Ivan POV
Nandito ako ngayon sa classroom namin nakaupo sa upuan ko.Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko kanina .Ang bilis ng mga galaw niya parang nakita ko na ang mga galaw na iyon pero hindi ko lang matandaan kung saan.
Nabaling ang atensiyon ko sa taong umupo sa tabi ng aking upuan.Hanggang ngayon hindi padin ako maka move on ng dahil sa nangyari.
Kaya ng dumating na aming guro nakinig nalang ako para hindi ko na maisip pa ang nangyari kanina .Dahil baka mabaliw lang ako sa kakaisip.
"okay,class in this morning we will talk about love.And how can you describe love. And how love make sense in your life."sabi ng guro namin
"Miss Perez!"tawag ng guro namin sa katabi ko kaya napatingin naman ang lahat sa kanya.Pero parang wala siyang narinig dahil ganon padin, walang reaction.
Kaya ng tawagin siya ulit ng guro namin don na siya bumalik sa sarili niya.Parang ang lalim ng iniisip niya.
"Miss Perez?Are you with us?"tanong nito sa kanya.Tumango lamang ito.
"kung nakikinig ka nga ba ,pwede ba akong magtanong?"tanong nito
Tumango lamang ito.Nakakainis na talaga siya .Tamad ba siyang magsalita kahit sabihin niya nalang ,okay lang po,mahirap bang sabihin yun.Hindi yung tango lang siya ng tango.parang tanga lang
"How can you defined love?O ano para sa iyo ang ibig sabihin ng pag ibig?"tanong nito sa kanya.
Yan tignan natin kung ano isasagot nito.Oh kung may sense ba itong sagot niya.Tumayo ito.
"For me love is a bullshit!"diretsong sagot nito saka umupo.
Sabi ko na eh,walang sense din yung sagot niya.
Tahimik ang lahat at walang ni isa samin ang nagsalita .Nang basagin ng guro namin ang katahimikan.Dahil na naman sa tanong niya.
"Why can you say that love is a bullshit, any explanation Miss Perez?"Tanong uli nito
"I can say ,love is a bullshit for me.Because i have never experienced the love that others say, in tagalog para sakin ang love na sinasabi nila ay kalokohan lang.Dahil hindi ko pa naman nararanasan yun."sagot nito saka umupo sa kanyang upuan
Aba!Tinagalog pa talaga ano kala niya samin tanga na hindi nakakaintindi ng english. kapal!
Kaya wala ng nagawa ang aming guro kundi manukso na lamang ng iba.May nagsasabi na love is just a word but many people suffer.Meron ding sumagot na love is the word that will give you a pain and it will hurt you.At saka may nag sabi din na ang love daw ang nagbibigay satin ng saya.At inapirasyon para mas lalong ganahan tayong mabuhay sa mundong ating ginagalawan.
Kaya ng matapos ang buong hapon na klase sa wakas uwian na kaya lahat ng kaklase ko ay nagsilabasan na upang magsiuwi sa kani kanilang tahanan.At ako nandito pa papuntang parking lot.Habang naglalakad ako patungong kotse ko ay bigla nalang akong napatalon at nagpagulong gulong ako sa daan dahil sa hindi ko inaasahan na pangyayari.
Lokong driver yun ah .Hindi niya ba ako nakita .Muntikan na ako dun ha.
Kaya tatayo na sana ako pero may naramdaman akong mahapdi sa nuo ko nagka sugat pala ako at saka may maliit rin sa siko ko.
Ng tignan ko yung kotse nakita kung huminto ito sa may dulo. Kaya tumayo ako sa pagkakaupo lalapitan ko na sana kaso bigla nalang itong humarorot paalis kaya wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa kotse ko.
Kaya ng nakauwi na ako sa bahay ko deretso agad ako sa kwarto ko. Para makapag linis ng katawan at para na rin magamot ko na ang mga sugat ko.
Habang ginagamot ko yung mga natamong sugat ko .Hindi ko maiwasang isipin yung itsura ng kotse at kung sino ang taong nag dradrive nito.
Pero ang mas ipinagtataka ko bakit kaya huminto yung kotse na yun kung hindi niya naman pala nakita na may masasagasaan siya .
Imposible kayang gusto talaga akong patayin ng taong yung kaya niya ako sasagasaan.Para sabihing hit in run.
Ang talino din ng taong yun ah.Pwes nagkakamali siya hinding hindi niya ako maiisahan.
Kaya pagkatapos kung malinis yung mga sugat ko .Tinawagan ko lahat ng ka gang ko at saka pinapapunta dito at sinabi ko narin na mag impake sila.Dahil dito na sila titira sa bahay ko.Simula ngayon.
Habang naghuhukay ako ng mga impormasyon sa laptop ko.Sunod sunod yung mga busina sa naririmig ko sa labas kaya agad na akong bumaba para buksan sila ng gate .
Mag isa lang kasi ako sa bahay.Wala akong ni isang katulong.At nagpapapunta lamang ako ng mga maglilinis ng bahay every week .
Nang mabuksan ko na yung gate .Hinintay ko nalng sila sa may sala.Narinig ko ng bumukas yung pintuan kaya tumingin na ako.
"Oy!Master bakit mo kami pinapunta dito ng ganitong oras? At saka pinag impake mo pa talaga kami .Bakit patitirahin mo na ba kami dito sa bahay mo?"tanong ni Mark na nakangisi na parang sabik na sabik na tumira dito
"Oo,Dito na kayo titira sa bahay ko.Simula ngayon may kailangan tayong gawin."sabi ko na nagliwanag naman ang mukha nito pagkasabi ko
"teka master ,halaka! anyare sa mukha mo?"may pagtatakang tanong ni mark na ganon din sa mukha ng tatlo
"kaya nga pinapapunta ko kayo dito dahil-----"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nagsalita na naman si mark
"Dahil gusto mong gantihan natin ang nangbugbog sayo master.Wag kang mag alala reresbakan namin yun ni Demon , diba Demon?"tanong nito kay demon,umiling iling nalang si Demon sa mga pinagsasabi ni mark
Alam kung gets na nila Charles at Demon kung bakit ko sila pinapapunta dito.Kaya nga wala silang reklamo eh.Si Mark lang naman ang medyo slow samin.
Kaya hindi na ako magtataka kung bat ganyan siya.
"pwede ba Mark patapusin mo muna akong magsalita."sabi ko sa kanya na seryoso ang mukha kaya sumeryoso din yun mukha niya kaya nagsimula na akong mag salita tungkol sa nangyari sakin kanina sa parking lot at kung bakit ako may sugat sa nuo at siko.Kaya yun natahimik sila mukhang nag iisip na rin sila.
"Nakita mo ba yung plate no.ng kotse"tanong ni charles
"hindi eh,masyadong mabilis yung pangyayari."sagot ko
"teka posible kayang meron ng nakakakilala sayo/satin kung sino ba talaga tayo? "Demon
Napaisip ako posible nga na meron ng nakakakilala samin. Dahil ngayon lang naman nangyari to .Dati wala namang nagtatangkang saktan ako o kami dahil hindi naman nila alam na kami ang pangalawang gang sa pilipinas.
"sandali lang,kung talagang meron ng nakakakilala satin,Bakit si Ivan lang ang pinuntirya nila?Diba dapat tayo dahil ka gang niya tayo.At saka mas uunahin nila yung mga ka gang at may mga mabababang ranggo nito kaysa sa leader dahil sa isip nila mahihina lang ang mga ito .At kapag napatum ba na nila tayo mas madali nilang mapapatumba ang matataas dahil wala na itong laban.Pero iba eh ."sabi ni charles na halatang nag iisip
Napaisip tuloy ako posible yung mga sinabi ni Charles so ibig sabi----
pinutol ni Demon yung pag iisip ko ng dahil sa sinabi niya"ibig sabihin si Ivan lang talaga ang puntirya nila at hindi tayo."sabi ni demon
"posible,dahil wala namang nakikitang ibang rason."sagot ni charles,
"hoy!Mark kanina kapa tahimik ah bat hindi ka nagsasalita?Naputulan ka na ba ng dila ha?"tanong ni charles
oo nga kanina ko pa napapansin na ang tahimik niya ,naninibago ako sa kinikilos niya .Kasi sa mga ganitong usapan siya yung palaging merong sinasabi pero ngayon parang nag iba.Parang ang lalim ng iniisip niya.
Ilang minuto din kaming tahimik ng magsalita si Mark."Ah Charles naalala mo nung pauwi na tayong dalawa, nung nasa parking lot tayo nung isang araw,Diba nag paiwan ako nun .Naalala mo"tanong nito kay charles
"Oo naman ,naalala ko bakit?"tanong nito na may halong pagtataka sa mukha
"kasi kaya ako nagpaiwan dun kasi nakita ko si....................... Gab nun na nakatingin sayo."turo nito sakin" habang pinapasok mo sa compartment ng kotse ang mga gamit mo , tapos hindi lang basta tingin kundi may halong galit yung tingin niya na parang ang laki laki ng atraso mo sa kanya kaya sinubay bayan ko siya kaso."tumigil ito sa pagsasalita
"kaso, Ano?tanong ni charles
"ganito kasi yun."mark
Flashback
POV Mark
Sinusundan niya si gab palagi at palagi niya rin itong hinihintay sa parking lot dahil malakas ang kutob niya rito na may kakaibang mangyayari .Kaya patuloy lang siyang sumusunod dito.Hanggang sa huminto ito sa paglalakad.Kaya agad siyang nagtago sa may gilid ng ding ding na di kita.
"Lumabas kana dyan sa pinagtataguan mo.Alam kung sinusundan mo ko simulat sapul."sabi nito na ikinabigla niya .Kaya wala na siyang nagawa kundi ang lumabas sa kanyang pinagtataguan.Pano niya nalaman na sinusundan ko siya .Sa isip nito
"Anong kailangan mo sakin?Bakit mo ko sinusundan?"tanong nito na may mapagnuring tingin
"ahhh, ano kasi ,kasi, ahm"isip mark,isip isip naku naman bakit wala akong maisip na palusot ,bwesit naman o hindi ko naman pwedeng sabihin na sinusundan ko siya ng dahil lang sa nakita ko siyang tinitingan niya si Master ang babaw naman nun,at saka wala pa naman akong matibay na ebidensiya para sabihing gagawan niya ng masama si Master.Naku naman naluka na.
"wag mo na akong sundan"
Nagulat ako ng sabihin niya yun kasi naman abala ako sa paghahanap ng palusot .Maotoridad ang pagkakasabi niyo na iyon .Kaya ng makabawi ako kaagad ko siyang hinabol.
"teka,sandali lang."habol hininga kong sabi .hay tumigil rin ito sa paglalakad pero hindi ito lumingon sa gawi ko
"don't go near me or else ,you'll see what you see"sabi nito saka umalis
End of Flashback
"kaso nga lang nahuli niya ako,kaya wala ring kwenta yung pagsunod sunod ko para makakita ng ebidensya"Mark
"alam mo Mark hindi ka lang slow tanga ka din."Demon
"Grabi ka naman Demon kung magsalita!"Nagtatampong sabi ni Mark na parang bata
"okay ganito nalng wag niyong ilayo yung paningin niyo sa limang yung ,hindi ko na man sinasabi na bantayan niyo sila minu minuto ,kundi makiramdam lang kayo kapag may naramdaman na kayong kakaiba nilang gagawin dun na kayo kumilos.Tandaan niyo wag kayong gagawa ng kahit ano hanggat hindi ko sinasabi ,nagkakaintindihan ba tayo?"pagpapaliwanag ko sa kanila
"okay ,master"sabi ng apat na parang ang saya pa nila ,siguro may pinaplano tong mga unggoy nato.
Bahala na sila sa buhay nila basta ako hahanapin ko yung taong matagal ko ng hinahanap ang taong pumatay sa mommy ko.