"You should smile often, you look beautiful with it"
"You should smile often, you look beautiful with it"
"You should smile often, you look beautiful with it"
Gabing-gabi na at kanina pa ako nakauwi ng bahay pero hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi sakin nung lalaking iyon
it's the first time that someone told me I look beautiful whenever I smile...
syempre paano nga naman sasabihing maganda ako kapag nakangiti eh hindi naman ako laging ngumingiti, I always looks so serious and irritated kaya't hindi ko alam kung ano ang sumanib sakin kanina at ngumiti ako sa harap pa mismo ng lalaking iyon
pinilig ko nalang ang ulo ko upang alisin ang isiping iyon
Stop thinking about him, that guy is a jerk!
Inhale, Exhale, Inhale....
you should smile often....
Exhale.....
you look beautiful with it....
F*ck it! I'm outta here
mabilis na lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina, I need a break
hindi ko naubos yung pagkain ko kanina dahil sa lalaking iyon, matapos niya kasing sabihin iyon ay agad akong tumayo, kinuha yung tinake-out kong pagkain na pasalubong ko kay Cass at naglakad palabas ng Jollibee
narinig ko pang tinawag niya ako pero nagdirediretso na ako at pumara ng taxi
hindi man ako pamilyar sa naramdaman ko nung sabihin niya ang mga katagang iyon ngunit alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan niyon kaya't umalis ako agad
nagtuloy-tuloy lang ako sa dirty kitchen at bahagyang napaatras sa gulat nang makitang may tao doon, I never expected to see someone this late at night
"Lady Andromeda, magandang gabi po" bati ng chef ng mansion na ito at yumuko sa harap ko
"May gusto po ba kayong kainin? sabihin niyo lang po at ipaghahanda ko kayo" alok nito, napa-isip naman ako
ano nga ba ang gusto kong kainin at pumunta ako dito?
"I want some lasagna and milk, I will just wait in the Living Room" nasabi ko nalang at lumabas na ng dirty kitchen
dumiretso ako sa living room at binagsak ang sarili sa sofa tsaka pinikit ang mga mata
walang pang ilang minuto akong nakahiga ay agad na narinig ko ang mga yapak ng kung sino kaya't napaayos ako ng upo
nilapag naman ng Chef yung lasagna at milk ko sa coffee table sa harap ko at nagbow, tinanguan ko naman ito bago siya umalis
binuksan ko yung T.V. at walang tigil na paglilipat ng channel ang ginawa ko dahil wala akong makitang magandang palabas
napabuntong hininga nalang ako bago lumapit sa T.V. nagbabakasakaling may makitang CDs na pwedeng mapanuod, may nakita naman akong U.S.B. sa may tapat ng T.V. kaya't agad na sinaksak ko iyon doon
bumalik ako sa pagkakaupo at kinuha yung remote tsaka tinignan ang nilalaman ng U.S.B., and I smiled triumphantly nang makakita ng mga Movies doon
agad na pinili ko yung Monster Inc. at masayang pinanuod iyon habang kumakain
~~~~~~~~~~~~~~~
hihikab hikab na tinahak ko ang mahabang hallway papunta sa next class ko, sh*t inaantok ako
late na late na ako nakatulog kagabi dahil natuwa ako sa panunuod, biruin mo ba naman kasi nakita ko ang lahat ng series ng Harry Potter doon, and everybody knows that It is a Must Watch movies so hindi ako natulog hanggat hindi ko natatapos ang lahat ng iyon...
pagkarating ng classroom ay mabilis na pinuntahan ko ang seat ko at umubob sa lamesa ko, I'm so sleepy and even though I don't want to, hindi ko namalayang nakatulog na ako
"Miss Verillo? Miss Verillo?" agad na napabangon ako nang marinig ko na may tumatawag saakin
"It's the first time that you sleep in my class, care to explain?" mahinahong saad ni Miss Dinah bago ako nito nginitian
"late lang akong nakatulog kagabi, Sorry... It won't happen again" I explained blankly na kung pakikinggan parang hindi ako sincere sa pagsosorry ko, Well I'm really not sorry tho
"Okey, I understand. You can sleep in my class for today tutal alam ko naman na mas advance ka na at nauuna pa yung nalalaman mo kesa sa tinuturo ko so I'll let it pass for today, just for today Miss Verillo, okey?" napatango-tango naman ako at nagpasalamat sa guro bago muling umubob sa lamesa
thank goodness at may mabait akong prof.
~~~~~~~~~~~~~~~
Naglakad na ako palabas ng Classroom, The Bell just rang indicating na uwian na, kailangang kailangan ko nang makauwi, Namimiss ko na yung kama ko
ngunit pasakay palang ako ng elevator nang may maaninag akong pamilyar na pigura na papasok ng isang classroom kaya't imbes na bumaba ay sinundan ko iyon
nang makarating sa tapat ng classroom ay agad na nakarinig ako ng mahihinang ungol kaya't nagtataka akong sumilip sa maliit na awang ng pinto
at halos malaglag ang panga ko nang makasaksi ng isang nakakadiring eksena
There's a woman na nakasandig sa whiteboard habang hinahalikan ito ng isang lalaki..... The same guy na nakilala ko kahapon
yuck, PDA masyado! kailangan sa school talaga gawin yan?
tss may girlfriend na pala siya, nagawa niya pa akong kausapin kahapon na parang wala
if I were her girlfriend at nalaman kong may iba siyang babaeng sinasabihang maganda it will totally break my heart kaya buti nalang talaga ay hindi
mabilis na nilisan ko ang lugar at naglakad na parang walang nangyari
pagkalabas ko ng Gate ng L.A., papara palang sana ako ng taxi ng may humintong limousine sa tapat ko kaya't napakunot ang noo ko
bumukas yung bintana sa may backseat ng sasakyan and there I saw my father
"Get in" seryoso nitong saad
hindi ko mapigilang mainis sa way ng pag-uutos niya sakin
ang lakas talaga ng loob niya
may gana talaga siyang utos-utosan ako, hindi ba kakapalan ng mukha iyon?
masamang titig lang ang sinukli ko sakanya bago naglakad palayo sa sasakyan niya
bigla namang may humawak sa braso ko na nagpahinto sakin sa paglalakad kaya't sinamaan ko ng tingin ang lapastangan na iyon
"if it isn't my father!" I sarcastically said to myself
"I said get in the car" galit na nitong saad na mas lalong nagpatindi rin ng galit ko
"pwede ba!? sinunod ko na ang gusto mong tumira ako sa bahay mo! you don't have any rights para utos-utosan ako, kapag ayaw ko, ayaw ko!" galit kong saad dito
"I have every bit of right! I am your father!" mahina ngunit may diin nitong pahayag
wow! so alam niya palang tatay ko siya?
"Wow, I never knew na alam mong may anak ka pala, you should've known that bago mo ko kami iniwan" sabi ko dito habang pumapalakpak pa
puno ng hinanakit kong pinakatitigan siya, Every part of him make me feel so furious
"Stop it Andromeda at pumasok ka na sa kotse, Let's go home" sabi nito with finality in his voice
I bit my lip to stop myself from crying, nagbabadya na naman ang mga luha ko, kung iiyak man ako, I will never let this man infront of me to see it.... I will never let him see me weak and fragile, because that's the little girl he once leave.... hindi na ako yung batang iiyakan siya kapag iniwan niya ako, because that little girl was long gone.
"It's your home, not mine. for me it's just a crapped house that I was forced to live into" sinabi ko bago mabilis na pumara ng taxi at pumasok dito, narinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko pero binalewala ko lang iyon dahil unti-unti nang nagsipag-patakan ang mga luha ko at hindi ko na mapigilan pa iyon