CHAPTER 58

1075 Words

[ALTHEYA] BIGLA AKONG napatigil sa paglalakad papunta sa opisina ni Sir Harrison nang makarinig ako ng pangalang pamilyar sa akin. Galing iyon sa babae na tumakbo papunta sa kaniyang room para ibalita ‘yon sa kaniyang mga classmate. Nanlalaki ang matang tinignan ko ang babaeng ‘yon nang marinig ko mula sa kaniya ang pangalang ‘Ethan’. Ang Ethan ba na kilala ko ay ‘yong Ethan na tinutukoy niya o hindi? Parang imposible naman yata ‘yon kasi limang taon na ang nagdaan simula no’ng makilala ko siya. ‘Siguro kapangalan lang ‘yon ng Ethan na kilala ko.’ Mula sa loob ng kanilang room ay narinig ko ang sigaw na isa pang kaklase ng babaeng nagbalita ng tungkol ro’n. “Ano?! Kailan pa ba titigil sa pangbu-bully ‘yang Derek na ‘yan!” Maglalakad na sana ulit ako papunta sa opisina ni Sir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD