RATED SPG [ALTHEYA] NAPAHINTO AKO sa palalakad papasok sa restroom nang bigla na lamang may humarang sa daraanan ko, sa entrance ng restroom. Tinignan ko kung sino ang mga 'yon. Dalawang lalaki ang nakatayo sa harapan ko habang ang isa naman ay nasa likuran ko. "We met again," bulong ng lalaki sa likuran ko at saka naglakad papunta sa harapan ko. Nag-cross arms iyon habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay habang nakatingin sa kanilang tatlo. 'Ano na naman bang pakulo 'to?' bulong ko sa sarili habang pilit na inaalala kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Ito 'yong lalaking hindi ko pinansin kanina nang mag-Hi siya sa akin pero hindi ko pinansin. Ibang klase, nagsama pa talaga siya ng mga alagad niya para i-corner ako rito. 'Dapat ko bang labanan sila o hayaan lang?'

