Yui's P.O.V
Pinagmamasdan ko lang siya ngayon habang hindi makapaniwalang lumilinga-linga sa paligid. Who wouldn't be? dalhin ko ba naman siya sa isang kwarto na punong puno ng mga limited edition clothes, bags and shoes. If I were in her shoes ilang beses kong sasampalin ang sarili ko thinking that it was just a dream.
"Just take one that you like the most, don't worry it's free" turan ko dito atsaka dumiretso sa sofa at naupo doon, this sofa is here just incase I'm gonna wear those shoes and heels that are here. I couldn't wear them standing duh!
"Really? You sure?! wala talagang kapalit?!?" hindi makapaniwalang tili nito at nagtatalon sa tuwa
"Yeah and after that you can leave" I just boredly reply at napatingin nalang ako sa human-sized mirror na nasa tapat ng sofa ng inuupuan ko
I rolled my eyes and let out an exasperated sigh, I look like a beggar. Yucks!
mabilis kong tinanggal yung salamin ko at nilapag nalang sa kung saan yung old-fashioned shoulder bag na bitbit ko. hinubad ko narin yung mahaba kong skirt at oversized blouse kaya't ang natira nalang na suot suot ko ay isang plain white sando and maong shorts then after that ay muli akong umupo sa sofa and I ponytailed my hair
matapos kong gawin iyon ay binalik ko ang tingin ko kay Veronica na nakatanga na pala saakin
"oh? you're still here?" masyado akong nandiri sa ayos ko that I forgot na may kasama pa pala ako
well, it wouldn't hurt to let her know na dyosa ako at hindi isang nerd.
"What the actual f*ck?!" hindi makapaniwala niyang saad at lumapit sakin
"OMG! are you somekind of an agent at undercover ka tapos nagdidisguise ka as a nerd?! KYAAAHHH!" tili nito at tinalon ang pagitan namin saka ako nito niyakap ng mahigpit
what the heck?!
tinulak-tulak ko naman ito palayo saakin
Gosh I can't breath!
"L-let me g-go! f*ck off girl!" sigaw ko dito
"Tell me! come on tell me! sali ako sa undercover mo! I promise I'll help you. sa mga movies ko lang ito napapanuod! gosh I can't believe it's real!" excited nitong turan na tuluyang nagpangisi sakin
she'll help me?
"I'm not an agent okey? I'm just looking for a person at kailangan kong magdisguise as a nerd para hindi niya ako makilala" pabulong kong saad dito
linapit naman nito ang tenga niya sakin na parang focus na focus ito sa pakikinig nang kung anong sinasabi ko
"Who are you looking for?" curious nitong tanong and I can't help but to bit my lower lip dahil hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng napakalawak na ngiti sa labi ko
"I'm looking for the Emperor" nakita ko ang pagkunot ng noo niya at sinundan ito ng nanlalaking mga mata at tinitigan ako as if hinihintay nito na sabihin ko sakanya na nagbibiro lang ako
Nung hindi niya narinig ang inaasahan niya at nalaman niyang seryoso ako ay napaatras siya at napatakip sa bibig sa sobrang gulat
"So tama nga ang hinala ko, you're from Royalq University, I saw your I.D. nung nasa kotse tayo while you we're looking for something in your shoulder bag" seryoso na nitong saad nang tuluyan siyang mahimasmasan sa mga natuklasan
actually, sinadya kong ipakita sakanya iyon. It's all part of my plan.
"Yeah, ikaw din ba?" kunyari ay hindi ko alam, because ever since I laid my eyes on her, I already know her, ayokong paghinalaan niya ako kundi mabubulilyaso ang plano ko
My plan to get to know and befriend all the Queens and Kings of the 4 Organizations and those who has a position in the highest council to finally meet the King.
"Oo, I'm Veronica Lopez, The Queen of Diamonds" turan nito that made me smirked
Veronica Lopez. The Materialistic Queen of the Diamond Organization. Her mom was a single mother and works as a model, she is also the owner of the well known Lopezian Brand of Clothes and Shoes as well. lumaki si Veronica na walang kinalakihang ama at dahil nag-iisang anak, She gets what she wants that's what they said pero nagawa niyang ipaubaya yung LV Purse kanina, I think she's not that bad. She's been the Queen of Diamond for 3 years.
I know her since the very beginning. I read an article about her during my research just awhile ago sa compshop kung saan ako nagrent ng computer
kung sinuswerte nga naman ako, kapalaran na mismo ang nagtutulak sakin para makilala ang mga Royalties ng King's University.
"I'm Empress Yui Lee, A transferee to your school" sabi ko dito at nilahad ko ang kamay ko na walang pag-aalinlangang inabot naman niya
"Will it be too much to ask kung bakit mo siya hinahanap?" alanganin nitong tanong nang bitawan ko na ang mga kamay niya
"Because I need to win. never in my entire life will I experience losing kaya't gagawin ko ang lahat to win that challenge" mahina kong saad na para bang sarili ko lang ang kinakausap pero sure naman akong narinig niya iyon
napangisi nalang ako ng maalala ko yung pag-uusap namin ng lalaking iyon. wait! now that I think of it, hindi ko pala nakuha ang pangalan niya, nakipagpustahan ako sa lalaking hindi ko kilala. di bale nasa school lang naman siguro iyon, I'm gonna ask him once I meet him again
"Fine, I'll help you just like what I've said but I'm warning you it'll be risky and dangerous. The King is no Ordinary Man" sabi nito na kakikitaan mo ng labis na pag-aalala
ngumiti lang ako dito just to assure her that everything will be alright
"I'm okey with that! Friends?" tanong ko dito. we need to be friends so I can get what I want from her, that's the plan in the first place, she needs to trust me.
"Bestfriends!" tili nito at muling niyakap ako
"Yeah yeah, whatever! pumili ka na ng kahit ano dyan, you can get as many as you like since you're already my friend, it's my gift to you as....." napahinto ako sa pagsasalita ng agad na sumabat siya
"No thank you, at first hindi talaga ako aangal kung bibigyan mo ako but since you're already my friend wala na akong balak kumuha, I don't take things from my friends. It will just make me look like I befriend you because of these things" mataray nitong saad which made me taken aback
isn't she the Materialistic Queen?
diba mahilig siya sa luxuries, branded items like those typical rich kids?
isn't she the kind of person who gets what they want?
mali ba ang nalaman kong personality niya sa mga articles na nabasa ko tungkol sakanya?
biglang nagring ang phone nito na madali naman nitong nasagot, tumalikod siya sakin at humakbang lang ng konti palayo
"Okey babe, wait mo ko papunta na ko! bye love you" rinig kong sabi nito bago ako muling hinarap at nginitian ng napakalawak
"I need to go, hinihintay na ako ng boyfriend ko. Don't worry ipapakilala kita sakanya at hahayaan kong kilatisin mo siya. It's really nice knowing you and being your friend Empress" she sincerely said before she gave me a tight hug one last time
"Ipapahatid na kita." sabi ko dito saka tinawag ang isa sa mga Driver namin
"Ingat ka and Enjoy your date" pagpapaalam ko sakanya before she get inside the car
ngumiti lang ito at kumaway sakin bago tuluyang umandar ang kotse at hindi ko na makita pa