Chapter 22

4548 Words
Chapter 22 An arrow from an enemy "GOOD MORNING, CALIDA!" Halos napabalikwas ako nang biglang pumasok si Shaheal sa aking kwarto at malakas na sumigaw. Binuksan nito ang kurtina sinalubong ang araw ng may malapad na ngiti sa kanyang mga labi. Tinapunan ako nito ng mga mata niyang nagniningning. Kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan ang kalangitan sa may balcony. It's 7 am. Mukhang tinanghali ako ng gising ngayon. Marahan akong humikab at bumangon sa aking kama. Hindi ko pinansin si Shaheal na umagang-umaga ay napakataas agad ng energy. Ngunit bago pa ako makapunta sa banyo ay hinila ako nito sa aking kamay at hinawakan pa rin ang isa kong kamay. Kunot noo ko siyang tiningnan. Shaheal is really weird sometimes. "What again?" Walang sa mood kong tanong sa kanya. "TODAY IS THE DAY, CALIDA!" Malakas niyang sigaw with excitement in her eyes gleaming at me. Tumaas lamang ang aking kilay sa kanya. "I'm in front of you, Shaheal. You don't have to shout," ani ko at binawi ang aking mga kamay sa kanya. Dumiretso ako sa banyo para mag sipilyo at maghilamos. Hanggang doon ay sinundan niya ako. "Ano ka ba naman, Calida! Panira ka naman!" Aniya at bumusangot sa akin mula sa salamin. Hindi ko siya pinansin at ginawa ang dapat kong gawin sa umaga, "Don't you remember what you are suppose to do tonight?" Nagtataka niyang pahayag sa akin. Umiling naman ako bago ako magmumog. Her lips parted as if she's not expecting it. The smile on her lips vanished like a bubble and the gleam of her eyes went missing in exchange of despair from her eyes as she eyed me. "What?" I asked with no idea. "TODAY IS THE PAGEANT, HOW CAN YOU FORGET THAT?!" Malakas nitong singhal sa akin. Nagpunas ako ng kamay at blanko siyang tiningnan matapos nito muling sumigaw sa akin. Nakakailan na siyang sigaw sa akin ngayong umaga pa lang ha. "Do you want to die?" I asked with a threat in my voice. Natigilan naman siya at napagtanto ang kanyang ginawa. She smiled at me like a cute puppy trying to make me forget what she just did. Napailing ako at nag martsa na palabas ng banyo. I know that tonight is the pageant. I'm not nervous, I will do what I have to do. I don't even know other candidates. Basta lalaban lang ako dahil wala naman akong choice, "What now?" Ani ko at hinarap siya. "There's no class for today. Every section are preparing their candidates for the next Ms. and Mr. Agar. Jaycee's attires are paired with you and Rovielyn talked to your makeup artist and stylist already, mamayang alas tres ng hapon ay darating na iyon kaya mag rest ka muna riyan and burn them all at night," aniya at nakangiting kumindat. "Literally?" I asked again as if I didn't get what she said. Bumusangot ito at naglaho ang ngiti sa akin. Mas excited pa siya sa akin. Ni hindi namin siya kaklase pero ako ang sinusuportahan nila ni Crystal at hindi ang pambato nila. "Calida naman, eh!" Aniya at umiling sa akin. "Get down na, today is a big and long day!" Aniya ay muling nagbalik ang malawak niyang ngiti. Lumabas ito ng nangniningning ang mga mata at hindi na makapag hintay sa magaganap na pageant mamaya sa unibersidad. I'll be in front of the crowd and I hope everything will be fine. One of them might be the evils that we have been looking for. Bumuga ako ng hangin at sandaling nag-isip. The evils are being silent and it's not a good sign. I'm sure they're waiting for the right time to attack us again and if they did, I will release my first card that will definitely give them fear in their chests. "Crystal watch the eggs," nasalubong ko si Rovielyn na paakyat sa itaas habang ako naman ay pababa, "Cali, help