Episode 1

1633 Words
Si Erika Cruz, at Geo Sarmiento ay nagkakilala sa parehong paaralan ng San Sebastian College University. Si Erika ay 16 years old palang noong una niya itong makilala,at si Geo naman ay 17 years old, at 2nd year college na sila ng nagsimula na nga itong manligaw si Geo kay Erika. Pero 3rd year niya na itong sinagot. First kiss, First love niya si Geo. Sa dalawang taong nilang mag nobyo. Hindi maiiwasan na maging kumportable sila sa isat-isa. Hanggang nangako sila na pagkatapos palang ng college ay magpapakasal na sila. Hiningi ni Geo ang ang kanyang buong p********e,at hindi naman ito nagdalawang isip. Mahal mahal kasi nito si Geo. Hanggang isang araw hindi na ito nagpakita pa, o nagparamdam sa kanya. Labis ang kanyang pag iyak, at umasa itong magpapakita sa kanya ang lalaking ito , ngunit wala manlang kahit isang salita itong iniwan basta basta nalang itong naglaho. Araw na nga graduation ay hindi manlang nagpunta itong si Geo Nabalitaan na niya kinuha nadaw ito ng Kanyang mga magulang, At sa labas na ito pinag-aral. Nasa New york itong si Geo. At si Erika naman ay nagtrabaho na bilang isang assistant Secretary. Limang taon nawala si Geo, pero hindi naghanap ng iba si Erika. Nabalitaan ni Erika sa internet na uuwi na si Geo. Hindi narin ito umasa dahil nakita niya na mukhang maligaya na ito sa bago nitong nobya. Nabalitaan din ni Erika na napakayaman na pala ni Geo. Bagay na alam niyang malabong maging sila o bumalik ito sa kanya, ang gusto lang niyang mangyari magkaroon sila ng closure. Dahil ibang-iba na Si Geo sa dating nakilala nitong Geo Sarmiento. College palang sila madami na talaga ang nagkakagusto kay Geo. At habulin talaga ito ng mga babae. Mas naging gwapo ito. Ibang iba na ang buhay niya. Tinitingnan lang naman ni Erika ito sa internet sikat Pala ang papa ni Geo na businessman sa New york. Nakauwi na nga si Geo sa Pilipinas,at hindi naman ito naghanap sa Kanya hindi din alam ni Erika ang bahay nila. Nagkaproblema ang pinapasukan ni Erika na trabaho, kung kaya kailangan nitong maghanap ng bagong mapapasukan na trabaho. kung saan-saan ito nag-apply isang araw may interview sa malaking kompanya na bago sa kanyang pandinig, at malaki ang sahod kaya hindi atubiling mag apply doon. Hindi niya alam na ang kompanya pala na ito ay sa pamilya ni Geo. At si Geo ang boss ng kompanya. Pinuntahan naman niya ito at nagbakasakali naman siya matanggap sa trabaho. Erika ito nato! Sana ay matanggap ako ngayon mahirap tambay lang sa bahay. Think positive Erika. Tinawag na nga ang numero niya para sa next interview. Una Ipinakilala nito ang kanyang sarili sa nag iinterview sa kanya. Good morning ma'am. I am Erika Cruz and I'm 25 years old, I work as an assistant secretary for 5 years. Pinatigil siya ng nag interview sa kanya. Kasi maraming mga nag aapply sa oras na iyon,pero nagbase na ang nag interview sa porma at sa nakasulat sa resume. Ahm... stop Ms. Erika okay na. Sige next please.. At lalong nawalan siya ng pag-asa dahil parang bagsak siya sa interview niya. Nang makauwi na nga ito ay agad naman itong nakatanggap ng text na isa siya sa napili na magtrabaho sa kompanyang ito. Tuwang tuwa ito sa naging resulta ng kanyang pag-apply ng trabaho kaya Natulog ito ng maaga. Kinabukasan maaga itong nagising at nagtungo sa papasukan nitong trabaho. Hello guys! kumpleto naba ang lahat dahil ipapakilala ko sainyo ang ating boss, ang CEO ng kompanyang ito. “Opo Maam". Sagot ng mga employee. Hindi makilala ni Erika ang mukha nito. Ng ito ay pumasok sa conference room. Dahil nga nakashades pa ito. Nang kunin na nito ang suot nitong shades. Ay nakilala agad niya ,at laking gulat niya ng makita Si Geo Sarmiento!.. This is Mr.Geo Sarmiento Ang ating napakagwapong boss. Grabe ang panlalaki ng kanyang mga mata. Na tila gusto nitong Magalit, at sumigaw pero nagpigil ito dahil alam niyang hindi niya dapat gawin yun dahil magtatrabaho siya,yun ang nilagay niya sa isip niya sa oras na yun “Oh my Gosh! this is Geo Sarmiento. Sa Oras na yun. Hindi siya mapakali gustong gusto niya itong lapitan. Tanungin kung bakit hindi manlang ito nagpaalam sa kanya. Pero bawal dahil baka mawalan agad siya ng trabaho. Nagtataka ako bakit hindi niya ako makilala. Ano bang nangyayari sa kanya, at nakalimot ito sa lahat. Isa isa silang pinatayo. At ipinakilala kay Geo. This is Ms. Erika Cruz she will be your assisstant Mr. Geo. “Hi! ” napatigil ito sandali. Erika you look familiar. Nagkita na ba tayo? Hindi pa po. Obvious..sagot nito Ano!? ah..wala sir. okay by the way maganda ka nasa iyo na lahat mag, ayos kalang ng konti. Ok Your in the right position Ms, Erika Nagpakilala naman yong iba sa kanya. Pagkatapos