Chapter 4

1389 Words
Arika POV Nakauwi na kami ni Demian galing ng hospital nang mahimatay kasi ako sa sobrang taranta ni Demian sa hospital niya agad ako dinala. " The results of your test Ms. Arika is normal. Kaya ka nahilo because of the heat and probably you're thinking too much. Base na rin sa records you've been on accident and had been bedridden. I suggest na you should continue drinking your meds." sabi nung Doctora na sa tingin ko ay sampung taon ang tanda sa akin. Just by thinking kung ano yung sinabi ni Doctora it was true na andaming tumatakbo sa isip ko especially nung parang namalik mata ako dun sa kamukhang kamukha ni Demian. He really looks familiar hindi lang maapuhap sa isip ko kung saan ko sya nakita. Well maybe I was just thinking too much baka si Demian lang yun or what. Ayaw ko nalang din masyadong kaisipin baka lalo lang sumakit ang ulo ko. "Hey baby, you seems spacing out? You wanna share it with me? I'm always here to listen hindi ka nag-iisa, always remember that." malamyos na tinig na sabi sa akin ni Demian. Hearing his voice makes me really calm. His presence is enough for me. He is enough for me. At sana wag dumating yung araw na iiwan niya ako. "I was just thinking kung totoo ba yung nakita ko kanina? I saw someone who looks exactly like you Dem, his eyes was sad ng magtagpo ang mga mata namin. But sadly ng sulyapan ko ulit sya he was gone. He seems really familiar to me Dem." mahinahong pagkekwento ko kay Dem I know na this is a good idea na magshare ng mga thoughts ko kung hindi baka mabaliw ako kakaisip. Damn, sakit talaga nito sa ulo. "Baby baka naman kaluluwa yun ng twin brother ko I'm not trying to scare you ha I'm just giving you my assumptions. Tumingin ka sa mata ko, you told me na his eyes looks sad diba?" sabi niya sa akin Tumingin ako sa mata niya gaya ng suggestion niya sa akin. Grabe yung mata niya ang gwapo din ang sarap pang tingnan parang nilulunod ako sa kung ano. It was full of emotions. " What can you see in my eyes baby?" husky niyang turan. Taray nag-iiba ang boses ng aking Dem, really Arika iyo? Akin nga ba talaga? "Uhmm happiness, your eyes are sparkling Dem. Lalo kang pumopogi sa paningin ko. Pashare naman ng genes mo." banat kong sagot sakanya kinikilig na kasi ako sa kakababy niya. Pereng shere hehe. "Ikaw ang rason kung bakit ganyan yan kaniningning baby. Makita lang kita masaya na ako. About the genes baby, I'll give it you when the right time comes okay? For now lets take it slow. Smile ka na okay. Let's pray for the soul of my twin brother nalang maybe nagpakita siya sayo to let you know na tanggap ka niya maybe his eyes looks sad kasi kung nabubuhay pa siguro sya he can treat you as his little sister." he sincerely said bago tumayo para kunin ang remote ng television. "Kilig ako sa part na yan Dem, expert na expert sa mga lines ha. Makita lang din kita masaya na ako. Asahan ko yang sa genes thingy ha, not now pero sana sooner or later charot, joke lamang. Yes maybe tama ka Dem, I'll pray for his soul Dem asahan mo yan. Thank you for the advice Dem. It means a lot to me." I told him before smiling genuinely. We are currently watching a news, Demian was sitting on my right side. He was too massive, yung tipong yung built ng katawan niya ay mamuscle pero lalong nakadagdag yun sa kagwapuhan niya na parang kaya akong protektahan. Siguro bukod sa pag exercise niya at sa mga pagbubuhat niya ng kung ano-ano dito sa hacienda ay nahubog ng ganyan ang pigura niya. Kala mo ay hinugot sa pocket book yung datingan nitong si Demian. "Pinaghahanap na ng kinauukulan ang takas sa preso na isang murderer, matapos kasi nitong bayaran ang isang tauhan sa presinto upang makatakas ay kasabay nito ang pagpapasabog sa ibang parte ng presinto. Sa ngayon ay pinaghahanap na si Damon Zaldua. Malaking pabuya ang nakaatang sa makakapagturo