Huminga nang malalim si Jessa. Nasa harap na siya ng bahay ni Anton at kanina pa ay nag-iisip kung pipindutin niya ba ang doorbell sa gate nito o hindi. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. “Go, Jessa. Kausapin mo na si Anton,” ani Jessa at pilit pinalakas ang loob. Matapos niya kasing asikasuhin ang kanyang ina ay na pagdesisyonan niya na kausapin si Anton. Na isip niyang bumawi sa kanyang ina. Muli siyang bumuga ng hangin. Lumapit na siya sa gate at pinindot ang doorbell. Halos marinig na niya ang pagkabog ng kanyang dibdib. Papaano kasi ay ngayon lang din niya ulit makikita si Anton at makakausap sa personal matapos ang kanilang paghihiwalay. Pero kailangan niya itong makausap kaya pilit niyang kinokontrol ang sarili. Ilang sandaling naghintay si Jessa sa labas bago may lumabas na is

