“Ano? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Sheila. Nakapamaywang pa siya habang nakaharap kay Anton na nakaupo na sa kama. Kababalik lang nila galing sa restaurant at mukhang hindi naging maganda ang pag-uusap ng magulang nito. Huminga nang malalim si Anton. “Sa Palawan.” “Palawan? Ano’ng gagawin natin doon? Heto na tayo sa Boracay, oh?” “I want to go out there. It’s suffocating, Sheila.” Natigilan si Sheila noong makita niyang maluha-luha si Anton. Noong makalabas siya kanina sa banyo sa restaurant na kanilang kinainan ay na abutan niya pang nagtatalo ang mag-ina. Kulang na nga lang ay saksakin siya ng nanay ni Anton kanina noong makita siya. Hindi naman niya nagawang magtanong dahil bigla na lamang siyang hinila ng binata at dinala rito sa kwarto nila. Bumuntonghininga siya.

