[ALTHEYA] DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang sunod-sunod na pag-ring ng aking cellphone. Papungaw-pungaw man ay sinagot ko na 'yon ng hindi binabasa kung sino ang tumawag. Maghe-hello na sana ako at itatanong kung sino ang tumawag pero bago ko pa man ay nagsalita na nasa kabang linya. "Don't trust them," wika nito at saka pinatay na ang tawag. Napabalikwas ako nga bangon at saka tinignan ang cellphone ko. Unregisterd ang number nito sa contacts ko. 'Is this some kind of prank?' Napa-tsk-ed na lamang ako, dahil doon sa tawag na 'yon ay nawala na ang antok ko kaya naman tumayo na ako. Biglang bumalik sa aking isipan ang sinabi ng babae sa kabilang linya. Hindi ko alam kung sino iyon kaya naman pinagsawalang babala ko na lamang. Baka kasi prank lamang iy

