Chapter 3
Celestia
Malungkot na iginala ko ang aking buong mata sa apat na sulok ng silid na pinagkanlungan ko sa loob ng 15 taon. Hindi ko pinigilan ang mga luhang kusang kumawala sa aking mga mata. Hindi ko kayang umalis sa lugar na ito na naging tahanan ko na simula ng iwanan ako ng aking pamilya sa labas ng kombentong ito noon. Lahat ng tao dito ay mahal na mahal ko.. lalong lalo na si Nana.. Anim na taong gulang ako ng mapunta sa puder ng mga madre. Ang sabi sa akin ni Nana iniwan ako ng aking mga magulang sa kanila na nagbilin na wag na wag akong pababayaan at wag na wag akong ibibigay sa aking kapatid na lalaki na maaaring kumuha sa akin kung sakali. Kapalit ng buwan buwan na allowance na ipagkakaloob nila para sa akin at sa tulong nila para sa kombento. Walang paliwanag kung bakit iyon ginawa ng aking sariling mga magulang.. wala.. nabuhay akong kapiling ang mga madreng buong pusong tinanggap at inalagaan ako. I am 21 years old now. Laking kombento, wala akong alam sa totoong buhay sa labas. Ni hindi ko nga naranasan na lumabas kagaya ng iba, lagi akong naiiwan dahil ang sabi ni Nana. Bawal na bawal. Masaya naman ako.. masaya akong kasama silang lahat pati na rin ang mga batang kagaya ko ang inabandona ng kanilang sariling mga magulang. Ako.. ako ang nag aalaga sa kanila.. ang nagbibigay ng mga pangangailangan nila. Ang allowance na tinatanggap ko mula sa aking magulang ay napupunta sa kanilang lahat. Wala rin naman kasi akong paggagamitan dahil mas gusto kong itulong iyon sa nangangailangan.I didnt have a chance to meet my parents. Siguro dahil ayaw din nila akong makita pero kahit anu pang dahilan nila hindi ko magawang magalit at maghihinakit.. Dahil itinanim sa akin ni Nana na ang lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan..
Kaya nga ginusto ko ring maging madre. For almost 3 years Novice na ako.. ang tagal tagal na pero sa hindi ko maipaliwanag na kadahilan hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapayagan ni Nana na isagawa ang proseso para maging tunay na madre na ako. Wala kasi akong nakikitang dahilan para magbago pa ang aking isip dahil buong buhay ko na nakatira ako sa kombento gusto ko ng maging kagaya nila.. I want to serve the Lord, lahat ng utos niya sinusunod ko although minsan gumagana ang kapilyahan ko na agad ko din namang pinagbabayaran sa pamamagitan na pagdadasal ng 5 Ama Namin, 3 Aba ginoong Maria at 2 Luwalhati sa Ama.
" Celestia, handa ka na ba anak?" nilingon ko ang pinanggalingan ng malamyos na tinig na iyon na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Pinahid ko ng marahan ang aking luha at malungkot na ngumiti sa kanya. " Opo, Nana--- Mother Superior. " naglakad siya papalapit sa akin, sa edad niyang 75 hindi mo mababakas ang katandaan sa kanyang itsura dahil hanggang ngayon malakas pa rin siya.. may suot suot siyang salamin, may hawak hawak na rosaryo sa kanyang kanang kamay. Mataas siyang babae, maputi, medyo kulubot na rin ang kanyang balat ngunit napakaamo ng kanyang mukha kumpara sa iba. Ito ang babaeng itinuring kong ina, kapatid at kaibigan. All in one.
" Bakit ka umiiyak, anak? hindi ba at napag usapan na natin ang dahilan kung bakit kinakailangan mong pansamantalang lumabas ng kombento?" tanging tango na lamang ang sagot ko sa kanya.
" Para ito sayo anak. Sa kaligtasan mo. Madali lang naman lilipas ang araw at linggo. At kung sa pagbabalik mo ay talagang desidido ka ng maging tunay na madre, isasagawa na natin ang sakramento. Oras na rin ito para mapag aralan mo ang tunay na gusto mong mangyari sa buhay mo Celestia. Napakaganda mong bata, matalino, maraming oportunidad ang naghihinatay sayo sa labas ng kombento kaya gamitin mo ang pagkakataon na ito at hanapin mo ang iyong sarili."
Nilimi ko ang kanyang sinabi sa tuwing tatanungin ko si Nana kung bakit hindi niya pa ako pinapayagan na maging tunay na madre ito ang madalas niyang idahilan sa akin. Hindi pa ako handa.. hindi pa daw ako handa .. naguguluhan ako dahil kilala ko ang aking sarili alam ko .. alam kong gustong gusto kong maging kagaya niya.. ang maglingkod sa diyos habang buhay.. ang ikasal at itali ang aking sarili sa panginoon.. mag alaga sa mga batang tunay ko ng pamilya. " Nana, matakaw po ba ako? makulit? matigas ang ulo? kaya pinapamigay niyo na po ako? " ngumiti siya sa akin at tinapik niya ng bahagya ang aking kanang pisngi. Napansin kong nanginginig ang kanyang kamay at nagtutubig ang kanyang mga mata.
" Napaka ligaya ko, Celestia at nagkaroon ako ng pagkakataong maalagaan at mahalin ka bukod sa panginoon. Oo at matakaw ka, makulit, minsan matigas ang ulo, pilya at masayahin pero masaya ako dahil sa apat na sulok ng kombentong ito ikaw ang nagbibigay ng kasiyahan at kaligayahan sa aming lahat. Hindi kita ipinamimigay anak, hinahayaan kong mangyari ang kalooban ng diyos para sayo."
Umiyak na ako kasabay ng pagyakap ko ng mahigpit na mahigpit sa kanya. Amoy na amoy ko na naman ang rosas na pabango niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan kong aluin niya ako.. natatakot kasi ako.. natatakot sa mga bagay na madidiskubre ko sa labas ng kombento.. natatakot akong malaman ang tunay na tadhana ng diyos para sa akin.. kung anuman iyon.. kung anuman ang plano niya para sa akin.. sana.. sana lang makabalik ako ng maayos dito sa aking tinuring ng tahanan at makamit ko na yung matagal kong pangarap.. iyon ay ang pagiging tunay Madre.
" Tahan na anak. Ayusin mo na ang sarili mo at nandyan na ang susundo sayo.
-----------------------------
Maxwell
Nanatili akong nakasunud sa kanilang apat. Hinayaan ko ang aking sarili na mapaghulihan. Hindi ko siya matiis. Ang babaeng iyon talaga kahit paulit ulit akong nasasaktan ng dahil sa kanya hindi ko pa rin siya magawang pabayaan. Pakiramdam ko tuloy ako pa ang may malaking kasalanan sa kanya ng dahil sa kanyang mga sinabi sa akin kanina.
Napakatahimik ng lugar, napapalibutan ng puno ang paligid. May mangilan ngilan na madreng napapatingin sa amin at agad ding nag iiwas ng tingin sa tuwing mapapadako ang mga mata nila Leila doon. Napabuntong hininga na naman ako ng malalim sa tuwing maiisip ko kung hanggang kailan na naman kaya ako hindi papansinin ni Leila ng dahil sa nabwisit ko na naman siya. Noong nakaraan pag aaway namin inabot ng tatlong buwan bago niya ako nakuhang kausapin ulit, ni text ko hindi niya sinasagot.. kapag tatawag na naman ako pinapatayan niya lamang ako.. sa tuwing magkikita naman kami tila ba hangin lamang ako sa paligid..Hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili dahil may asawa na siyang tao pero yung pesteng puso ko ayaw pa ring tumigil sa pag asam na mapapasaakin siya.. na maghihiwalay sila ng tarantadong lalaking Montefalco na yun.
" Give me your fvcking shades right now Kuyang m******s!!"
" Ang init kaya, Leilang liit.Kita mo pinagpapawisan ako.. nananakit ang mata ko, ano ka ba!"
" Isa Kuya Martin!! Ibigay mo sa akin yang punyetang shades mo na yan kundi babayagan talaga kita! " pilit na inaabot ni Leila ang rayban shades ni Martin pero hindi niya iyon maabot abot dahil ang tangkad tangkad ng kumag.
" Teka---- teka naman Leilang liit ang taas taas ng araw.. nasisilaw ako kaya nagsasalamin ako!Ano bang problema mong bansot ka at lagi na lang yung pag aari ko ang pinagdidiskitahan mo!! pinangtatakot mo! pag talaga ako nabaog ikaw ang sisisihin ko dahil ikaw lang naman ang laging tumitira sa pinagmamalaki k--------- awwwwww----- pvtang ina n-naman----- ahhhh------- tinapakan ni Leila ang kanang paa nito at ng hindi pa siya nakontento siniko niya ito sa sikmura dahilan para maabot ni Leila ang shades nito at walang pakundanang binali at itinapon na lang kung saan. Pulang pula ang mukha ni Martin at hirap na hirap itong huminga.. kumapit pa nga ito kay Theo pero ang hayop itinulak pa ito. IIling iling lang si Kael habang pinapanood ang tatlo.
" Leilang liit!! 35,000 ang bili ko dun!! Original yun! limited edition ng Rayban yun tapos binali mo lang ng ganun ganun !! bayaran mo akong bansot ka!! Isang buwang sweldo ko yon!! Haisst kung di lang kita talaga kapatid matagal na kitang nilubog sa lupa!! "
" Lakompake!! Lokohin mo ang iba wag ako gago to!! Ang kulimlim ng panahon oh!! ang sabihin mo kaya ka nagsasalamin para hindi mahalata ng iba na yang mga mata mo nagkakasala na!! Wala ka talagang pini piling lugar ano?! Pati ba naman mga madre dito papatusin mo pa!! Kilabutan ka naman Kuya! aba matakot ka naman! Mabigat na kasalanan ang magnasa sa mga anak ng diyos! Style mo bulok! manang mana ka talaga sa pinagmanahan mong m******s ka!! Mas mabuti na nga sigurong mabaog ka para hindi ka na makapag produce ng isang kalahi mo pa dahil masisira ang pangalan ng mga Nicol dahil sa kamanyakan mo tangna mo ka!" malakas na sigaw nito dahilan para makarinig ako ng malalakas na singhap na nanggaling sa mga madreng nasa paligid.. mga nag antanda pa nga ang mga ito dahil sa narinig nilang pagmumura ni Leila.
" Maxene! that's enough! Pwede, rendahan din ang bibig kasi masama din po ang laging nagmumura! Walanjo, ilang mura ba ang nasasabi mo sa isang pangungusap? Nasa kombento tayo baka lang din nakakalimutan mong babae ka ha! Kaunting hiya din naman, naririnig ka ng mga madre sa paligid.. baka imbis na pasamahin sa atin ang madreng iyon ay ikulong na lang ito dito sa kombento dahil baka mahawa sa pagkadalahira mo!! palamura mong bibig! ------------ panenermon ni Mamorou kay Maxene na sangbakol na ang mukha at di na iyon maipinta.. bubulung bulong ito habang tila balewalang naglalakad.
" At ikaw namang Martin ka! hindi pa tayo tapos.. marami ka pang ipaliliwanag sa aking gago ka! Military Camp ha! Antayin mo lang na makaalis tayo dito at kakaliskisan kita ng buhay tarantado ka!!" kakamot kamot ng ulo si Theo na hindi na alam kung tatawa ba o maiinis dahil sa mga pinagsasabi ng kanyang mga katabi.
Kapag talagang magkakasama sila Riot ang nangyayari. Ibat iba ang mga ugali nila actually namin. Pero pagdating sa pinaka importanteng babae sa buhay namin. Dyan kami nagkakaisa. At iyon ay walang iba kundi si Maxene.. si Leila.
" Mga bunganga niyo itigil niyo na natatanaw ko na si Mother Superior sa bukana ng kapilya." mahinang sabi ni Theo sa kanila pero umabot pa rin iyon sa aking pandinig. Automatic na tumigil na ako sa paglalakad. Dahil hanggang dito na lamang ang kaya kong distansya para sa kapakanan ng kapatid ng mamatay tao na iyon.
" Yang mga mata mo Kuyang m******s, ingatan mo dahil talagang bubulagin kita oras na makita ko lang na hinuhubaran mo ang mga madreng magaganda dito." huling babalang narinig ko kay Leila bago ito nanguna para kausapin ang matandang madreng nasa bungad ng kapilya.
Ilang pulgada ang layo ko sa kanila. Isa isa silang nagmano at lumapit sa matandang madreng nandoon. Magalang na magalang ang nakikita kong pakikipag usap ng mga kapatid ko sa kanila taliwas na taliwas sa mga pinaggagawa nila kanina.. sa mga naririnig kong murahan nila. Napadako ang aking mga mata sa matandang madreng kinakausap ni Leila. Nakangiti iyon pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata habang hawak hawak nito ang braso ng isang may kataasang babae na nakatungo at parang hiyang hiya.
Siya na ba? Siya na ba ang kapatid ng demonyong lalaking iyon?
Kunut noong pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, nakasuot ito ng isang napakahabang puting palda na abot hanggang sakong nito, pinarisan niya iyon ng isang maluwang na longsleeve na kulay asul, sarado lahat ang butones niyon. Wala kang masisilip na balat na nakalantad maliban sa kanyang mga kamay na magkasalikop habang nakayuko. Ang buhok niya ay brown na halos umabot lamang sa kanyang balikat. Nakalaso ang buhok ito na parang headband. Hindi ko maaninag ang kanyang itsura dahil yukong yuko ito.
At bago ko pa mapigilan ang aking mga paa kusa iyong naglakad papalapit sa kanila. Kasabay noon ang hindi ko maipaliwanag na pagkalabog ng aking puso.. ang pagpitik ng kung anong bagay sa aking sentido. Galit ako hindi ba? Galit na galit ang pakiramdam ko kanina... sa kanya! sa lahi ng lalaking iyon na pumaslang sa buo kong pamilya---------pero bakit tila wala akong makapang pagkapoot para sa babaeng iyon.
" Ija ikaw na sana ang bahalang mag alaga kay Celestia, sayo ko ipinagkakatiwala ang kaligtasan niya. Please lang ikaw na ang gumabay, magturo at umunawa sa magiging pagkukulang niya. Simulat sapol kasi hindi pa nakakalabas ng kombento ang batang ito. Ngayon lamang niya mararanasan at masisilip ang kagandahan ng mundo."
"Pfffttttt si Leila ang magtu-------- nilingon ni Leila si Martin na halos mamula na sa pagpipigil na tumawa ng malakas. Binigyan niya iyon ng nakakamatay na tingin bago ito humarap ulit sa kanyang kausap at ngumiti ito na parang walang nangyari.
" Ako na po ang bahala sa kanya Mother Superior. Hindi ko po hahayaan na mapahamak siya. Buo ko siyang kinuha dito kaya walang labis at walang kulang ko po siyang ibabalik sa inyo. " nakita ko kung paano pasimpleng tumalikod yung tatlo para maiwasan lang makita ng lahat lalong lalo na ni Leila ang kagustuhan nilang tumawa ng malakas. Si Martin ngising ngisi habang iiling iling.. Si Mamorou ayun panay ang hawak sa batok at nakangiti at si Si Theo nakapameywang pa habang nakatingala sa langit na para bang may magandang tanawin doon.. lahat ng balikat nila gumagalaw dahil sa mahinang pagtawa.
Pero hindi iyon nakaligtas sa matalas na pandinig nito. " Mamamatay sana kayo sa pagtawa.. mautot sana kayong lahat." pabulong iyong pagkakasabi ni Maxene ng malingunan niya ang pinaggagawa nila Mamorou. Pagkasabi noon tila maamong tupang humarap ulit ito sa kausap niya.
Sino ba naman ang hindi. Si Leila.. si Leila ang magtuturo ng tamang asal sa madreng iyon? kahit ako nakakaramdam ng pag ngisi dahil malamang lamang imbis na magagandang bagay ang maituro niya sa babaeng iyon.. unang unang mapupulot nito ay ang malulutong na pagmumura nito.. Isang madre.. na titira sa isang babaeng masahol pa sa lalaki kung kumilos, barubal at balasubas magsalita.. Tanggapin pa kaya nila ang madreng iyon kapag natapos na ang panganib sa buhay nito?
Nakita ko kung paano ngumiti ito at buong pagsuyong hinawakan nito ang dalawang kamay ni Leila at binigyan pa nito iyon ng dalawang masuyong halik bago ito bitawan. Tulala akong napatingin sa eksenang iyon. Matapos noon. Nilingon niya ang babaeng madreng iyon na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin, doon ko lang napansin ang paggalaw ng kanyang dalawang balikat ang pagpatak ng kanyang mga luha sa lupa dahil ito ay umiiyak ng tahimik. May kung anong bagay na pumipilipit sa aking sikmura.. lalo na at narinig ko na ang mahihinang mga hikbi niya. Tumatagos iyon-----
" Celestia anak, ayusin mo ang sarili mo. Hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Magpapakabait ka... isa isip, isa puso at isa gawa mo ang mga itinuro ko sayo. Nawa'y gabayan ka niya sa bagong buhay na tatahakin mo. Mahal na mahal kita iha."
"O-Opo.. N-Nana---------boses pa lang niya----- hindi ako naging handa-----walang nakapagsabi sa akin----- na may------
May nabubuhay pa lang anghel sa lupa
heart shaped face, forest green eyes, small yet pointed nose, pinkish sexy lips----------
tang ina!! papaano ako magagalit sa babaeng inihulma yata ng diyos sa isang diyosa!!??
papaano?!!