Kabanata XIV

1432 Words
Yui's P.O.V Hera Bautista, The MVP Queen of Clover Organization. a well known MVP of Volleyball team in King's University. Her Family runs a Television Network. She became the Queen of Clover for 2 years Christian Haynes. The Sporty King of Clover Organization. The A Baseball and Soccer Player. His Family owns the Haynes Club which is a famous Sports shop around the globe, it is what they called Haven for all the sports lover out there. He became the King of Clover for 3 years. "Sorry" walang kabuhay-buhay na saad ni Christian habang nakatingin pa sa ibang direksyon, I bit my lower lip to stop myself from laughing so damn hard sino ba namang hindi matatawa? Sa itsura ngayon ni Christian mas mapagkakamalan pa siyang gusgusing bata kaysa isang Hari, gusot gusot na kasi ang suot nitong P.E. Uniform, nagmukha na ngang Off-shoulder yung white t-shirt niya eh, wala narin itong suot na sapatos tanging ang natitirang sapin sa paa niya ay ang medyas sa kanan niyang paa, nakaluhod pa ito habang hawak ni Hera ang magulo nitong buhok "Ayusin mo naman yung sorry mo, halatang napipilitan ka lang eh" sabi ni Hera saka bahagyang inangat ang kamay na nakahawak sa buhok ni Christian kaya't nahatak iyon at napaigik sa sakit si Christian "O-ouch! Oo na! napakasadista talaga ng babaeng ito! Miss Nerd, I'm really sorry okey? hindi ko naman talaga sinasadya iyon, I swear! mamatay man si Hera..." malakas na binatukan ni Hera si Christian at sinamaan ito ng tingin kaya't alanganing tumawa si Christian "Joke lang, napakaseryoso mo sa buhay" sabi nito at hinimas pa ang batok na siyang hinampas ni Hera "Ayusin mo kasi yung pananalita mo! kapag talaga hindi ako nakapagpigil makikita nalang ng lahat yung katawan mo sa ilog pasig na palutang-lutang" napangiwi naman si Christian ng dahil sa sinabi ni Hera "O-Oo na! aayusin ko na!" sabi ni Christian bago muling bumaling sakin "Miss Nerd ano na? Sorry na nga eh, sabihin mo nang tinatanggap mo yung sorry ko para tantanan na ako ni Hera, masakit na yung buhok ko" napangiti nalang ako bago napailing dahil sa kakulitan nilang dalawa. bagay silang dalawa, they look cute together "Actually okey lang naman talaga, you really don't need to say sorry, anyways thank you for not leaving me out there unconcious" nabitiwan naman ni Hera yung buhok ni Christian at nagmamadaling lumapit sakin, I can see adoration in her eyes while walking towards me, nang tuluyang makalapit ay agad niya akong niyakap ng mahigpit okey? anong meron sakanya? "You're really an Angel Empress" sabi nito na nagpakunot sa noo ko Angel? She's wrong, I'm only a human or more specifically I'm a Sinner. "I highly agree, She's a complete opposite of you Hera" sabad naman ni Christian na hindi ko namalayang nakalapit na pala samin mabilis na kumalas si Hera sa pagkakayakap sakin saka sinamaan ng tingin si Christian, nagtaas lamang ang huli ang dalawa nitong kamay na para bang sumusuko bago binaling sakin ang atensyon "I'm really sorry sa nagawa ko, I hope I could make it up to you so that hindi na ako makokonsensya sa ginawa ko sayo. how about lunch? My treat?" nakangiti na nitong saad, napabuntong hininga nalang ako bakit ba ang kulit ng lahi nilang dalawa? sinabi na ngang okey lang ako eh, sarap din nilang kutusan eh, kapag talaga ako nabadtrip sa kakulitan nila tatama na sa lalamunan nila yung dagger ko "Fine" wala sa loob na pagtanggap ko sa imbitasyon nito, para matapos na ito at makauwi na ako kailangan ko pang magplano ng gagawin ko para matapos narin pati yung problema ko. ~~~~~~~~~~~~~~ "What would you like to eat?" tanong ni Christian sakin, walang buhay ko naman tinuro sakanya yung gusto ko at nagpaalam na ako na ang maghahanap ng mauupuan since hindi pa naman breaktime ay marami pang vacant seat kaya't hindi na ako nahirapan hindi rin naman nagtagal ay dumating narin sila Hera at Christian, dala ang mga tray ng pagkain at nilapag sa table kung saan ako umupo. "As far as I remember si Empress ang niyaya kong kumain hindi ikaw" mataray na saad ni Christian at inirapan pa si Hera pagkaupo nito Hera just make face before she roll her eyes at hinarap ang lalaki "At kaibigan ko lang naman yung niyaya mong kumain kaya kailangan kong sumama dahil baka may masama ka pang gawin sakanya" saad naman ni Hera at inirapan din si Christian kaibigan? kailan pa? kakakilala nga lang namin eh, ambilis ah? ganito pala makipagkaibigan ang mga Royalty, kakakilala palang kaibigan na agad Unbelievable! "Kailan pa ako gumawa ng masama sa kahit na sino?" hindi makapaniwalang tanong ni Christian na ikinataas ng kanang kilay ni Hera "duh? nagtanong ka pa? eh halos araw-araw kang gumagawa ng masama sa kahit na sino" Hera sarcatically said bago sinimulang kainin yung Fries niya, napanganga naman si Christian ng dahil doon "No I didn't!" inis na bulyaw ni Christian kaya't dahil dito ay napatingin sa direksyon namin ang mangilan-ngilang estudyanteng nandito sa cafeteria Gosh! These Royalties......mga takaw atensyon talaga! "Guys enough okey? itigil niyo na iyan baka magkasakitan nanaman kayo at isa naman sainyo ang isugod ko sa clinic" I nonchalantly said habang nakatuon ang atensyon sa pagkain ko, nang masabi ko iyon ay saka ko sinubo yung lasagna na nasa kutsara ko tumahimik naman silang dalawa kaya't nag-angat ako ng tingin at otomatikong nagtaas ang kanang kilay ko nang makitang nagkikislapan ang mga mata nila habang nakatingin saakin "She's really an Angel" sabi ni Hera at pagsalikop pa ang dalawa nitong kamay at pinatong ang kaliwa nitong pisngi dito "Yes she is" Christian unconciously agreed I can't help but to roll my eyes, what's wrong with these people? "I'm really sorry Empress if we act this way. I bet you felt uncomfortable since you look like one. you see, sa ilang taon kasi naming pag-aaral dito sa University....it's the first time we met someone who can look at us directly in the eyes and didn't stutter at all." sabi ni Christian at ngumiti ng pagkatamis-tamis "tapos ang bait bait mo pa, kahit may nagawa na sayong masama itong mokong na ito you still think na hindi niya kailangan pang magsorry, alam ko namang sinabi mo lang na hanapin ko siya at magsorry sayo for compensation kasi nakukulitan ka na sakin" sabi naman ni Hera habang nakaturo ang hintuturo kay Christian "And may lakas ng loob ka ring patahimikin kami which is odd and new to us, We are from the highest ranking Org at takot silang kalabanin o banggain kami" Christian said, I tilted my head because of confusion Ano bang pinagsasabi nila? "I bet your new here, mukhang wala ka pang alam sa pamamalakad ng eskwelahang ito. I'm Hera Bautista by the way....." "You just introduced yourself to me awhile ago" pagpuputol ko sa pagpapakilala niya ngumisi naman siya sakin bago nilahad ang kamay at muling nagsalita "The Queen of Clover Organization" napanganga naman ako ng dahil sa sinabi niya really? hindi ko naman tinatanong! mukha ba akong ignorante? eh simula pa nga lang nung unang beses ko siyang makita kilala ko na siya eh. tinanggap ko nalang ang kamay nito, well it's kinda rude if I don't so I have no choice bigla namang siniko ni Hera si Christian kaya inis na nilingon siya nito "What?!" mahina ngunit may diing tanong ni Christian "Ikaw naman ang magpakilala" sabi naman ni Hera at pinanlakihan ito ng mata, alanganin naman bumaling sakin si Christian bago muling binalik ang tingin kay Hera at mas nilapit pa ang bibig sa tenga nito "Do I have to? baka mailang na siya satin" bulong nito na rinig na rinig ko naman "No she wouldn't, she's an angel remember? Hulog siya ng langit satin" mahina ring saad ni Hera pabalik hindi ko alam kung malakas lang ba talaga sila magbulungan o sadyang malakas lang talaga ang pandinig ko. well either way para silang t*nga tignan "Fine" sabi ni Christian bago bumuntong hininga at humarap sakin "I'm Christian Haynes, King of Clover" sabi nito at nilahad ang kanang kamay tinanggap ko naman iyon at nginitian silang dalawa "Empress Lee, A transfer student. it was nice meeting the two of you" masigla kong saad, I can't help but to grin at the back of my mind Destiny is really something, it did find a way para magtagpo ang mga landas namin ng mga Hari at Reyna ng University na ito. Kusang umaayon sakin ang tadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD