"KATARINA!" malakas na sigaw ang narinig ko mula sa ibaba. Mabilis akong nagtungo sa may hagdan. Nakita ko si Antalia mula sa baba na malaki ang ngiti habang hawak ang bag nitong de-gulong. Kumaway ito sa akin. Bumaba ako ng hagdan para salubungin ito. Kinuha naman ni Fernan ang bag nito para i-akyat sa itaas. Hindi na kasi bumalik kanina si Fernan kaya hindi ako nakasama para sunduin siya. Kaya ang nangyari maghapon lang ako dito sa bahay na walang ginagawa. Kulang na nga lang maghanap ako ng mga langgam at magbilang s a pagkabagot ko. "I thought you did not come. You did not come with Kuya Fernan when he fetched me on school," nakasimangot na saad nito ng makalapit ako sa kanya. "I was about to, but I know you like me too much," saad ko habang nakangisi dito. Mataray na umirap nama

