"Jerenoah Valdemor or simply Noah is known as the Possessive King, sakanilang pito, siya ang pinakamayaman, Sakanya lang naman pinamana ng kanyang Ama ang 'Valdemor Medical Hospital' it is a hospital that has a lot of branches sa iba't ibang panig ng mundo, a hospital that provides good medical service from the last 14 years up until now, hindi lang sa Pilipinas but to the whole wide world, at hindi lang iyon nagpatayo rin siya ng sarili niyang kompanya Ang 'NOAH Enterprise', ito ang kompanyang naglalayong bumili ng mga lupain at ipagbibili iyon sa merkado. Siya rin ang nagmamay-ari ng 'NOAH'S ARK' ang sikat na sikat na subdivision para sa mayayaman. pangarap kong bumili ng bahay doon eh kaya lang ang mahal share ko lang naman, anyways he is a property-freak, a possessive one, if he likes something, he will already claimed it as his property at hindi niya hahayaang may makaagaw pa nito, may kasabihan nga ang lahat ng nakakakilala sakanya 'May God have mercy on anyone who dare to steal from the King' because Noah will never have mercy on anyone who dare, thats the main reason kung bakit siya tinawag na Possessive King." napailing-iling nalang ako sa mahabang lintanya ni Chelsea, mayaman nga ang isang iyon
may ospital na, may kompanya pa, tas nagpatayo pa ng subdivision para sa mayayaman, tsk tsk tsk
nandito kami ngayon sa Room, nandito rin ang iba naming classmates, umalis lang kasi saglit yung prof namin at itong si Chelsea hindi makapaghintay ng Dismissal yung kwento niya kaya ayun sinisimulan niya na ulit ipakilala sakin yung natitira pang tatlong hari
"Next is The Beast, some people call him the Wrathful King, his name is Jacob Isaac Madrigal. obviously kaya siya tinawag na Wrathful King because of being too short-tempered, He is a Rebel, the black sheep of their family, mahilig makipagbasag ulo and a Frat Leader pero kahit ganun he is super damn rich, Mayaman ang pamilyang kinabibilangan niya, ang MTel o Madrigal Telecommunication ay pag-aari nila, Even the Madrigal Airline and this Love Academy ay sakanila rin at balang araw sakanya rin ipapamana ang lahat ng ito because he is the sole successor of his family, perks of being the only Son" buti hindi napapagod magsalita itong babaeng ito, ang hahaba ng sinasabi niya eh, si Rodolfo naman easy easy lang habang nagsusulat, hindi na nga siya nakikisali sa pagsasalita ni Chelsea eh, napagod na yata
"And Lastly, The King that you've been waiting for, The one and only Casanova King, Mark Draven Zenzus, Katulad ng mga nauna kong nabanggit na mga Hari, mayaman din si Draven, hindi naman siya mapapabilang sa 7 deadly kings kung hindi. He is the heir of the Zenzus Clan, Ang may-ari ng ZM o Zenzus Mart, ang sikat na Supermarket sa bansa, they also own the Zenzus Inc., a Company that makes Android phones, na sadya naman talagang tinatangkilik sa merkado dahil kahit mahal ito ay maganda naman ang features at worth it, ito rin yung tipo ng phone na kapag nakita mong gamit ng katabi mo sa jeep, sa mrt, lrt o gamit ng taong makakasalubong mo sa kung saan, masasabi mong RK ito dahil napakamahal ng mga phone na binibenta ng Zenzus. anyways siya ang matatawag na playboy sa pitong haring nabanggit, napakababaero, manloloko! He made thousands of women cry, hindi na ako magtataka kung isasama ka niya sa listahan niya kaya kung ako sayo girl iwasan mo na siya, walang madudulot na maganda ang babaerong iyon, papaiyakin ka lang rin niya sa huli." kunot-noong napatango-tango ako
so that's why ang bilis ng pangyayari? like kakakilala lang namin then the next thing I knew ay balak na niya akong ligawan, babaero pala ang mokong, that also explain the kissing scene na nakita ko last time hmmm? no wonder, magaling siya mambola at mabulaklak siya magsalita
marami na siguro itong babaeng napaiyak and I will definitely not be one of them
"Paano mo naman nalaman ang mga iyan?" tanong ko at tinaasan pa siya ng kilay
"Duh? Girl wala ka ba talagang alam sa earth? like isearch mo lang ang pangalan nila sa Google ay agad na lalabas ang mga basic Info nila, Baba baba din kasi sa bundok tsk tsk tsk" sabi ni Rodolfo na may pagflip pa sa imaginary hair nito with matching rolling eyes
sabunutan ko ito eh!
biglang bumukas ang pinto at pumasok na yung prof namin kaya't napaayos na kami ng upo at tinutok muli ang atensyon sa harap
So he's a Casanova? manloloko? babaero?
now I find a reason to stay away from that man...
I will definitely avoid that bastard
~~~~~~~~~~~~~~~~~
"F*ck" hindi ko mapigilang mapamura sa inis
paano ba naman, kakasabi ko lang na iiwasan ko na ang Draven na iyon but look at me now, naglalakad papunta sa classroom nila, that f*cking professor of us just made me bring this books to him
sabi ni Sir ito daw iyong mga librong hiniram nito kay Draven at balak niyang isauli, pero uuwi na si Sir at hindi parin pumupunta si Draven sakanya dahil may klase pa daw ito, so he decided to bring it to him instead, at ginawa niya pa akong delivery girl
Arrghhhh I hate him!
nahihirapang kumatok ako sa pinto ng classroom nila dahil sa pitong mga librong bitbit ko at hindi rin naman nagtagal ay bumukas iyon at niluwa ang prof nila na may hawak pang whiteboard marker
"Miss Verillo what brings you here?" tanong nito na puno ng pagtataka
paano ba namang hindi siya magtataka, napakalayo ng Psychology Department sa I.T. Department na Building nang Draven na iyon. Didn't I mention? He's taking Information and Technology Course, atleast now you know.
"I'm looking for Mr.Zenzus" I just plainly said
binigyan naman niya ako ng hindi makapaniwalang tingin, okey? this prof is weird
"So napabilang ka narin pala sa mga babae niya Miss Verillo?" nanghihinayang nitong saad kaya't nanlaki ang mata ko sa gulat
"Wait? What?! I'm not....." hindi ko na natuloy pa ang balak kong pagpapaliwanag nang bumalik ito sa harap ng klase at tinawag si Zenzus
"Mr.Zenzus, Ms.Verillo is looking for you" saad nito, napabuntong hininga nalang ako, I hate the way that professor look at me, parang sobrang nanghihinayang siya at naaawa sakin
I am not one of Zenzus Girls, napag-utosan lang ako maghatid ng libro
nagulat ako ng biglang nagtayuan yung mga kaklase ni Zenzus at pumunta sa pinto at gulat na tinignan ako
"Siya nga"
"Pati ba naman si Andromeda nahulog din sa bitag ni Draven"
"Sayang naman"
"Haays type ko pa naman siya"
"Kawawa naman siya"
I can't help but to roll my eyes, sarap ipagsigawang hindi ako kasama sa mga babae ng babaerong iyon
simpleng estudyante lang naman ako na napag-utusan maghatid ng libro
"Excuse me classmates, She's mine" sabi ng pamilyar na boses na dahilan kaya't nagbigay daan ang mga kumpol ng mga estudyante at sa gitna nun ay nakita ko si Draven na napakalawak ng ngisi
sarap ingudngod ng mukha niya sa pader ng mawala yung ngisi niya na yan, dahil sakanya kaya kung ano-ano nang pinag-iisip ng mga tao sakin
naglakad na ito palapit sakin at masayang inakbayan ako
"Dahil pinuntahan mo ko, hindi na ako nagtatampo sayo, sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis, hindi ka talaga masaya kapag classhours na kasi magkakawalay tayo, tignan mo pumunta ka pa dito kasi namimiss mo na ako" masaya nitong turan
hindi naman ako makaangal sa pagkakaakbay niya dahil sa mga bitbit ko kaya ang ginawa ko ay malakas na tinulak ko papunta sakanya yung mga librong bitbit ko kaya't natamaan siya sa tiyan
hindi ko napigilang mapangiti ng malawak ng makita ko ang itsura niyang namimilipit sa sakit
I feel satisfied!
tinapat ko na sa mukha niya yung mga libro dahil nangangalay na ako, napakunot-noo naman siya
Ang bigat kaya, pitong librong makakapal ito noh? tinaasan ko siya ng kilay nang hindi niya parin kunin iyon, ano walang balak?
"Pinapabigay ni Prof Santos" I said kaya't agad na kinuha na niya iyon sakin, matapos ay mabilis na akong umalis at bumalik sa room, kukunin ko pa yung bag ko para makauwi na ako
Gosh, I hate my life!