[LENNOX] MALAKAS NA hinampas ko ang mesa na nasa dulong bahagi nitong kuwarto gamit ang dalawa kong palad dahil sa galit na aking nararamdaman. Dahil sa ginawa kong 'yon ay nagpatigil sa kani-kaniyang ginagawa ang mga taong narito sa loob at saka itinuon ang atensyon sa puwesto namin, partikular na sa akin. Marami man ang nakatingin sa akin ay pinagsawalang-bahala ko lamang iyon at hindi na inagtuunan pa nang pansin. Salubong ang kilay na tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. I don't know who he is dahil mukhang bago lamang ito sa isla na siyang nakapagtataka. Napadako ang tingin ko sa kaniyang kanang kamay nang makita ko ang bahagya nilang paggalaw. Hindi na ako nagkakamali dahil nakita ko ang pasimple nitong pagta

