Ang kabog ng dibdib ni Lyrica dahil sa mga ikinumpisal ni Morris ay sobrang lakas. Dumadagundong. Parang may mga naghahabulan sa loob ng dibdib niya. Paulit-ulit sa utak niya ang mga ipinagtapat nito—mahal siya ni Morris. His love may be distorted, depraved, even evil—but that's the kind of love he knew. Kagaya nga ng sabi nito, kung mali ang uri ng pagmamahal na alam ni Morris ay turuan niya lang ito, pero sa ngayon ay hayaan niya itong mahalin siya sa paraang alam nito. Kahit may bahagi pa ng puso niya ang may sugat na likha ng nakaraan at hindi pa tuluyang naghihilom, ay may parte ring nagsusumigaw at nagsasabing ipadama niya kay Morris kung ano ang tunay na pag-ibig. Because no one had taught him how to love another person in the truest and kindest meaning of love. Ang pagmamahal ni

