“Kailangan ba talagang may ganito, Morris?” tanong ni Lyrica sa asawa, titig na titig siya sa mga mata nito. Gusto niyang makita ang lahat ng emosyong nagsasalimbayan sa balintataw nito. Tumayo si Lyrica at minasdan ang kambal na maganang naglalaro sa play mat. May mababang mini fence ang nakapalibot sa play mat, kaya walang ibang puwedeng gapangan o puntahan ang kambal. Lumabas siya ng fence at naupo sa kama, tinapik niya ang espasyong nasa tabi niya habang nakatingala kay Morris, inuudyukan itong maupo roon. Tumalima naman agad ang asawa. “Masyado namang pabor sa iyo ang nilalaman ng dokumentong ito,” simula niya. Napatingin sa kanya si Morris. “Which part?” “Lahat. On nullification of marriage, paano kung ikaw ang mag-file ng request na ipawalambisa ang kasal natin?” “You know I w

