Kumatok muna ako ng tatlong beses saka ko binuksan ang pinto ng kwarto ni Ice. Dinatnan kong nakaupo si Dexter sa sofa samantalang natutulog naman si Ice. "Mareng Tin, nakatulog si Ice." Bungad sa akin ni Dexter. "Hayaan na lang natin siya. Need nya yan para mas lumakas siya. Wala pa si Nurse Aina?" Tanong ko kay Dexter. Umupo ako sa kabilang sofa. "Wala pa nga e kailangan ko na ngang umalis dahil ibibili ko pa ng materials para sa gagawin naming school projects ng mga inaanak mo." Himutok ni Dexter. Wow, responsible father ang peg. Baka pwede responsible husband din, sa isip isip ko. "Ah sige, Pare, ako na ang bahala kay Ice. Mauna ka na." Ani ko. Hindi naman obvious na gusto ko na siyang umalis di ba. Hahaha. "Sure ka ba, Mare?" Tanong ni Dexter sa akin. "Oo naman. Saka need ko

