Muling dumaloy ang luha sa mga mata ni Dianne habang dinadama ng kamay niya ang puntod ng ina. "I thought I'm strong enough for this, Ma. Akala ko matagal ko nang nai-proseso ang sarili ko sa pagdating nang araw na 'to. In-advance ko na nga 'yung pagluluksa ko noon, eh," aniya kasabay ng pagguhit ng mapait na ngiti sa kanyang pisngi. "Pero tama pala si Janred. Akala ko lang pala na okay na ako. Hindi ko pala talaga basta matatakasan ito. I'm sorry, Ma, naging masama po akong anak sa inyo. Nag-pakaduwag po ako. Mas pinili kong lumayo at sarilinin ang sakit. Akala ko kasi iyon ang best thing to do," hilam na ang mga mata niya sa pinaghalong luha at tubig ulan kaya pilit niya tinutuyo ng likod ng palad niya ang mga luha niya. "Akala ko may chance pa ako, eh. Kasi sabi mo okay ka na," parang s

