Chapter 29

2371 Words
Chapter 29 Detention "Stop!" Malakas na sigaw ni Adrian sa kalagitnaan ng pagsasanay nila kay Sky at Shaheal. They are doing training. Si Crystal sa kabilang banda ay naghahagis at pinapaulanan sila ng matatalim na blades habang si Adrian naman ay panay ang pagpalo sa mga blades na mula kay Crystal upang maibalik iyon kila Shaheal at Sky. Umagos ang dugo mula sa braso ni Shaheal. Lahat sila ay pawis na pawis na. Si Sky ay nagkaroon ng daplis sa kanang pisngi. Tinukod ni Sky ang magkabila niyang kamay sa kanyang mga tuhod at hinabol ang hininga. Si Shaheal ay pinahid ang lumandas na pawis sa kanyang noo saka lamang nabalisa sa sugat niyang natamo. "Your eyes must be sharper than the blades!" Hinihingal na saad ni Adrian. He was right. Sa pakikipaglaban, dapat ay mas alerto ka. Lahat ng uulan sa iyong armas mula sa kalaban ay papatayin ka, lahat iyon ay matatalim. You can't win a fight if your eyes aren't sharper than the blades around you. Maging ang pakiramdam ay dapat malakas mula sa paparating na panganib o armas papunta sa iyo. "What do you mean?" Bumuga ng hangin si Adrian at tila ba ay na-dismaya ng tuluyan. Tumayo ako at kinuha ang pana. Lahat sila ay napatingin sa akin nang gawin ko iyon. "What are you doing?" Nababalisa na tanong ni Shaheal. Hindi ko siya pinakinggan at sinagot. Wala akong kahit anong salitang binitawan at pinakawalan ko agad ang pana papunta sa direksyon ni Crystal. Batid ko na tatamaan siya sa kanyang noo, but before that arrow go and stab her on her forehead, mabilis iyong nahawakan ni Crystal at hindi nakarating sa pagtama sa kanyang noo. "F*ck," mura ni Sky. Ngunit si Crystal ay ni hindi man lang natinag doon. Bumuga ako ng hangin at nilapag ang pana bago ko sila binalingan ng aking mga mata. "That's what Adrian was trying to say," pahayag ko kay Sky at Shaheal, "Kailangan ay malakas ang pakiramdam ninyo. Kailangan ay matalim ang mga mata ninyo sa bawat galaw ng kalaban," kinuha ko ang blade sa baba na may bahid ng dugo. It's probably Shaheal's blood, "Because if not, you will be easily killed," I added and played the blades with my fingers. "You have to sense what's coming even if you don't expect it. And if you felt a danger coming to you, stop it without fear in your eyes but bravery," pahayag ni Crystal at binalik ang pana kong pinakawalan sa kanya sa may lalagyan ng mga armas. Bumuga ng hangin si Adrian at dalawang beses na pumalakpak, "Let's continue. I will not give mercy now so sharpen your eyes," ani Adrian sa kanila. Nag martsa ako pabalik sa lamesa na may malaking payong kung saan kami nakaupo ni Rovielyn kanina. "They are getting better," utas ni Rovielyn sa akin. I nodded as we started watching them. "More practice and they're ready," pahayag ko bago simulan ni Adrian at Crystal ang pagpapaulan ng blades sa dalawa na panay ang iwas. I forbid them from using their powers. Dahil hindi sa lahat ng oras ay maililigtas ka ng kapangyarihan mo. You have to fight without it. Isa rin iyong puntos kapag walang alam ang kalaban mo sa kapangyarihan na mayroon ka. "Have you seen the girl who can hear everything?" She suddenly asked. Marahan akong umiling. I haven't seen her for a while. Mukhang sa kanilang lahat ay siya ang may sariling mundo. "I found the lost sister of Crystal," agad kong naramdaman ang mabilis niyang pagbaling sa akin. "Who is she? I haven't read your mind," aniya. "Crystal is wearing that heart necklace. Mula pagkabata namin ay suot niya iyon. She told me that her lost sister also has that necklace. That day, I accidentally met that girl. She accidentally fell it on the ground, and it was exactly the same necklace as Crystal has," kwento ko. Muling pumasok sa aking isipan ang maamo ngunit matapang niyang mukha. I know I saw her before. She's familiar. Ngunit pakiramdam ko ay blanko ako at hindi ko maalala. "Do you know her?" She asked. "She's familiar. I saw her many times at the University. Pero hindi ko maalala kung saan at kailan," pahayag ko at bumuga ng hangin. Nilaro ko ang aking mga labi. Sa kabila no'n, ay nakakaramdam ako ng guilty mula sa malaking pagkakamali kong nagawa. One more evidence, and I'll confirm that Jaycee is really the prince of evils. At pag nagkataon na tama lahat ng hinala at nasaksihan ko, I don't know what to do. Ni hindi ko alam kung paano siya layuan at iwasan. "Should we keep it a secret again?" Marahan akong tumango. That's what I think is the right thing to do as of now. I can't let them know unless I find them all. If I do, I'll tell them. Pero kailangan pa rin namin makipaglaro at kapag nagkataon na nalaman ko kung sino sila, ay mas magiging alerto kami sa aming paligid. We will know who to trust in this world. We will know who are not normal people around us, as we temporarily live in this world. Sinalo ko ang isang blade na aksidenteng nahagis sa aking direksyon. Naging dahilan iyon ng pagtigil nilang lahat at ang mga mata nila ay napunta sa aking direksyon. Ngumiwi si Sky nang nasilayan niya ang blade na aksidente niya naihagis sa aking direksyon imbes na kay Adrian. Pinagmasdan ko ang talim ng bagay na iyon at walang pasabi ko iyon binalik sa direksyon ni Sky. "Watch out!" Shaheal said. I smirked as I saw Sky catched it with his fingers, at wala itong natamong sugat mula doon. Tumayo ako at binigyan siya ng palakpak sa aking mga kamay. Bumuga siya ng hangin at tila ba ay ngayon lang nabalisa. "I'm alive," komento niya at binato ang blade pabalik kay Crystal na mabilis namang sinalo nito. "Woah, I'm proud of you!" Sinuntok ni Adrian si Sky sa kanyang braso at tuwang-tuwa itong tiningnan. "That's enough," ani ko sa kanila, "Konti pa at handa na kayo. Shaheal, you have to be more alert, you will not live if you stay like that," pahayag ko kay Shaheal. Agad naman siyang ngumiwi at nakaramdam ng dismaya sa kanyang sarili. "Don't worry, that's normal for a beginner," komento ni Crystal sa kanya. "You guys should change. We have an upcoming exam," utas ko. Natigilan silang lahat at nagtatakang nagtinginan bago binalik ang kanilang mga mata sa akin. "Woah, seryosong-seryoso sa pag-aaral?" Biro ni Adrian at mahinang tumawa bago pinulot ang ibang kalat. "Magulat ka nataasan pa niya si Kristel," ani Crystal at mahina rin na tumawa. "Parang dati lang ay ayaw mo kay Kristel. But these past few days, halos hindi na kayo maghiwalay dalawa!" Malakas na tumawa si Sky. I just rolled my eyes at them. Napailing na lang ako sa kanila. "Whatever," ani ko bago ako nag martsa pabalik sa loob ng bahay. Narinig ko pa ang pang-aasar nila sa akin hanggang sa nakapasok ako sa loob. Lumipas ang gabing iyon at dumating ang panibagong araw. As usual, I woke up early. Nakasanayan ko na yatang tuwing umaga ay narito ako sa may balcony at sinasalubong ang simoy ng hangin. Maaga akong gumayak pagkatapos ay bumaba na rin. Sa araw na ito ay walang late sa amin. We all went to the University normally. I don't know what will happen today. I don't know if I will discover something again. "Come on, why aren't you smiling? Ang aga aga oh!" Kanina ko pa kasama si Andrew dito sa labas ng classroom. Maingay sa loob at hindi ako mapayapa doon. Pero heto naman ako at binubulabog ni Andrew sa labas. Jaycee isn't here. Bumaba sila ni Ismael kanina at sinenyasan niya ako na pupunta sila sa cafeteria. We've been secretly communicating to each other. Tingin ko naman ay wala rin ideya sila Adrian at ang mga kaibigan ni Jaycee tungkol sa aming dalawa. Kristel is the only one who knows what's going on between us. "I'm not in the mood," pagdadahilan ko kahit hindi naman iyon totoo. Sa hindi ko gustong ngumiti, eh. Isa pa, lagi naman akong ganito. "Well, malapit na ang laro namin sa basketball. Makakalaban namin ang kabilang University. Promise me that you'll be there," aniya at diretso akong tiningnan. Bumuga ako ng hangin at marahan siyang tinanguan. "Okay, sure!" Ani ko na lang na agad namang nagbigay ligaya sa kanya. Napailing na lang ako. Hindi ko akalain na ganoon kababaw ang kaligayahan niya. It would be my first time watching that game. Wala pa akong ideya kung paanong paglalaro ang magaganap. At least, I would have a chance to watch him play, "What about you Dad?" I asked. I didn't tell him that I heard them fighting. Ayokong mailang siya doon, so I just pretending that I didn't heard anything that day. "He's busy with our business. I took the chance to break his rules. Tutal ay nasa business trip siya at pagkatapos ng laro namin siya uuwi dito," pahayag niya at bumuga ng hangin. Batid ko ang lungkot at sakit niyang nararamdaman. I really feel bad for him. Andrew is an amazing guy. I think he deserves happiness just like what he gives to everyone around him. Dumako ang mga mata niya sa akin at sa hindi ko inaasahan ay marahan niyang hinawi ang takas na buhok sa aking mukha at inipit iyon sa magkabila kong tainga. A smile flashed on his lips as if he was the happiest person