After their conversation on the phone. [ALTHEYA] PAGKATAPOS KONG sabihin sa anak ni Sir Harrison ang kasalukuyang kalagayan ng kaniyang ama ay nagulat na lamang ako nang makarinig ako nang kalabog sa kabilang linya. Nakakunot ang noong inilayo ko sa aking tainga ang hawak na cellphone at saka pinagmasdan ito. Pagkaran ng ilang minutong pagtitig sa cellphone ay narinig ko mula sa kabilang linya ang malakas na tunog ng pagharurot ng isang kotse. ‘Mukhang papunta na rito ang anak ng pasiyente,’ bulong ko sa aking sarili at saka tumayo na mula sa pagkakaupo sa upuan na nasa gilid ng higaan. Dahil papunta na rito ay anak ni Sir Harrison ay napagpasiyahan kong umalis na. Dahil may magbabantay naman na sa pasiyente ay hindi ko na kailangan pang manatili rito. Inunat-unat ko na ang aking mg

