Chapter 6

1763 Words
Chapter 6 Celestia Lumaki akong simbahan, kaya lahat ng tamang asal, turo at gawi ng mga madre sa aking paligid ay tumanim sa aking isipan. Natuto akong magdasal ng sampung beses isang araw, sa tuwing magkakamali, magkakasala at susumpungin ako ng pagkapilya, nagrorosaryo ako dahil ang umaani ng mga kalokohan ko ay ang mga may edad ng madre sa kumbento. Mga simpleng bagay na ikinatutuwa ko sa tuwing hinahabol nila ako  sa hallway dahil itinago ko ang sapin nila sa paa kapag lalabas sila ng chapel. Itinatago ko iyon lahat sa kusina. Minsan naman maaga ako gumigising  sa kanilang lahat at yung mga kapeng nakahanda na sa puswelo ay binubuhusan ko ng 1/4 na asukal kaya ubod iyon ng tamis at ang mas nakakatawa pa doon sabay sabay silang bubuga at tatawagin nila ang aking pangalan na " Tiaaaaaa diyos ko pong bata ka!"   At ang pinakamalala sa  lahat ng ginawa ko kaya isang linggo akong hindi pinalabas ng aking  silid  ay ang hindi  sinasadyang pagkabasag ng antique na mahal na birhen na 5 talampakan ang taas, sabi ni Nana bagong tayo pa lang ang kumbento dinala na iyon ng mga prayleng pari. Inaabot ko kasi yung lollipop na alam kong itinatago nila sa pinakang taas na bahagi  kinalalagyan ng birhen. Umakyat ako sa dalawang patong ng bangko ngunit  bumuway iyon at bumigay tumama ang upuan na kintatayuan ko doon dahilan para masanggi, bumagsak at magkapira piraso ang birhen... takot na takot ako noon kaya kahit nagdurugo ang aking mga paa at may galos ako sa braso dali dali akong nagpunta sa kwarto ni Nana at kumatok.. Mabait akong bata kaya sinabi ko ang totoo pero imbis na magalit sa akin si Nana nag alala pa siya sa akin kung napaano ako at ginamot niya ako. Ngunit ang pinakamataas kay Nana na si Sister Virginia ay hindi ako pinalampas.. naparusahan ako. Pero ngayon hindi ko alam kung malaking kasalanan ba ang aking ginagawa. Kung tama bang makaramdam ako ng ganito? Ang lakas lakas ng lagabog ng aking puso simula ng masilayan siya ng aking mga mata sa malayo. May tatlong lalaking nasa aking harapan lamang kanina pero sa kanya ko lamang naramdaman yung ganoon. Ang kanyang mga mata ay nanghihibo, sa bawat pagkurap niya siyang pagbawi ko ng hininga. May galit, pagkabigla at pagkamangha doon na agad ding nabura. Para akong hinihika na hindi ko naman maintindihan. Ilang Aba Ginoong Maria, Ama Namin, Lualhati sa Ama at Sumasampalataya kaya ang  aking gagawin para mabura ang pagkakamaling ginawa ko, ngunit sa aking puso ay alam kong walang mali.. nahahati ako.. naguguluhan lalo na ang makita ko siyang lumisan sa aking harapan ngunit nakita ko pa sa kanyang mga mata ang pagguhit ng  sakit doon  dahil sa maliit na babaeng kasama nila. May kung anong pwersa ang humahatak sa akin papalapit sa kanya. May kung anong kuryente tumutulay sa bawat himaymay ng aking buong katawan lalo na ng mahawakan ko siya saglit na agad niyang tinanggal... maganda siyang lalaki,  matangos ang ilong, may pinong balahibo o balbas sa magkabilang pisngi at ang kanyang labi ay bahagyang mapula.. Gusto kong magmadre, malakas ang paniniwala ko doon, sa kanya dahil gusto kong maglingkod sa diyos. Ngunit sa isang iglap simula ng makita ko siya parang nakahinga pa ako ng maluwag at gusto kong magpasalamat kay Nana dahil sa tagal tagal kong naglagi sa kombento hindi niya isinagawa ang sakramentong iyon para ako ay tuluyang maikasal sa panginoon... Kung anuman itong kakaibang nararamdaman ko gusto kong malaman kung hanggang saan ako dadalhin nito. Inosente ako sa maraming bagay, para akong bata kadalasan. Siguro nga kung makakalabas ako ng kombento magmumukha akong tanga dahil ngayon lang talaga ako makakaapak sa labas.  