Chapter 4

3316 Words
“Serafina…” Serafina didn’t hear that voice for so long. Sa tagal nga ay inaasahan niyang maninibago siya sa boses ni Savio. Ang akala niya, nalimutan niya na ang timbre at tono nito ngunit nagkakamali siya. Ganiyon pa rin ito at ganiyon pa rin ang hatid nito sa kanya. It can still make her knees go weak. It was just a simple acknowledgement and yet, it can make her brain throb with a lot of thoughts. Wala man lang iyong bakas ng pangungulila. It was cold. And for some odd reason, it was hot at the same time. Wala siyang lakas na sumagot. Bahagya lamang siyang tumango bilang pagbati. Para lamang siyang tuod na nakatayo roon habang pinagmamasdan ang kanyang ina na lumalapit sa binata. Kinabig nito si Savio at hinalikan sa magkabilang pisngi. Mayroon itong ibinulong sa binata na hindi niya narinig, ngunit nagawa nitong bahagyang pangitiin ito. What could it be? “Thank you,” anang binata bago sumenyas sa ilang taong naroon. “Dalhin n’yo na sila sa silid na ipinalinis ko.” Ibinigay nito kay Georgia si Silvan at tumalikod na. He was headed to the big door across the living area. It was his office. She knew, of course. She had been there multiple times, doing their thing. Napakurap siya. Is that all? Iyon na ba iyon? Ganoon na lang? Akmang susundan niya ang kanyang ina, si Georgia at Silvan papanik sa itaas nang biglang lumingon ang binata sa kanya. “You are not going upstairs, Serafina,” pigil nito sa kaniya at saka tumalikod muli. “Sumunod ka sa akin.” Is this it? Ito na ba ang komprontasyon nilang pinaka-iiwasan niya sa lahat? Gusto niyang batukan ang kanyang sarili. Kanina ay hinahanap-hanap niya ang kausapin siya nito, nyaon naman ay hindi niya malaman kung bakit tila siya umaarte pa. She started fidgeting her fingers. Hindi siya mapakali. Nasaan na ba si Cassandra? Palihim niyang tinapunan ang orasang naroon sa sala. Wala pang kinse minutos mula nang magpaalam si Cassi! Forty-five minutes felt like forty-five years. Ngayon lamang siya nainip nang ganoon katindi sa tanang buhay niya. “Serafina, are we gonna talk or not?” tawag sa kaniya ni Savio na tila inip na inip na nakatayo sa may pintuan. “Mahalaga ang bawat oras sa akin, kung wala kang balak—” Napasimangot siya. “Ayan na nga po, sir,” aniya na binibigyang diin pa ang huling salita. Narinig niyang natawa nang mahina si Alfonse kaya tinapunan niya ng tingin ito. He looked at her with a straight face and he comically motioned his hand towards the office. Unti-unti niyang inihakbang ang kanyang mga paa. She never felt her feet as heavy as this before. Pakiramdam niya ay ayaw humakbang ng mga iyon papasok ng silid. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Kailangan nilang mag-usap. Marahil ay natawagan na ito ni Cassi kanina kaya ganoon na lang ang pakikitungo nito kay Silvan. Dammit, she fell into Cassi’s trap. Pakiramdam niya ay wala naman talaga itong lakad. Sadyang gusto lang nitong iwanan siyang mag-isa para harapin si Savio. Nang pasukin niya ang silid ay iginala niya ang kanyang tingin. Ganiyon pa rin ang itsura ng silid na iyon. Naroon pa rin ang antique na lamesa at upuan. The book shelf was also still there. Ibig sabihin ay naroon pa rin ang lihim na silid na kinukublihan nito. It was where their first time happened. Ang sabi ng binata, siya lang daw ang tanging nakakaalam niyon. Maliban na lamang siyempre sa pamilya nito. It happened when she was seventeen and Savio was eighteen. Para ngang sariwa pa sa alaala niya ang lahat. Parang kailan lang iyon nangyari. Serafina saw Savio running towards the de Luca mansion. Naroon sila ng pamilya niya para sa isang pagtitipon. Sabi