Chapter 31

1506 Words

Lumagok si Sheila mula sa lata ng alak na kanyang hawak. Bahagyang na ibsan ang lamig na kanyang nararamdaman dahil sa bonfire na ginawa ni Anton. Dapit-hapon na kaya na upo muna sila sa dalampasigan. Bumuntonghininga si Sheila at tumanaw sa malayo. Nakasuot sa kanya ang t-shirt ni Anton kaya nakatulong din iyon para mawala ang lamig niya. Nakaupo silang parehas sa beach chair na nakita nila sa loob ng cottage. “Sure ka na walang dadating ditong mga tao?” tanong ni Sheila makalipas ang ilang sandali. Kanina pa kasi sila andito ngunit walang ibang dumadating. Noong tinanong niya si Anton ay solo raw nila ang lugar na iyon. “Yes. I’m one hundred percent sure because I rented this whole place.” Namilog ang mga mata ni Sheila. Tumingin siya kay Anton na nakaupo sa kabilang parte ng bonfi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD