si myungho mula sa pagkakahandusay niya sa kalye habang pinipilit ang sariling maglakad.
"Tara na." hila sakin ni mingyu saka nag lakad na kami sa kasalungat na direksiyon Kung saan naglalakad si minghao.
____
Nang pa pasok na ako nang bahay ay agad Kong napansin ang naka bukas na lock ng bahay. Sa pagkaka alala ko ay kinandado ko ito kanina. Bat nakabukas to? May magnanakaw bang naka pasok sa loob?
Nang makakita ako ng tubo sa may Gate Ay agad ko itong hinablot at Dahan Dahan nang nag lakad habang naka tutok ang dala Kong tubo sa aking unahan. Baka kasi tama yung kutob ko na may maka pasok nga na magnakakaw rito.
Nang may narinig akong Ingay Mula sa sala ay agad ko itong sinilip. Tama nga ang kutob ko, may ibang taong naka pasok rito sa bahay ko. Nakatalikod ito habang hinahalungkat ang mini cabinet na nasa sala. Sakto ay Nakatalikod siya. Di na ako nag dalawang isip na tumakbo papunta sa kinaroroonan niya at agad na pinukpok ang likuran nito gamit ang tubong dala-dala ko.
"AHH!!!" sigaw nito na agad napahandusay sa sahig dahil sa sobrang lakas ng pagkakapalo ko.
Nagulat na lamang ako nang humarap ito sa akin. Si seokmin pala, ang landlord ng boarding House na tinitirhan ko.
Agad ko itong nilapitan at tinulungan upang maka tayo pagkatapos ay pinahiga ko na ito sa sofa.
"Pasensya na seokmin.. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya." panghihingi mo ng tawag habang bahagyang nilalagyan ng cold compress ang nahampas na likuran niya.
"Bakit naman kasi nanghahampas ka ng bigla?" tanong nito na hanggang ngayon ay iniinda parin ang sakit sa pagkakahampas ko sa kanya.
"Nakalimutan ko kasing nay duplicate ka pala ng susi ng bahay na ito, Akala ko ay may magnanakaw na naka pasok rito." pagpapaliwanag mo.
"sobrang gwapo ko naman Ata para mapagkamalan mo akong magnanakaw?" oo na gwapo ka na seokmin, pero wag naman sanang nangongonsensya ano?
"Ano ba kasing ginagawa mo rito seokmin? Alam ko namang Kayo yung may-ari nitong bahay nato, Pero di naman dapat na papasok lang kayo rito bigla bigla." dapat Kung papasok ka ulit rito sa bahay ko ay dapat sabihin mo muna sakin o I text mo ako. Ano ulit cellphone number mo? Charrr
"May naiwan lang kasi ako rito." sagot nyia saka tumango na lamang ako.
Nang umalis na si seokmin ay agad naKong nakahinga ng maluwag, hindi naman dahil sa ayaw ko sa kanya, kinakabahan lang ako syempre kasi hindi ko pa siya ganoon ka kilala, nandoon parin ang takot sakin na baka may gawin siya saking masama. Alam kong malandi ako pero kahit ganoon ako ay may dignidad parin ako sa sarili ko ano.
Itinapon ko ang sarili ko sa aking kama. Shyet ansakit ng likod ko, nakalimutan Kong wala palang kutson itong higaan ko.
Ipinikit ko ang aking mata at matutulog na sana nang biglang sumagi ulit sa aking isipan ang nangyari kanina.
Naalala ko ulit nang magtagpo ang mga mata namin ni Myungho.
Kumusta na kaya siya? Sana ay okey na siya ngayon.