sa naturang kriminal." Bago ko pa makita yung itsura nung lalaking tinutukoy nung news reporter Demian was hugging me tightly. "Dem what the hell are you doing bakit ka nangyayakap gawain ba yan ng matinong manliligaw? Asan na yung personal space ko dito?" biglang pagsusungit ko sakanya duh ligawan portion pa lang kami may yakap portion na kahit gusto kong masharean ng genes nitong poging to dapat may label na pag mangyayakap. Pinayagan ko na nga sa pag tawag sa akin ng baby aba'y ang yakap at physical touch ay pass muna. "I'm sorry baby." he sincerely said at naging malikot ang mga mata niya. What is happening to him? "Okay apology accepted. Wag mo nalang uulitin bawal mangyakap basta basta pag wala pang label, tyaka dapat with consent lagi. Tapos I was too invested dun sa balita tapos bigla ka nalang nangyakap. Papayag naman ako basta magpapa alam ka. Wala namang biglaan jan." kalmado kong litanya sakanya paano ba naman kasi nagulat ako. " Ayyy wait Dem kaapelyido mo yung guy pero sadly opposite kayo. Sana mahuli na yung Damon Zaldua na yun para hindi na makapaghasik pa ng lagim. He was a murderer ang dapat sa mga ganun nabubulok sa kulungan at hindi na makalabas pa. Killing someone is an immortal sin kaya hindi ko maapuhap kung bakit nakakaya nilang manakit at pumatay ng tao. Life is precious. No matter what his reasons are for commiting a crime kailanman hindi tama na pumatay. Let's pray na mahuli na ang kriminal na yun Dem." he sighed nang marinig ang mga litanya ko and then he nodded. "Yes baby let's pray na madakip na sya." kalmado niyang turan sa akin. " You look pale Dem, nahihilo ka ba?" I worriedly asked him, he was too pale. "I'm okay baby no need to worry. I'll just rest sa room ko. You should go to your room and rest baby masyadong mahaba ang nangyari ngayong araw. Refrain yourself from too much thinking and sa mga hindi magagandang balita, you need to rest and don't forget to drink your medicine." he said at bago pa siya tumayo he asked me something that made me blush. "Baby can I kiss your forehead?" he shyly asked, his eyes was sparkling na para bang inlove na inlove talaga siya sa akin ,sa isang Arika na isinilang sa earth para magdagdag ng magagandang nilalang sa munda, just kidding but it is true na maganda ako kasi kung walang maniniwala baka maging sad girl lang ako. "Yeah" tangi yung heartbeat ko palong-palo sa sobrang bilis grabe. He kissed my forehead before heading to his room. May mga agam-agam na naman sa isip ko. Bakit ganun nalang maka react si Dem after hearing the news. May tinatago ba sya akin na hindi ko dapat malaman? Or I am just overthinking. Agad akong napailing Arika ikaw din talaga gumugulo sa sarili mong utak. You're making everything a big deal. Damn. Lumabas muna ako saglit ng bahay at naupo sa upuan sa hardin ni Demian, it was a cute chair kung hindi ako nagkakamali gawa ito Demian . I was reminiscing the moment we saw each other mga panahong grabe kung tarayan ko sya tapos ngayon para akong teenager na kiligin sakanya. Time flies really fast. Yung taong di ko inexpect na makakapalagayan ko ng loob. Demian is close to my ideal man. He is a marespeto, matalino, masipag, God fearing at for sure hindi babaero. Siya na rin umiiwas sa mga babaeng kala mo linta kung makakapit sakanya. Paano ko nasabi syempre nasaksihan ko last time ng pumunta kaming palengke para mamili ng ibang rekados para dito sa bahay. Todo iwas siya sa mga babaeng humaharot sakanya at dinedecline niya din in a nice way na hindi mapapahiya yung babae. Hindi ko na nga mabilang kung nakailang taas ang kilay ko ng araw na iyon. Hindi na rin naman ako pabata then a nice idea popped up sa utak kong magulo pero stable pa naman. Bukas na bukas sasagutin ko na si Dem para matawag ko na syang akin. Mindset ba mindset.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD