Nasa kasarapan pa ng tulog si Emerson nang maramdaman niya ay marahang pagyugyog sa balikat niya kasabay ng pagtawag sa pangalan niya. Idinilat niya ang mga mata at nabungaran ang asawa na nakangiti. "Why? Anong oras pa lang," wika niya sa asawa pagkasulyap sa orasan na nasa dingding at ang sabi rito ay alas sinco pa lang ng madaling araw. "Tara na sa dagat, bangon na thart," yakag ng kabiyak. "Sus ginoo, ang aga pa, Aidan... Gusto ko pang matulog, please..." sagot niya. Niyakap niya ang unan na nasa gilid niya at muling ipinikit ang mga mata ngunit sa kasamaang palad ay mapilit ang asawa. "Bangon na riyan, nasa labas na rin sila Papa at mga bata. Kaya tumayo ka na riyan, panoorin natin ang bukang-liwayway." "But I'm still sleepy, Aidan..." pabulong niyang sagot. Dahil sa hindi niya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


