[ALTHEYA] MABILIS NA pinaharurot ni Kuya Jeffrey ang sasakyan papunta sa building na pag-aari ni Tita Millian. Habang nagda-drive ito ay inabutan niya ako ng kulay pulang ribbon at towel. Napakunot naman ang noo ko nang kuhanin ko iyon. "Para saan 'to, kuya?" nakataas ang kilay na tanong ko habang nakatingin sa pulang ribbon. "Tie it on your right thigh so that you won't be hospitalized for having loss of blood," sagot niya sa akin. Tumango naman ako at saka pinagmasdan ang hawak ko. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko ilapat ang tela sa hita ko kung saan tumama ang bala ng baril, sa likod iyon ng kanang hita ko. Nang ilapat ko na ang towel sa sugat ko upang patigilin ang tuloy-tuloy na pagtulo ng dugo doon ay pinatungan ko na 'yon ng ribbon para naman hindi ma

