"Buti na lang at nahuli na rin si Niko, dahil kung hindi sigurado ako gagawa na naman ng kasamaan 'yon!" wika ni Jessie. Nasa bahay ni Emerson ang dalaga at binalitaan ang kaibigan na naaresto na ang dati nilang boss. "Mabuti naman kung ganoon, hindi na ako mangangamba pa. Ang tanging hiling ko lang ay talagang pagbayaran niya ang mga kasalanan niya. Kasi hindi biro 'yung ginawa niya kay Cora." sagot ni Emerson. "Sabi ng pinsan ko kanina'y wala na raw iyon kawala. Lalo na at lumabas na sa media ang katarantaduhan niya. For sure buong mundo ang kalaban niya ngayon. At kahit subukan pa niyang piringan ang batas ay hindi na niya magagawa." "Dapat lang sa kanya 'yon, siya nga pala kumusta na ang bangkay ni Cora?" "Nag conduct ng autopsy ang mga pulis ngayon at lalabas ang resulta sa lalong

