Chapter 37

1623 Words

Wala nang masakyan na bangka si Sheila kaya naghanap muna siya ng ibang cottage na matutulugan ngayong gabi. Malayo sa cottage na inupahan nila ang pinili niya. Pinakiusapan din niya ang mga staff na kapag mayroong maghanap sa kanya ay h’wag na h’wag siyang ituturo. Mabuti na lamang at kasama raw sa rules nila na h’wag magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga customer nila. Medyo napanatag siya na hindi siya mahahanap ni Anton. Humiga lamang siya sa kama at pilit na natulog. Ngunit wala rin dahil hindi mawala sa isipan niya ang nangyari. Nakatitig lang siya sa kisame na para bang naghihintay na lumabas ang solusyon doon. Bumuntonghininga siya at tumagilid. Ang sama magbiro ng tadhana. Sa dinami-raming bibiruin ay sila pa. Unti-unting nanubig ang mga mata ni Sheila. Impit siyang umiyak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD