Panay ang titig ni Sheila kay Kelly Ann. Katabi nito si Matilda at nauuna sa kanilang maglakad papunta sa dalampasigan. Hindi niya maiwasang mapataas ng kilay. Itong katawan na ito ay hiniwalayan ni Anton? Parang hindi siya makapaniwala dahil sa nakita niya sa binata. Mukhang mahilig ito. Ang sexy kasi ni Kelly Ann. Lalong nakadagdag sa ganda ng katawan nito ang angking katangkaran nito. Ang mga hita ay makinis at maganda ang pagkakahulma. Nakasuot ito ng two-piece bikini kagaya niya pero walang nakatakip na short sa ibaba. Kompyansang kompyansa nitong ipinapakita ang katawan nito. Ang sarap maging bata, ani Sheila sa kanyang isipan. Hindi siya palaging na i-insecure sa katawan ng ibang babae dahil mayroon naman siya. At sigurado siya na may ibubuga rin naman siya. Ewan niya lang ngayon.