them cook tinatawag ako ng kalikasan!" Aniya at mabilis na tumakbo sa itaas at hindi na ako hinintay na makapagbigay ng reaksyon. "I don't know how to cook!" Dinig kong sigaw ni Crystal mula sa kusina. "Just flip it if you don't want to burn it!" Sunod na sigaw ni Adrian. Tumaas ang kilay ko habang pababa ng hagdan. Are they okay now? They haven't talked to each other for the past few days. It seems like Crystal approached him already after speaking out about what happened to her sister. Kahit paano ay napalagay ako. Nag martsa ako papunta sa kusina at bumungad sila sa aking dalawa na nakaharap sa kalan. "May tumatalsik nga, ikaw kaya?!" Inis nitong bingay ang sandok kay Adrian. Napangiwi naman si Adrian at lumayo sa kalan bago ginawa ang kanyang sariling utos at suhestiyon kay Crystal. "F*CK!" "OH SH*T!" My lips parted when Adrian used his power nang tumalsik ang kanilang niluluto. Nalaglag ang aking panga nang bumungad sa akin ang namatay na apoy sa kalan at ang lababo na puno ng tubig. Sh*t, they messed it up. "Are you done coo--" bumukas ang mga labi ni Rovielyn nang nasilayan ang naging itsura ng kusina kung saan puno ng tubig iyon, "Why did I trusted these two?" She said in despair. Mariin akong pumikit at napailing sa dalawa na gulat pa sa nangyari. I don't know how to cook, at mabuti na lang at hindi ako ang napagbilinan niya. "It's the egg's fault! Biglang tumalsik I just defend myself!" Pagdadahilan ni Adrian habang hawak pa ang sandok. Namatay ang ilaw sa mga mata at marka nito. Mas lalo akong napailing at napapikit nang sabihin niya iyon. How can he blame the egg? That's dumb, Adrian. "You're blaming the egg that's not living at all?" Hindi makapaniwala na utas ni Crystal at napailing. "What happened here?" Sky asked as he arrived at the kitchen. Bumuga ako ng hangin at napailing. "Adrian accidentally used his power because of the egg that they were cooking, he just defended himself, Sky." Sarkastik kong saad kay Sky at tinapik ito sa kanyang balikat bago ako umalis doon ng umiiling-iling sa kanilang ginawa. If I'm the one who did it, the kitchen might be burned now. Nag martsa ako sa sala at naabutan ko si Shaheal na abala sa gown. Kumunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang mga isusuot ko mamaya. Lahat iyon ay handa na, hindi naman halata na talagang pinaghandaan nila itong araw na ito. Mas handa pa nga sila kaysa sa akin. "Your gown is elegant," Shaheal said with a smile. Dumako ang mga mata ko sa red gown. It's aglitter and it's shining in everyone's eyes, "You'll shine tonight," aniya at kumindat sa akin. My lips parted as I went to it and started to touch it with my own hands. Marahan ang naging pag hawak ko doon ng may kasamang pagkamangha sa napakagandang gown na ito. I can't help but to feel amazement. It's a red tube gown with a split on the left leg. It's jaw dropping and eye-catching. "Wow," I said in amazement. Kumurba ang ngiti sa aking mga labi. Pulidong-pulido ang pagkakatahi doon at ang mga materyales ay halatang mamahalin at hindi basta basta. I love it, and I adore it. "Of course, that's a customized gown. Ako ang namili ng disenyo," utas ni Shaheal at masayang-masaya. Hindi ako kumibo at mas pinagmasdan lamang iyon. Kahit saan ito tingnan ay perpekto ang pagkakagawa nito, "That's your sport attire," aniya at tinuro sa akin ang nakasabit sa gilid ng TV. Tumaas ang kilay ko doon. Pakiramdam ko ay muli kong namasdan ang kasuotan sa aming kaharian. "Is it also customized?" I asked, bago ako lumapit doon. "Yeah, sabi ni Rovielyn ay ganyan daw ang suot sa mundo natin. I have no idea, hindi pa nga ako nakakapunta doon," aniya at nagkibit balikat. Marahan naman akong tumango. Madalang ko ito mai-suot. Lalo pa't puro training lang naman kami. This is the first war we've seen and experienced. Marahan ko iyon hinawakan at naramdaman ko agad ang ibang bakal doon. I smiled as I remember myself touching and examining my own war attire that my parents gifted to us. It was a lava color, and this one has the same color. Rovielyn chose the right one for me. "Yeah, she's right." Ani ko lamang. Mabilis lumipas ang oras hanggang sa mag alas tres na ng hapon. Nasa aking kwarto ako at nakaupo sa may balcony. Sinasalubong ko ang marahan lamang na simoy ng hangin. Nakatingin ako sa kawalan at nagpapadala sa malalim na pag-iisip. I always think of what's the current situation of our kingdom now. The King and Queen, my parents. What is their situation? Nangangamba ako. Lalo na sa tuwing naaalala ko ang kamatayan ng ina ni Adrian. I know Adrian isn't okay with that and he's still in so much pain. He left our world when his mother died in front of him. Ang sinapit ng kapatid ni Crystal at ng ina ni Adrian, it's making me mad. Kinuyom ko ang aking palad. I felt the fire lining on my skin again as I felt anger in my chest. We left our world and we saw how many people died and one of them is Adrian's mother. Evils are hiding Shaheal and Sky's parents somewhere. Where did they hide them? Imposibleng sa aming mundo. Napailing ako. But they succeeded in hiding Crystal's sister in their kingdom. Mariin akong pumikit at bumuga ng hangin. Hindi sila magtatagumpay na maitago ang maraming tao sa kanilang kaharian at gawin silang bihag. My mother told me about them, the missing people. And one of them is Shaheal and Sky's real parents. (Flashback) "We still don't know where they are," nakaupo ako sa aking upuan at pinapakinggan ang mga kawal na kakauwi lamang galing sa paghahanap sa kapatid ni Crystal at sa ibang mga taong nawawala sa aming kaharian. The missing people are powerful. Isa sila sa nagtatanggol sa aming kaharian. But I don't know what power they hold. The king and queen never speak about that to me. Bumuga ng hangin ang ina, "I'm sure evils did this," aniya at puno ng galit sa kanyang mga mata. "May nakakita po sa kanila noong madaling araw. Tulala silang lahat na naglalakad papunta sa kagubatan. They were hypnotized, I'm sure of that. " Pahayag ng isang kawal. Kumunot ang aking noo. Hypnotized? The only one who controls that power is the queen of evils. That only means that they planned it. They planned it well. "Take a rest. Continue looking for them tomorrow," pahayag ng hari at lahat sila ay yumuko bilang pagbibigay galang bago nag martsa palabas. "Who are those missing ones?" I asked them quickly. Bumaling silang pareho sa akin. The queen held my hand gently and gave me a soft smile on her lips. "That would be one of your missions when the day we are expecting comes. Those people are powerful. They are holding the power that our kingdom would need for the war that we are all preparing for. We don't know where they are. Ngunit hanggang naririto pa kayo ay gagawin namin lahat makapagbigay impormasyon lang sa inyo bago dumating ang araw na kailangan na namin kayong ipadala sa mundo ng mga tao," mahaba niyang pahayag sa akin. "How would I find them?" I asked. "Marcelito. He's one of the missing people. His power is his voice. When you are near the place where the evils are hiding them, you'll hear him. Only you can, Calida. Marcelito is smart, sigurado ako na ikaw lang ang aasahan nila, kayo na susunod na henerasyon." Pahayag ng hari. "Marcelito will always sing just like what he always does in the morning. When you hear him singing and you're the only one who can hear him, it only means that you're near to the place where evils are hiding them," sunod na pahayag ng ina. Marahan akong tumango. That's our next mission. To find them. "Cali," mabilis akong lumingon sa aking kwarto at pumasok si Shaheal kasunod ang dalawang lalaki. Dala nila ang mga damit na isusuot ko para sa pageant. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at sinalubong sila. Sa tingin ko ay sila na ang makeup artist at stylist ko. "Siya ba ang aayusan?" Nagtatanong ang mga mata ko sa kasarian ng lalaki sa aking harapan na anyong babae. Sumenyas agad si Shaheal sa akin ng malambot sa dalawang iyon. Kumunot ang noo ko ngunit sa huli ay marahan akong tumango. "Yes, I'm Cali." Pahayag ko sa kanila. Their lips parted as they saw me. Pakiramdam ko ay sinusuri nito ng maigi ang aking mukha. They both glance at me with amazement in their eyes. "Wow, you look like a goddess. Kahit walang makeup 'to maganda na!" Komento ng isa. Nagtawanan naman sila sa aking harapan habang ako ay nagtataka pa rin. "Gaga, tama ka. Samantalang tayo kailangan pa ng maraming makeup gumanda lang hindi ka pa sure kung talagang gumanda," ani naman ng isa. Nabalot ng tawanan ang aking kwarto at matipid lang ako na nakangiti sa kanila. "Let's go to school. Sa may classroom na ka raw aayusan sabi ni Ms. Cruz para raw maasikaso ka rin niya. Less hassle rin kapag doon," ani Shaheal sa akin. Marahan naman akong tumango at bumuga ng hangin. "Let's go then," ani ko. Tulad ng napag-usapan ay dumiretso nga kami sa unibersidad. Kasama namin si Rovielyn at halos lahat sila ay inaasikaso ako para sa pageant. Pagdating namin sa unibersidad ay abala nga ang bawat section. Mukhang dito rin inaayusan karamihan at kitang-kita mo talaga ang suporta nila sa kanilang kaklase. Maliban kay Crystal at Shaheal na sa akin nakasuporta at hindi sa kaklase nilang lalaban. "Nariyan na si Cali!" Sigaw ng isa kong kaklase nang natanaw nila kami na palapit na sa aming room. Napailing na lamang ako sa kanilang salubong sa akin. Ramdam ko ang kanilang suporta sa akin para sa gaganapin na pageant. "Cali," ani Ms. Cruz at nakangiti kaming sinalubong, "Sila ba ang mag-aayos sa iyo?" Sunod niyang tanong. "Opo, Ms. Cruz!" Masayang sagot ni Cali. "Simulan na po agad para hindi magahol sa oras," pahayag ni Rovielyn. "Cali, we created banners for you and Jaycee!" Ani Andrew sa akin at pinakita nga ang banners na hawak nila. May mga disenyo iyon at may nakasulat na, "Cali and Jaycee for Mr.and Ms. Agar!" "You're supporting Jaycee now, huh?" Natatawang saad ni Sky kay Andrew. Naglaho ang ngisi sa kanyang mga labi at inis na tiningnan si Sky. "May choice ba ako?" Aniya at napailing. Sinimulan nga ang pag-aayos sa akin. Alam ko naman ang makeup dahil sa aming mundo ay madalasa kong ayusan lalo na kapag may mga events na dapat paghandaan. Iyon nga lang ay kakaiba ang mga uri ng makeup sa mundong ito. Para bang mas madali gamitin ang mga ito kaysa sa aming mundo. Hindi ko alam kung gaano katagal akong inaayusan. Basta't nakaupo lamang ako at hinahayaan silang ayusan ako. Nagsisimula na rin umingay ang buong unibersidad. Mula rito ay naririnig ko na ang cheering ng mga estudyante sa labas sa kanilang mga pambato. Hindi naman nagpapahuli ang mga kaklase ko na talagang pinapangunahan ni Andrew at Kristel. "Gumawa pa kayo, dali!" Dinig kong utos ni Kristel sa mga kaklase namin. They are creating more banners kahit na sapat naman na ang gawa nila. "I'm here to help!" Pumasok si Jamina at agad akong hinanap ng kanyang mga mata. Kumurba ang ngiti sa kanyang mga labi nang nasilayan ako, "Break a leg, Cali!" Aniya at agad na nakigulo sa mga kaklase ko na gumawa pa ng banners. "Where's Jaycee?" Ms. Cruz asked. Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik. He's not here yet, at hindi ko alam kung nasaan siya. "Ang sabi niya po ay mamaya pa siya. Doon na raw siya mag-aayos. Madali lang naman po kasi kapag sa lalaki," ani Kristel. Agad naman na tumango si Ms. Cruz. Pababa na ang araw nang isuot ko ang gown. Lumabas pa ang mga kaklase ko at hinarangan pa ako ng kurtina ng mga babae para mai-suot ko ang gown. Sunod kong sinuot ng heels na kumikinang din tulad ng eleganteng gown. Ang buhok ko ay kinulot lamang. Bumuga ako ng hangin nang sa wakas ay natapos kami. Hanggang sa dumating na ang oras na pinapunta na kami sa backstage at natipon na rin ang lahat sa may auditorium kung saan gaganapin ang pageant. Madilim na at mula sa backstage ay dinig na dinig ko ang malakas na sigawan ng lahat. "Are you nervous?" Shaheal asked. Marahan lang akong umiling. I don't feel nervous at all. Ang gusto ko lang ay matapos na ito. "Jaycee is not yet here," ani Ms. Cruz at puno na ng pangamba. "Paano po iyan? Magsisimula na yata," ani ng makeup artist ko at nangamba na rin. Narito lahat ng candidates at tanging ako pa lang ang walang kasamang escort. I don't mind joining this pageant alone. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung may balak ba siyang tumuloy pa. Palihim akong pumikit ng mariin. "Candidates, line up na!" Sigaw ng isang babae sa backstage. Tumayo na ako kahit na wala pa si Jaycee. I don't know what's running in his head. I can't even forget what he did in our classroom. "Where is he?" Kinakabahan ng saad ni Ms. Cruz. Pumipila na ang lahat ng ayon sa kanilang numero. Panghuli kami sa lahat. Number 10 ang numero namin na numero kanina. "It's okay. I don't mind representing our section alone, Ms. Cr--" "And I can't let you do that," "Jaycee!" Nakahinga nilang saad nang biglang dumating si Jaycee at may kasamang dalawang lalaki na anyong babae rin. Sa likod niya ay si Ismael na mayabang na naman ang ngiti sa kanyang mga labi. "Sorry, nasiraan kami sa daan," ani Jaycee at bumaling ang mga mata sa akin. My lips parted as I saw him. He's wearing a dark red suit and it's also aglitter like mine. Napaka gwapo nito. I feel like I've seen a prince from our world. "Shall we spice this night?" Aniya at kumurba ang ngisi sa kanyang mga labi bago marahan na nilahad sa akin ang kanyang palad. "Bagay, parehong maganda at gwapo," dinig kong ani ng makeup artist ko. Ngunit nanatili ang mga mata ko sa mga mata nitong nakakapukaw. "Sure," ani ko at hindi ko na napigilan ang pag ngisi rin tulad nito. We heard the emcee started the night. Nasa pinaka likod kami ng pila at naghihintay. Nabalot ng malakas na tugtog ang buong auditorium at sumabay pa ang malakas na sigawan ng mga estudyante. Shaheal is already out there to cheer and watch us. Ang makeup artist, stylist, at si Ms. Cruz na lang ang nandito ngayon para sa amin ni Jaycee. Bumuga ako ng hangin. Pakiramdam ko ay ngayon ako nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Natigilan ako nang kunin ni Jaycee ang isa kong kamay at hinawakan iyon habang ang mga mata ay nasa may stage lamang. "I'm with you," aniya. My heart is pounding again. Nagsimula na ang paglakad ng iba at ang kanilang pagpapakilala. Hanggang sa palapit na kami ng palapit. "We're next," ani ko. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at marahan lamang na ngumiti. "And last but not the least, candidate number 10!" Nagpakawala ako ng hangin bago kami naglakad papunta sa stage ni Jaycee. Mabilis na nag-ingay ang aming section at halos nabalot nila ng kanilang sigaw ang buong auditorium. We are now facing the whole crowd. Ginawa namin ang tinuro sa amin nila Ms. Cruz at Shaheal. We eyed them fiercely, and let them feel how powerful we are. "Wow, these two look powerful!" Sigaw ng emcee. Nang naglakad kami ng magkahiwalay at marahan akong hinila ni Jaycee sa aking beywang ay mas umingay ang buong auditorium. Maging ang emcee ay napatili nang maglapit ang aming mukha. And here I was, hearing my heart beating like a drum. We've done the first part. Naglaho ang kaba sa aking dibdib nang nagpatuloy pa ang pageant. Isa isa na ang naging pag rampa magmula sa lalaki at mga babae. "Cali Alvarez representing HUMSS-A!" I said on the mic and then the crowd went crazy again. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti nang tumalikod ako sa lahat sa tindi ng ingay ng mga kaklase namin. Nagpatuloy ang pageant hanggang sa dumako kami sa sports attire. Mabilis ang kilos namin sa backstage at tinali agad ng stylist ko ang buhok ko sa kalahati at naglaylay ng kaunting buhok sa aking mukha. Naglagpas din ng pulang makeup ang makeup artist ko sa aking mga mata and I really felt like burning in this look. Kinuha ko ang pana na siya kong gagamitin. Ang suot ko ay nililitaw ang aking tiyan at mas nakita pa ang kurba ng aking katawan. Pakiramdam ko ay sasabak ako sa digmaan nito. Nagpatuloy ang pageant at pareho kami ni Jaycee na pana. Muli kaming rumampa na dalawa sa stage kaya't mas tumindi ang ingay. Tumalikod kami sa isa't isa pagkatapos ay itinaas namin ang mga pana na para bang sa magkabilang gilid namin kami papana. We both walked fiercely, burning the stage with our looks. Dumako ang mga mata ko sa mga nanonood. I suddenly think of something that I should not be thinking right now. One of these people might be our enemies. Tahimik akong luminga habang nasa harapan kami. Who are they? Isinantabi ko iyon nang nagpatuloy ang pageant. Muli namin sinuot ang kanina naming suot matapos ang sports attire. Ngayon ay oras na para sa Q&A na hindi ko alam na mayroon pala. "You didn't tell me about this," ani ko kay Shaheal na nagpunta na sa backstage. Masama ko agad siyang tiningnan. I didn't even know that this is part of this pageant. Akala ko ay rampa rampa lang. "I know you're intelligent. The questions are easy, kaya mo 'yan!" Ani Ms. Cruz sa akin. Wala na akong nagawa pa nang tawagin na ulit kami sa stage. Nauna ang mga escorts. Nasa likod lang kami at nakalinya habang ang mga lalaki ay sumasakang sa katanungan na random lang. Umingay muli ang buong auditorium nang si Jaycee na ang sasagot sa katanungan ng emcee. "If there is another world, what would you choose, this world or the another world?" Natigilan ako sa naging tanong sa kanya. I saw how these people are innocent. They don't have any idea that there is really another world, and that's our world. And here we are, playing hide and seek with our enemies, pretending like a normal person who belongs here. "Whatever world is presented, I will always choose the world with peace. If that world has peace, then I will choose it. But if that world doesn't have peace at all, I will choose a world where I could feel peace without killings and war at all, thank you." "GO JAYCEEEEE!!!" Malakas na sigaw ng mga kaklase namin at muling nabalot ng hiyawan ang buong auditorium. Natigilan ako. Nanatili ang mga mata ko kay Jaycee. The way he answers seems like he grew up in a world where there's no peace at all. Nang nagpalit ang mga lalake at babae ng pwesto ay nagtama ang aming mga mata ni Jaycee. He gave me a soft smile on his lips as we went in front. Isa isa kaming tinanong at ako ay sa huli pa. Nakahawak lang ang isa kong kay sa aking beywang at naghihintay na ako na ang tanungin. While the other candidates are answering, ang mga mata ko ay naglalakbay sa paligid. I have to sharpen my sight and expect things that are unexpected. I can't trust all of them. Lalo pa at nasa gitna kami ng laro ng aming mga kaaway na nagpapanggap din. "Candidate number 10 please step forward," "CALI! CALI! CALI!" Muling nag-ingay ang aming mga kaklase. Talagang hindi sila nag-iingay kapag hindi kami ang tinatawag. Malawak akong ngumiti sa kanilang lahat. "If you're going to leave a place, what would be that place?" I wasn't expecting the question. Sandali akong natahimik bago ko kinuha ang mic. Ngunit pinanatili ko ang aking malawak na ngiti sa lahat. "Thank you for your wonderful question," I started, "If I will leave a place, that would be the place where there is no peace at all," tulad ng sagot ni Jaycee ay ganoon din ang aking naging sagot. I grew up in a world where there is no peace at all, and I am to answer the question that was asked to him, I would also answer the same. Just like now, if I would leave a place, that would be the place where there is no peace. Because that is what I always want. A world with peace. A world without killings and war. A place with peace and not harm at all. "I would choose any place as long as there is peace. Who would want to live in a place where there is no peace at all? Even humans want peace in their minds. So, if I am to leave a place, that would be the place where there is no peace at all, thank you!" Malakas na pumalakpak ang lahat at muling sumigaw ang aming section. Natapos ang Q&A at dumako na sa pag-a-announce ng winner sa gabing ito. Magkatabi na kami ni Jaycee at hawak nito ang aking kamay. "I don't mind losing here," komento ko habang lahat ng candidates ay kabado. He smirked at me, "I don't mind losing as long as I don't lose you," aniya at malambot akong nginitian. Malakas na kumabog ang aking dibdib at natigilan sa kanyang sinabi. Here he goes again, driving me crazy. "The new Mr. Agar is," sandaling huminto ang emcee, "Candidate number 10 from HUMSS-A!" Kung kanina ay maingay na ay mas umingay ang buong auditorium nang manalo si Jaycee. Marahan akong pumalakpak sa kanya bago siyang pumunta sa harapan at may sinuot sa kanya. Kitang-kita ko ang saya sa mga mukha ng mga kaklase namin. "Now, the new Ms. Agar is," huminto ulit ang emcee at tiningnan kami. Nanatili akong kalmado, "Candidate number 10 from HUMSS-A!" Again, the crowd went crazy as they screamed so much. Nagkagulo na ang mga kaklase namin kasama si Ms. Cruz na tuwang-tuwa sa amin. Sinalubong ako ni Jaycee sa harapan ng malawak ang ngiti sa kanyang labi, tila ba ay inaasahan niya iyon. I didn't expect that I would win. Nilagay sa aking ulo ang isang korona at malakas kaming pinapalakpakan ng lahat. While standing in front of the crowd, I saw an arrow coming in my direction behind the lights coming towards us. Naglaho ang ngiti sa aking mga labi at hindi ako natinag sa pana na iyon. But before I could even avoid it without people noticing, Jaycee pulled me gently to him before the arrow hit me. Suminghap ang lahat mula sa pana na iyon. Lihim na dumako ang mga mata ko kay Jaycee nang protektahan ako nito sa kanyang bisig. Ang mga mata nito ay dumako sa pinagmulan ng pana. His eyes looks surprised, ngunit puno rin iyon ng galit. That night, our enemy moved again. But that night, I started doubting Jaycee's identity. Is he normal? Or he's one of our enemies? clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD