SheyBoom: Ano naman ang gagawin natin kapag magkita na tayo?
Ngumisi nang malapad si Sheila. Iniisip niya pa lang ang mangyayari kapag magkita na sila nito ay hindi na siya mapalagay. Ilang taon siyang tigang kaya sisiguraduhin niyang ibibigay niya ang best performance niya sa kama.
Anton Smith: I’ll eat your pus8y, and f0ck you hard.
Halos pumalakpak ang tainga ni Sheila nang mabasa niya ang tugon ni Anton. “Napaka harot mo naman, Sheila! Ang kalat!” natatawa niyang sabi.
SheyBoom: Hmm… Then I would love to eat your hotdog.
Napangiwi si Sheila noong maalala niya ang mga sinabi niya sa binata habang nag-uusap sila sa chat. Hindi siya makapaniwala na nasabi niya ang lahat ng iyon. Urgh! Ang harot mo kasi, Sheila! Masyadong takam sa hotdog?! pagalit na sabi niya sa kanyang isipan. Dinala siya ni Anton sa isang Coffee shop na malapit sa airport. Kaunti lang ang customer ng coffee shop kaya pinili nila ang pwesto sa may pinaka dulo at malayo sa mga tao.
Magkaharap silang nakaupo sa isang pabilog na lamesa. Hindi umiimik si Sheila at nakikiramdam lamang sa sasabihin ng binata.
Tumikhim si Anton. “I’m sorry kung hindi ako nagsabi sa ‘yo ng totoo, Sheila.”
Umarko agad ang isang kilay ni Sheila. “Sheila?”
“Why?” nalilitong tanong ni Anton.
Ilang sandali pa silang nagsukatan ng tingin hanggang sa umiwas na si Sheila ng tingin. Iniikot niya ang kanyang mga mata. Hindi ata nito maunawaan ang ibig niyang sabihin. “Ilang taon ka na nga?” mataray niyang sabi. Gustong niyang magmaktol dahil sa labis na pagkadismaya. Sineksihan pa naman niya ang suot niyang bestida ngayon. Halos lumuwa na nga ang kanyang dibdib dahil sa lalim ng awang sa may dibdib na parte ng damit.
“Twenty-seven.”
Napangiwi si Sheila. Hindi niya in-expect na napaka bata pa nito. Kung pwede lang bawiin niya ang mga sinabi niya noon.
Bumuntonghininga si Anton. “Sasabihin ko na sana sa ‘yo. Kaso nasabi mo kasi sa akin na mas gusto mo ang kaedad mo, and clearly I’m not it.”
“’Yon naman pala eh. Bakit pinaabot mo pa sa puntong ‘to?”
“I like you.”
Nangunot ang noo ni Sheila. Muli niyang tinitigan ang binata. “Ano? Paki ulit?”
“I said I like you. Kaya hindi ko sinabi ang totoo sa ‘yo. Kaya na isip ko na mas maige kung saka mo malaman kapag magkita na tayo.” Ipinatong ni Anton ang kanyang mga kamay sa lamesa. “Look, Sheila. I know you will not believe it. But I felt a connection with you while we were texting.”
Umingos si Sheila. “You mean ‘sexting.’”
Napatikhim si Anton sa sinabi ni Sheila. Makulit na ito habang sa chat pa lang. “W-Well, bonus na ‘yon.”
“Pwede ba, Anton. Okay na. Kung gusto mo ng apology. Fine! Apology accepted! Pero magkalimutan na tayo. Kalimutan na natin ang mga na pag-usapan natin. Ayaw ko nang ipagkatiwala ang sarili ko sa taong hindi ko naman kakilala.”
“Are you sure?”
“Yes! I am.”
Malungkot na bumuntonghininga si Anton. “I was really expecting for two of us to go on a trip. I canceled all my appointments for you.”
“Wow? H’wag ka na mangonsensya. Kung ngayon pa lang ay nagsinungaling ka na sa akin. Paano pa kaya kapag tayo na lang dalawa? Napaka laking abala rin kaya nitong ginawa mo sa akin!” bwelta ni Sheila kay Anton. Gusto pa sana niyang sabihin na pinasabik lang siya nito pero pinigilan na niya ang sarili. Ayaw naman niyang ipakita rito na sobra siyang nanghihinayang dahil sa nangyari.
“Hindi naman sa gano’n. But please, think about it. Andito na tayo. The only thing I lied to you is my age. Lahat ay totoo na, Sheila.”
Natigilan si Sheila. Oo nga. Doon lang niya na alala na ang profile picture nito ay siya rin mismo. Nagtataka na siya noon pa kung bakit mukha itong bata pa kaysa sa edad nito. Pero masyado kasi siyang na excite sa t!te kaya hindi na niya iyon inintindi pa. Iniisip niya ay kaya mukha itong bata dahil sa may lahi itong Australiano. Kasalan din niya dahil hindi niya iyon na isip.
“Kahit na. Dapat sinabi mo manlang sa akin, ‘di ba?” Huminga nang malalim si Sheila. “Sa tingin mo ba itutuloy ko talagang tumuwad sa ‘yo gayong halos magkaedad lang kayo ng bunso ko? Mas matanda pa nga sa ‘yo ang panganay ko eh!”
Napangisi si Anton. Kung gaano kakulit at kadaldal ni Sheila sa chat ay ganito rin ito sa personal. “I was looking forward for that,” makahulugang sabi niya.
“Pweda ba? Seryoso ako, ‘no?”
“Me too.”
Na iikot ni Sheila ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya biglang ay tumanda pa siya ng ilang taon dahil sa binatang nasa kanyang harapan.
“I know it's not right that I hide my actual age from you, but think about it, Sheila. Nagplano na tayo, at ito na. Andito na tayo. Uuwe ka pa rin talaga?”
Huminga nang malalim si Sheila. Totoo naman ang sinabi nito. Kaso sa napag-usapan nilang dalawa ay hindi na niya ata makakaya na ituloy iyon. Masyadong bata para sa kanya si Anton. Para siyang kumain ng batang batang karne. Napatitig siya kay Anton. Well… hindi naman siguro masama kung itutuloy ko? Hindi ko naman siya kilala. Why not? Napailing si Sheila. Hindi pa rin tama! Fifteen years ang tanda ko sa kanya. Nakakakonsensya masyado! Kung siguro ay ka-edad niya ito ay hindi na siya magdadalawang isip pa. Kaso napaka bata nito para sa kanya.
“Kung hindi ka pa rin nagtitiwala, then let’s make a deal. Or assurance. You can get my details and pictures.”
“Hindi naman kasi ‘yon, Anton. Tingnan mo ako.” Nakipagtitigan si Sheila kay Anton. “Para na tayong magnanay! At nakakalimutan mo na ba kung anong klaseng pag-uusap ang ginawa natin? Hindi ko kaya!”
“Because I’m too young?”
“Exactly!”
“Wala naman atang masama ro’n? It’s just age. And besides I am in my legal age. It’s not like I’m still a minor.”
Iniikot ni Sheila ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay napapasubo siya sa isang pangyayari. Tinitigan niya nang maige si Anton. Mukha naman itong desenteng tao. Sa ilang araw na nagkakausap sila ng binata ay kahit papaano ay nakilala niya na ito. Kaso naman ay nagsinungaling ito sa kanya sa edad nito. Isa sa mga pinaka importanteng detalye sa pakikipagkapwa-tao. Hindi imposibleng nagsinungaling pa ito sa kanya tungkol sa iba pang mga bagay.
“Okay, para hindi ka mag-alala pa. Let’s go to our house.”
Nanlaki ang mga mata ni Sheila. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng sabik at pangamba sa sinabi nito. Bakit naman siya dadalhin sa bahay nito?