makilala ang lahat ng empleyado nito. Pumunta na ito sa office niya. At si Erika naman pumunta muna sa C.r para umiyak gusto nitong ilabas ang mga luha niya. Napatanong nalang ito sa kanyang sarili. Bakit? Bakit siya PA! family naman pwede maging boss. Hayyy! hindi niya ako makilala. Anong nangyari sa kanya. Sa isip din ni Geo sa oras na iyon. Nakilala niya si Erika ngunit hindi ito nagpahalata “Erika„ You're still beautiful, I can't imagine that I can see you again. I know I hurt your feelings. But I need to pretend. Hindi madali yong mga ginawa ko sayo. Pumunta na nga si Erika sa office ni Geo. Kumatok muna ito halatang tense na tense. “Come in!” Good morning po!, sir Geo. Good morning also, Erika. So this is your table. By the way, I have to go to my meeting today. You can start your work. Okay? feel free Okay po Sir... Englishero na nga talaga si Geo. Grabe talaga! hindi manlang niya ako makilala. Nakakailang magtrabaho. Pero mas mabuti ng hindi niya ako makilala kahit papaano. Matanggal itong kaba ko. Ginawa nga ni Erika ang una niya trabaho. Pumunta naman ito sa mga kasama niya habang wala si Geo at nakipagkwentuhan, mabilis natapos si Erika sa mga giwain nito dahil sanay ito sa mga gawaing pang office at malino ito. Habang silang magkatrabaho nag uusap pinuri naman nito ang kanilang boss. “Ang gwapo talaga ni Sir Geo!" Uy!!? Erika? balita ko daw ay nakapag-aral si Sir.Geo sa San Sebastian hindi ba kayo magkakilala ni Sir? Ha, Hindi ko siya kilala. Ngayon ko palang siya nakita. Ah, ganun ba. Sayang naman makikichika sana kami baka wala pang girlfriend Si sir.. “Sabi naman ng isang babae" Uy wag ka nga feelingera! hindi talaga yan magkakagusto sa iyo. May Girlfriend na yan. Mayaman, at balita ko maldita. Hala sige ka!! “Joke lang..!" Ambisyosa kA talaga! Magtrabaho na nga tayo. Bumalik na si Geo sa meetings. Tiningnan nito ang trabaho ni Erika. Magaling ka parin Erika. Sabi pa nito sa kanyang sarili di ka parin nagbabago Erika ikaw parin yong Erika na nakilala Ko. Kailangan magpretend ni Geo sa lahat ng bagay pati narin sa dating pagkatao nito,pilit nitong binubura lahat ng ala-ala. Mahal na mahal niya si Erika noong panahong sila pa. At dahil nasaktan niya ito ng labis ay, ayaw niya na itong maulit pa. Sir, ginawa ko na po yong pinapagawa niyo sir. Mabuti, good! nakita ko nga mahusay ka pala hindi ako nagkamali sa pagkuha saiyo Erika. Salamat po. Sir.. maglunch ka muna. Sige po sir..Sandali lang po ako kakain. No, take your time. Sa oras na iyun ay. Hindi maiwasang maiyak na naman ito. Bumabalik kase ang mga alaala nito kay Geo. Kainis!! gusto ko siyang tanungin. Bakit ba, Bakit basta basta nalang itong nakalimot. Binigay ko buong pagkatao ko wala na akong inibig na iba. Bakit hindi manlang nito matandaan. Ang mga pangako nito. Erika! wag kana kasi umasa pa. Sinabi niya ito kanyang sarili. Kailangan ko pigilan ang mga nararamdaman ko said kanya. Kailangan Erika dahil yun ang tama. Wag kanang umasa pa. Habang kumakain siya ay tumutulo ang luha nito. Hindi ko alam hanggang kailan ako makakapigil. Nang makabalik na sa opisina, ay may kausap ito sa kanyang cellphone. (Kumusta na ang nobya kung maldita? Ng marinig niya ang salitang nobya. nabalisa si Erika. Mabuti nalang, at may nakaharang sa kanyang table kaya hindi sya nakikita ni Geo. Kailan punta mo dito Monique. kabilang linya Nextmonth na Geo. Sige sige anong gusto mo? At ng makapagprepare manlang ako? kahit konte. Okay.. Sige yon parin I love you. mwahh! bye na nandito na si Dad. “Erika? Yes Sir! Nga pala tapos kana bang kumain? Opo Sir... Baka nextmonth wala ako isang araw lang maman darating ang girlfriend ko from New York. Susulitin ko yong time ko with her alam mo na pabirong sabi nito. Kaya mo ba dito sa office isang araw lang naman. Sige sir, Kaya naman po. Mabuti nalang ikaw naging assistant ko hindi ako nagkamali. Umuwi na si Erika sa kanila, at deretso ito sa kwarto niya. Napatanong ang kanyang nanay, at tatay kung anong nangyari sa kanya. Dahil parang balisa ito na imbes unang araw niya sa trabaho niya. Anak kumain kana muna. May trabaho kana diba Bakit hindi ka masaya? "Nay"... Kase, yong boss ko. Bakit anak? pinagalitan kaba? “Hindi po nay... Ang boss ko po ay si Geo Sarmiento. Ha!? Tapos anak natandaan kaba nito? Hindi rin nay.. Nagtataka nga po ako nay. Matagal na kase iyon anak limang taon na. Baka nakalimutan kana talaga ng Geo na yan. Masakit parin inay. May nobya na pala si Geo, at mayaman din katulad niya. “Anak, Hindi sa nangingi-alam ako ha. Pero anak kalimutan mo na siya. Marami namang iba dyan. Bakit hindi mo subukan para mkalimutan mo yang Geo na yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD