[ALTHEYA] HINDI PA man ako tuluyang nakakarating sa tapat ng opisina ni Miss Bianca ay naririnig ko na sa labas, sa corridor na dinaraanan ko ang sigawan na nanggagaling sa loob ng opisina ni Miss. Mula sa tono ng pananalita at lakas ng boses nito ay masasabi kong galing ‘yon sa babaeng nakaaway ko sa classroom kanina. “No! How many times do I have to tell you, I’m not the one who is guilty! I didn’t do it!” Narinig kong sigaw ng babae mula sa loob ng office ni Miss. Mula sa aking peripheral view ay nakita ko ang pag-igtad ng babaeng nasa tabi ko dahil sa gulat nang marinig niya ang pagsigaw ng babae ng ‘yon. Ang babaeng nasa gilid ko ngayon ay ‘yong tumawag sa akin kanina no’ng nasa Infirmary ako. “Calm down, Miss Willo. You’re currently in my office so there’s no need to shout,”