ng ama niya ay mahalaga raw ang araw na ito. Isinama sila nito para magkaroon ng kasama si Cassi at ang mama nito sa mansyon habang wala pa ang mga kalalakihan. Back then, it was called ‘binyag’. And as a girl and teenager, she didn’t know what was behind that term except for its literal meaning which is baptism. Nang mas tumanda siya at mas napamulat sa kalakaran ng kanilang sirkulo, mas naintindihan niya kung ano bang tunay na ibig sabihin ng katagang iyon. Iyon ang unang pagkitil ni Savio. He became made when he was eighteen. He first had blood on his hands at that age. At Nakita niya kung paano manginig ang kamay nito dahil doon. Nakita niyang pumasok ito sa opisina ng ama nito. Nilinga naman niya ang paligid kung may nakapansin ba rito ngunit tila abala ang mga tao dahil siya lamang ang nakakita sa pagpasok nito sa opisina. Sinundan niya ito at sa unang tingin ay wala siyang nakita ni anino man lang ng binata sa silid. Hanggang sa isang awang ang nakita niya sa may estante ng mga aklat. Naagaw nito ang pansin niya dahil sa liwanag na sumisilip mula roon. Bahagya siyang sumilip sa awang at nakita niyang naghuhugas si Savio ng kamay nito sa banyo. She let herself in. Namangha siya sa itsura ng silid na iyon. At isa pa, hindi niya akalaing mayroon palang nakatagong silid sa likod ng bookshelf na iyon. Hindi lamang iyon basta silid dahil fully furnished iyon. Ibig sabihin ay may mga gamit tulad ng kama, aparador at sariling banyo. Malayo ito sa in-e-expect niya, akala niya ay isa lamang iyong storage room na puro kahon. “Savio?” tawag niya rito. Mahina ang boses niya dahil hindi siya sigurado kung gusto ba nitong makita niya ito, o kung gusto ba nito ng kasama. It’s not like she wanted to pry, but her prying-self won. Nang makita siya nito ay mas binilisan nito ang paghuhugas ng kamay. “What are you doing here?” tanong nito. “You can’t be here, parehas tayong malalagot kay Papa pag nalaman niyang nalaman mong may kwarto rito.” “Are you okay?” Lumapit siya sa binata at hindi niya pinansin ang mga sinabi nito. Idineretso niya ang kanyang tingin sa kamay nitong abala sa paghuhugas. It was bleeding. She frowned. No, it wasn’t his blood because he wasn’t injured. Pinagamasdan niyang mabuti ang kamay nito ngunit talagang wala siyang nakikitang sugat dito. It was someone else’s blood. Nagmamadali niyang hinawakan ang kamay nito. “What happened?” tanong niya. Nanginginig ang mga kamay nito at pilit na iniiwas sa hawak niya. Hindi niya hinayaang makawala ang kamay nito sa hawak niya. Noon lang din niya napansin ang ilang talsik ng dugo hanggang sa braso nito. Maging sa suot nitong longsleeve na polo ay mayroon ding dugo. She helped him wash. Ginawa niya iyon dahil patuloy lang sa panginginig ang mga kamay nito at hindi man lang mahugasan ang sarili nang husto. “I killed a man, Rafi,” anitong mataman siyang tinitingnan. “You are washing someone else’s blood off my hands,” huminga ito nang malalim. “You are helping me cover my first crime.” “Okay.” Iyon lamang ang isinagot niya. Wala naman kasi siyang dapat na sabihin pa tungkol doon. Hindi naman niya ito maaaring pagalitan o kung ano pa man. “I’m already made, don’t you get it—” Binitwan niya ang kamay nito. “I get it,” inis niyang sabi. “Naiintindihan ko na—opisyal ka nang kabilang sa organisayon ngayon. At alam ko rin na hindi lamang iyan ang magiging dugo sa kamay mo kundi mas marami pang susunod.” “And?” “And what?” Hindi siya nakatiis at napataas ang kanyang boses. Ano bang gustong mangyari ng lalakeng ito? Kulang pa ba iyong naiintindihan niya ang lahat? “I was being nice here, Savio. Are you asking me to