Kaya paano ko nasabi ang mga salitang iyon? Paano ako napunta sa sitwasyong ito kung saan sa unang pagkakataon sa aking buhay may mainit na labing nakalapat sa akin... may mainit na brasong nakayakap sa aking baywang.. pilit na ibinubuka ng lalaking ito ang aking labi gamit ang kanyang dila. Kinakagat niya iyon kasabay ng pagkalat ng libo libong kuryenteng dumaloy na yata mula sa aking buong katawan.. malambot, malaway ngunit parang masarap. Naipikit ko ang aking mga mata kasabay ng bahagyang pagbuka ng aking bibig na naging dahilan ng tuluyang pagpasok ng kanyang maligalig na dila. Napaungol ako ng malakas ng dahil doon. Ang dila niya ay sinasalubong  at nilalaro ang aking dila. Nasa aking magkabilang pisngi na rin ang kanyang mga kamay at itinagilid niya ang aking ulo doon ko napansin na mas nahahalikan na niya ako ng maayos ngunit hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin. Dahan dahan iminulat ko ang aking mga mata. Sa lakas ng kabog ng aking dibdib at panginginig ng aking buong katawan.. hindi ko napigilang pangilidan ng luha at unti unti na palang kumakawala..  Nakakatakot.. natatakot ako sa aking nararamdaman.. kakaiba.. ngunit may kiliti.. masarap ngunit alam kong kasalanan..  Pinangangapusan na ako ng hininga.. ngunit ang kanyang mainit na labi ay walang tigil sa paghalik, pagkagat at pasipsip sa aking bibig.. Papaano ba ang tumugon--------- " Tangnaaa!!! pvtang ina!! tangna!!---------------- " Fvckshiiit!! " " Fvck!! fvck!! what am I thinking!!?" Napahawak ako sa aking labi, bukod sa walang sawang pagdaloy ng aking mga luha ay ang pangangatog ng aking binti. Lunok ako ng lunok ng laway, nanginginig ang aking labi. Pero siya, itinulak niya ako na muntikan ko ng ikabagsak sa  lupa  ngunit tumama ang aking likod sa pader na nasa aking likuran, masakit ngunit hindi ko ininda.. wala siyang tigil sa pagpapabalik balik ng kanyang kanang kamay sa kanyang buhok kasabay ng malulutong niyang pagmumura... hindi ko masalubong ang kanyang mga titig sa akin dahil sa takot.  Halos pakiramdam ko nagdurugo ang aking labi.. pumipintig iyon kaya pahid ako ng pahid gamit ng aking dalawang palad.. nakakatakot ang kanyang aura na nararamdaman ng aking buong pagkatao.. bakit siya nagagalit gayung kanina lamang halos kainin niya ang bibig ko?  dahil ba wala akong karanasan? dahil ako ay madre... Alam ko, singputi ng puting papel ang aking mukha.. Ako ay madre.. magiging madre kaya isang malaking pagtataksil sa diyos ang aking ginawa! Ang aking buong katawan ay nakaalay sa kanya. Ang aking kaluluwa at isip ay dapat malinis ngunit ng dahil sa lalaking ito------- patawarin sana ako ng panginoon dahil ako ay nagkasala----- pagkakasalang ginusto kong maranasan. " Mamamatay tao ang kapatid mo. ---------- mabilis na dumapo ang aking mga mata sa kanya na sana ay hindi ko ginawa dahil daig ko pa ang natuka ng ahas sa sobrang dilim ng mga ito. Punung puno iyon ng pagkasuklam, ng galit.. kapatid? mamatay tao?   " Hindi na masama kung ikaw ang magiging kabayaran ng kanyang pagkakautang sa akin. "  tulala lamang akong nakatanga sa kanya. May kung anong bagay ang tumutusok sa aking puso kaya napahawak ako doon at hinaplos haplos ko iyon. Kung kanina nakadarama kong kiliti.. ngayon parang mas gusto ko ng hanapin si Nana at magtago mula sa mapanghusga niyang mga mata. Ako? ako ang magbabayad sa kasalanan ng aking kapatid? Ngunit wala akong kasalanan. Wala akong kinalaman doon. Buong buhay ko nandito lamang ako sa apat na sulok ng kombentong ito kung saan ako iniwan ng aking pamilya. Kaya bakit ako? ako ang sisingilin niya? " Hindi ko lamang inaasahan sa isang katulad mo na tila hindi makabasag pinggan ang mag aalok pa mismo ng kanyang sarili sa akin.  Ikaw na mismo ang gumawa ng hakbang para makalapit sa akin kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon, Celestia Andaya. Your brother begged in front of me to help you na kung ako ang masusunod mas gugustuhin kong kitlin ang kanyang buhay gamit ang aking mga kamay para mapagbayaran niya ang kanyang mga kasalanan ng kung tutuusin ay kulang pa. Pero mas masakit, makatarungan kung ang pinakamamahal niyang kapatid ang sisirain ko ang buhay gaya ng ginawa niyang pagsira sa buhay ko!" hindi na ako makahinga ng maayos sa mahigpit niyang pagakakahawak sa aking magkabilang braso, natatakpan man iyon ng aking long sleeve ngunit alam kong mag iiwan iyon ng marka, kung kanina may kuryente ang kanyang mga haplos sa akin, ngayon tumatayo ang aking balahibo ng dahil sa takot dahil sa sobrang galit na kumain na yata sa kanyang sistema. Ilang pulgada ang pagitan ng aming mga mukha, nakatingala ako sa kanya.  So paghihiganti... maghihiganti siya sa akin. " Hinding hindi  ka na makakabalik sa kombentong ito ng buo dahil baka pati ang sarili mo hindi  mo na makilala dahil sa pagpaparusang ipalalasap ko sayo gaya ng sakit, paghihirap at panaginip na dala dala ko magpahanggang ngayon ng dahil sa kahayupan ng kapatid mo Celestia.!" halos mabingi ako sa lakas ng kanyang sigaw sa aking harapan, kahit ang kanyang mga kuko ay bumabaon ng husto sa aking magkabilang braso ngunit hindi ako pumiyok, nagreklamo.. hinayaan ko siyang damahin niya ang lahat ng galit niya sa aking kapatid na sa akin niya ibinibunton.. nakakaaawa siya.. nakakalungkot..  Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang aking sarili. Sabi sa bibliya, kapag ang isang taong punung puno ng galit at pagkasuklam sa kanyang puso, tanging pang unawa at pagmamahal ang kanyang kailangan.  So babaguhin ko ang pananaw niya sa buhay. Pagbabayaran ko ang kasalanan ng aking kapatid sa paraang alam ko. Kung ang aking sarili ang magiging kapalit ng kanyang katahimikan at kapayapaan. Buong puso kong ibubuka ang aking dalawang kamay at yayakapin ko siya. Masaktan man ako, pahirapan man niya ako.. at sirain man niya ang buong pagkatao basta maalis ko lamang ang lahat ng kasawian niya sa buhay.... magiging maligaya na ako... tutal ang pag ibig ng diyos ay malawak.. maiintindihan niya ako.. alam kong mamahalin pa rin niya ako kahit na madudungisan na ang aking buong pagkatao...  Kaya imbis na tumanggi, tinanggal ko ang takot sa aking buong katawan, itinigil ko ang aking pagluha at buong pagsuyo kong tiningnan ang kanyang mga mata. Ngumiti ako sa kanya yung walang halong pagkukunwari, yung buong payapa sa kalooban... dahil naniniwala akong sa likod ng kanyang galit ay nagtatago ang isang lalaking naghahanap ng tunay na pagmamahal at pagkalinga.. " Tinatanggap ko ang lahat ng pagpaparusang ibibigay mo sa akin. " Nakita ko kung paano magbago ang kanyang emosyon. Mula sa galit ay pagkalito. Kumunot ng husto ang kanyang noo. Bahagya pa siyang natigilan dahil ilang beses bumuka at sumara ang kanyang bibig. Nakatiim ang kanyang bagang at ang kanyang mga mata... diyos ko.. ang mga matang iyon na pilit na tumutunaw sa aking pagkatao... " Kung ganoon. Akin ka na. " tugon niya habang dahan dahang tinatawid ang pagitan ng aming mga labi.. ipinikit ko lamang ang aking mga mata.. at hinayaan ang diyos,  kung ito nga ang kanyang kalooban. ---------------- to be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD