[THIRD PERSON’S] BAGO SABIHIN ni Altheya ang buong pangyayari kay Ryan kung bakit siya kasalukuyang nasa loob ng Room nina Alice ay inimbitahan na muna niya itong kumain ng mga niluto niyang pagkain. Dahil naroon na sa loob na rin nam si Ryan ay siya na ang umamalay kay Marica na ipunta ito sa dining area. Nang makarating na sila ro’n ay nagsimula na silang kumain ng iniluto ni Altheya at saka nagkuwentuhan. Hindi mapigilang hindi magtanong ang ina ni Alice sa kaniya tungkol sa kaniyang pamumuhay, kung ano ang kaniyang pangalan, nasaan ang mga magulang niya, at kung anu-ano pa man. Dahil nililimitahan lamang ni Altheya ang sasabihin tungkol sa kaniyang sarili, tungkol sa identity niya bilang si Maddison ang kaniyang isinasagot at hindi niya sinasabi ro’n ang kaniyang pamumuhay bilang

