Lumagapak ang pisngi ni Morris nang umigkas ang kamay niya at malakas itong sinampal. Hindi nga niya namalayang nakalapit at nakatayo na pala siya sa harapan nito. Parang may sariling utak ang mga paa niya at kusang humakbang palapit sa lalaki para lang masaktan niya ito. Taas-baba ang kanyang dibdib, tumatahip iyon. Mabilis din ang pagpintig ng puso niya. Napatingin siya sa kanyang palad. Namumula iyon. Napatingin din siya kay Morris. Nakaupo pa rin ito. Kahit na tuwid pa rin ang anyo ng mukha nito ay alam niyang nagulat ito sa ginawa niya. Humugot ito ng hangin at pinuno ang baga, tapos ay walang pagmamadaling inayos nito ang salamin sa mata na tumabingi dahil sa pagkakasampal niya rito. “Nakakarami ka na ng sampal sa akin, Lyrica,” anito, mahinahon ang boses pero may banta ng panga