in front of me. Ngunit mabilis din na napawi ang mga mata ko sa kanya nang dumaan sila Ismael kasama si Jaycee na nakabulsa lamang ang mga kamay. Before he could even go inside the classroom, he eyed me coldly. Bago siya bumaling sa mga kamay ni Andrew sa akin. It gives me chills. Wala sa sarili akong napalunok at agad na dumistansya kay Andrew. I laughed awkwardly. "Students, come inside!" Laking pasalamat ko nang dumating na si Sir at agad akong nag martsa papasok sa loob. Muling nagtama ang mga mata namin ni Jaycee at sa mga mata pa lang niya ay ramdam ko na ang galit doon. Umigting ang panga nito at nadako kay Andrew na kasunod ko. Lihim akong ngumiwi bago maupo sa aking upuan at pinagmasdan ang kanyang likuran. Nagsimula ang klase at balisa ako. Pakiramdam ko ay may mali akong ginawa kay Jaycee dahil sa nasilayan niya kanina. This is my first relationship, and it's already complicated. Kumunot ang noo ko ng napansin ko ang pag-uusap ni Ismael at Jaycee sa aming harapan. Mas lumalamig ang mga mata ni Jaycee habang si Ismael ay hindi mapigilan ang pagsilay ng mayabang nitong ngiti sa kanyang mga labi. I was about to ignore it, not until it happened… "F*CK OFF!" My eyes literally widened as we all heard Jaycee cursed. Tila ba ay huminto ang aming mga mundo at lahat kami ay napalingon sa kanya. Mariin siyang pumikit at masamang tiningnan si Ismael na nakangisi. Doon lang napagtanto ni Jaycee na hindi niya na-kontrol ang kanyang sarili. "He's dead," komento ni Sky. "I'm sorry, S--" "Detention for you, Jaycee!" Galit na sigaw ni Sir. "What do they do in detention?" I asked Sky. "They are staying in a room for an hour without anything," ani Sky. Mariin akong pumikit before I bit my lower lip. "Anyone else who wants to join him?!" Galit na sigaw ni sir at tiningnan kaming lahat. Bumuga ako ng hangin at kinuyom ang aking palad. Nabalot ng katahimikan ang buong klase at wala namang nagsalita. Why do I have to do this? "D*mn," I said aloud. Suminghap sila at napunta ang mga mata sa akin. Yumuko ako at ngumiwi. Laglag ang panga ni Adrian at Sky sa akin at hindi makapaniwala na sinabi ko iyon ng walang dahilan. "Cali," gulat na utas ni Andrew. Ngumiwi sa akin si Kristel at problemado akong tiningnan. Tila ba ay alam na niya ang dahilan kung bakit ko iyon ginawa. "Detention for you, Cali!" Galit na sigaw ni sir sa akin. "You're out of your mind," komento ni Adrian nang tumayo ako dala ang bag ko. "I know," I answered before I eyed Jaycee who's also looking at me with his blank eyes. Ramdam ko pa rin ang galit sa kanyang mga mata. "OUT!" Malakas na sigaw ni sir sa amin. Agad naman kaming lumabas at nag martsa palayo doon at papunta sa detention room. "Hey," ani ko at hinawakan ito sa kanyang braso. He didn't speak, so I didn't speak as well. "I can't believe I'll see the both of you here," ani ng babae nang dumating kami sa detention room. Napailing siya at dismayado kaming tiningnan bago kami pinapasok sa loob at sinara iyon. Bumungad sa akin ang walang laman na kwarto. Kahit upuan ay wala. Is this even detention? "Jayc--" before I could even speak, naramdaman ko ang malamig na pader nang bigla akong itulak ni Jaycee at mabilis akong hinalikan sa aking mga labi. Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang dila papasok sa aking bibig. Tila ba ay uhaw na uhaw ito. Naramdaman ko ang mga kamay nito sa aking baywang at halos maubusan ako ng hininga sa malalim ngunit marahan biyang halik. Nakaramdam ako ng panghihina. My legs trembled. Hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong mga kamay na nakapalupot sa kanyabg batok. Hindi ko alam kung ang apoy sa loob ng katawan ko ang nag-iinit, ngunit kakaibang pag-iinit ng katawan ang nararamdaman ko. I feel like I'm enjoying his kisses. Pakiramdam ko ay nalulunod at naadik ako sa mga halik nito. Agad kong hinabol ang aking paghinga nang maghiwalay ang aming mga labi. Tanging ang mabibigat na paghinga naming dalawa ang naririnig. Marahan niyang dinikit ang kanyang noo sa akin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga maging ang pabango nito. He looked in my eyes, down to my lips. "I'm jealous," he said. At alam ko na kung ano at kanino ang tinutukoy niya, "And that's how I punish," he added. Wala sa sarili akong ngumiti. "That's the best punishment ever," I seductively said and laughed. "This is the best detention ever," he said and kissed me again. clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD