"Where have you been? gabing gabi na? uwi ba iyan ng matinong babae?" galit na saad ni Daddy pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at binitawan ang hawak na dyaryo saka pumunta sa harap ko "Hindi mo ba alam kung anong oras na? pinatawagan kita sa kapatid mo ah, hindi mo raw sinasagot, laging out of reach" sabi pa nito I just rolled my eyes, paano niya ako matatawagan, nagpalit na ako ng sim kahapon lang. everytime kasi na nalalaman kong alam na nila yung number ko ay mabilis pa sa segundo kung palitan ko ang sim ko, ayokong dinidistorbo nila ako, sure naman akong walang kwenta yung dahilan nila kung bakit nila ako tatawagan o itetext eh balak ko sanang lagpasan nalang siya katulad ng lagi kong ginagawa ngunit hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay l