judge you? Are you asking me to leave? Just f*****g say it—” She didn’t even finish her words when Savio pressed his lips onto hers. Nanlaki ang mga mata niya. Nagulat siya nang husto kaya naitulak niya ito nang marahas, dahilan kung bakit napasandal ito sa pader ng banyo. Hindi niya malaman kung anong gagawin niya sa kanyang mga kamay, kung hahawakan ba niya ang binata o tatakpan ang kanyang bibig dahil sa halik na iyon. Napadaing si Savio sa sakit. Bahagya nitong hinawakan ang likod ng balikat at bahagyang nalukot ang mukha. Nilapitan niya ito at sinipat ang idinadaing nito. “Oh, God, I’m so sorry—” Savio started to remove his shirt. Hindi na bago ang makita niya itong walang pang-itaas na damit dahil halos araw-araw silang lumalangoy sa dagat. Ngunit ang makita ito sa ganitong sitwasyon—iyong kakahalik lamang nito sa kanya, at iyong kaisipang isa na itong made man, ay iba ang inihahatid sa kanyang damdamin. She didn’t know if it was just psychological, but his rugged look was giving her thoughts that she didn’t even know she’s capable of thinking. She’s reacting to him in ways she hadn’t anticipated. She was feeling something she didn’t know she had inside. And she damned well knew it wasn’t just that kiss, even if it was her first. Lumaki siya kasama ng mga de Luca at siguro, ito na ang tamang panahon para aminin niya sa sarili niyang hindi lang basta kababata ang tingin niya kay Savio. Nang tuluyan na nitong mahubad ang pang-itaas nito ay nakita niya ang malaking pasa nito sa gawing balikat. Muling nanlaki ang mga mata niya. “This isn’t your fault, Rafi,” mabilis na depensa ni Savio sa kanya. Marahil ay nakita nito ang reaksyon niya. “I got this earlier… from Papa.” Magsasalita sana siya nang biglang takpan ni Savio ang kanyang bibig. Mabilis din nitong isinara ang pintuan ng banyo at ni-lock. Sa hindi niya malamang dahilan, ayun siya at nakasandal sa pinto habang nakalagay ang palad ng binata sa bibig niya. Damang-dama niya ang paghinga nito dahil nakadagan ang katawan nito sa katawan niya. She didn’t know Savio was this strong. “Shh,” anito sa kanya na parang may pinakikinggan sa labas. Ilang sandali pa nga ay narinig niya na ang malulutong at malalalim na tawanan nina Don Resmus. Matapos niyon ay narinig niyang bumukas ang pinto ng opisina. “Savio, come out and enjoy the party,” tawag ng Don sa binata. “It’s your day, hijo.” It just dawned on her. The party was for Savio finally being made. Ironically, they are celebrating someone’s ‘binyag’ and someone’s death at the same time. “Yes, Pa,” sagot ni Savio. “Lalabas ako pagkatapos kong maglinis at magpalit ng damit.” Hindi nagtagal at tumahimik muli. Ilang sandali munang siniguro ni Savio na wala na ngang tao nang tanggalin nito ang pagkakatakip sa bibig niya. Gusto niyang magreklamo dahil hindi naman siya gagawa ng ingay. Ni wala siyang balak magsalita, lalo na ang sumigaw dahil takot din siya kay Don Resmus. At alam niyang anumang gawin niya ay magre-reflect din sa kanyang ama. Pero hindi niya magawang magreklamo kay Savio. His body just felt nice against her. It has been a minute when he removed his hands from her mouth, but his body was still pressing her on the door. He was still breathing raggedly. And his eyes were focused on hers. He was watching her reaction intently. “Gusto kitang halikan ulit, alam mo ba ‘yon?” tanong nito sa kanya. Napalunok siya. Hindi niya alam kung ano bang tamang sagot doon. “Gusto ko ring halikan mo ako ulit,” aniyang bahagyang nakangiti. “Serafina,” Savio’s dark voice called her. Napaigtad siya at dahilan iyon kung bakit napabalik siya sa kasalukuyan. Napakurap siya. Nakaupo ang binata sa lamesa at bahagyang nakatapak ang paa nito sa carpeted na sahig ng opisina. Humalukipkip ito at nagpatuloy, “It seems you are thinking a lot of things. Or must I say, remembering things?” Napaawang ang kanyang mga bibig. Suddenly she felt like she needed to defend herself. “Wala akong—” He waved his hand dismissively. “Cut it,” saway nito sa kanya. “Tell me about Silvan.” Napalunok siya. “S-Silvan is…” “My son,” he said as a matter of factly. “My son that I didn’t know about, Rafi.” “Our son, Savio.” Napahalakhak ang binata. Umalingawngaw iyon sa silid na tila ba nag-e-echo pa iyon. Then he slapped the table—hard. Muli siyang napaigtad. Pakiramdam niya ay biglang dumilim ang paligid dahil sa halakhak na iyon. Geez, is this too much coffee? Or she was just scared of Savio’s remorse? “Our son, Rafi?” Mapait ang tinig nito sa pagitan ng mapait ding tawa. “How could you call the child our son when you didn’t even let me in his life?” Hindi siya nakapagsalita kaagad. What was her reason? Ano nga bang palagi niyang sinasabi, o palagi niyang ginagawang rason kung bakit hindi niya sinabi kay Savio ang lahat? “I was… I was scared, Savio,” aniya nang sa wakas ay mahanap niya ang kanyang boses. “I was so scared that it would put him on danger! Ang dami ninyong kabanggaan, paano kung pati si Savio—” “And you thought not telling me would keep him safe?” sumbat nito sa kanya. “Just look at what happened, Rafi. Muntikan na kayong mapahamak dahil sakim ka.” Napakagat siya sa ibabang bahagi ng kanyang labi. Wala na siyang maidedepensa pa. Alam naman niya kasing tama ito. Savio was never wrong. Marahil nga ay sakim siya. Para iyong mga bubog na unti-unting tumibo sa puso niya. “Paano kung hindi lang ganoon ang nangyari—” Mabilis siyang nag-isip. Madaming pumasok sa isipan niya ngunit isa lamang ang nangibabaw sa mga iyon. She closed her eyes and gathered all her will to make a decision. “Then, protect him, Savio!” “You hid him, and now you’re asking for protection?” His voice was full of sarcasm. “Please, Savio,” aniya sa mas mahinang boses. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay parang gripong walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. She was shaking. Her voice, her hands, her lips. Paano na nga lang ba kung hindi lamang iyon ang nangyari? Hindi niya ma-imagine kung ano’ng mararamdaman niya. Just thinking of it makes her want to be just dead. Ikakamatay talaga niya kapag may nangyaring hindi maganda sa anak. “I… I’d do anything! Lahat gagawin ko, masiguro ko lang na safe si Silvan.” Mataman siyang tinitigan ni Savio. Matagal din itong hindi nagsalita. Tumayo ito at lumipat sa mismong upuan. Hindi man niya kita, sa palagay niya ay nag-de kwatro pa ito sa ilalim niyon nang sumandal ito. He was still watching her, only he was tapping the table with his fingers this time. Napabuntonghininga ito nang malalim. “Okay,” sa wakas ay pagpayag nito. “Anong kapalit?” Napanganga siya nang bahagya. “K-Kapalit?” Kailangan ba niyang mag-bayad? Anong kapalit? “I am not a charity, Serafina,” he said, coolly. “But you’re his father!” Muli ay natawa na naman ito sa sinabi niya. May nakakatawa ba roon? “He was not even a De Luca to begin with, Rafi. Anong gusto mong gawin ko?” he smirked. “He’s basically a stranger to me just minutes ago.” His voice, tone, and even the look in his eyes were full of bitterness. All she saw in him was pain. Even his veins were showing because he was clutching his hand over the table. Alam niyang nasaktan ito sa ginawa niya. Pilit niyang pinakalma ang sarili. He was just upset. Pilit niyang isinaksak sa utak niya na nasasaktan lang ito sa ngayon kaya masakit itong magsalita. Kailangan lang nito ng sapat na oras. Mapapatawad din siya nito paglipas ng ilang araw. Hindi ba? “I understand,” sa wakas ay pagsang-ayon niya. “I’ll do whatever you want. Just accept him—” “Wala akong sinabing hindi ko siya tanggap, Rafi,” he cut her off. His eyes turned soft, just like before. Now, this is her Savio. “Silvan’s my spitting image, paanong ‘di ko tatanggapin ‘yon?” Ipinikit nito ang mata na para bang iniisip pa ang itsura ng bata. Hindi siya sigurado ngunit parang nakita niya itong bahagyang napangiti kasabay ng pagpikit nito. Did he smile upon thinking of their child? “Then…” Tumikhim siya na dahilan ng pagmulat nito ng mga mata. “I have my conditions,” sabi nito habang umaayos ng upo. “First things first. Ilipat natin sa pangalan ko si Silvan.” Tumango siya. Okay, she saw that coming. She expected that one. At wala naman siyang reklamo roon. “The next one?” kinakabahan niyang tanong. “While growing up, I want him to be exposed in our scene. I want him to fully adapt this environment. You know how it works, Rafi,” paliwanag nito sa kanya. “Now that it came to my knowledge that I have a son, alam mo na kung anong kasunod no’n.” “Will he be the next boss? Hindi ba mas magiging target siya niyan?” Hindi niya mapigilang mas mag-alala para sa kapakanan nito. Sa sobrang dami ng kabanggaan nila Savio, hindi na niya alam kung sinong susugod sa kanila anumang oras. “I won’t let that happen, Rafi.” “And the next condition?” “You, Rafi.” “What—me?” “It is what you think it is.” “Paano?” “Siyempre, dito kayo titira sa poder ko ni Silvan,” paliwanag nito sa kanya. “Quit acting.” Nanlaki ang mga mata niya. “What?” bulalas niya sa sinabi ng binata. She couldn’t quit acting. She loved to act and it was her passion. She just got back, how could she quit? “Hindi pwede! Ayoko—” “Magkano ba’ng kinikita mo sa pag-aartista? Does it give you a million every day?” Nagkibit balikat siya. Magkano nga ba ang kinikita niya? Sapat naman iyon at nakaipon pa nga sila para makapag-ipon ng pampatayo ng café. Pero hindi iyon milyones kada araw. “Puwede na,” sagot niya. She couldn’t give him a specific digit. “Hindi puwede sa akin ang puwede na,” balewala nitong sabi sa kaniya. “If it doesn’t give you a million every day, then quit. Kaya ko naman kayong buhaying mag-ina ko.” And just like that, her heart melted. Mag-ina. Hindi niya akalaing sa simpleng salitang iyon ay tila malulunod ang puso niya sa ligaya. The feeling was something she’d never felt before. It was somehow fulfilling. Hindi man sapat na dahilan iyon para pumayag ay nakita na lamang niya ang sariling tumatango sa binata. “Okay… I’ll quit, then,” she smiled at him. “So, what’s next?” Magsasama na ba sila? Papakasalan na ba siya nito? Hindi niya alam kung bakit pero ilan lang iyon sa ina-anticipate niyang i-alok ng binata sa kanya. Suddenly, she felt giddiness rushed through her. “Wala naman na,” sagot nito sa kanya. “For now.” Bahagya siyang napasimangot. At nadagdagan lamang ang pagkasawi ng kanyang puso nang bumukas ang pinto ng opisina nito. “I brought coffee,” sambit ng isang babae. She elegantly walked through the carpeted floor and she placed two cups of coffee on Savio’s table. Pagkatapos niyon ay ngumiti ito sa kanya. “Enjoy your coffee, Rafi…” It was Farrah. “I’ll leave you two, again.” It was the very moment that it dawned on her. She maybe Silvan’s mother, but not Savio’s wife. She’s going to be the boss’ mistress. She heaves a sigh as she gathered herself altogether. “I changed my mind, Savio.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD