Lalong sumama ang mukha ni Dianne. So, iyon pala ang dahilan. Kaya naman pala todo ang pag-aalala sa kanya ni Janred, inaalala lang pala nito ang bilin ng Papa Kiko niya. "Huwag mo nang alalahanin kung ano man ang naipangako mo kay Papa Kiko. Kaya ko na ang sarili ko," walang emosyong sabi niya. Napakunot ang noo ni Janred. "Ano na naman ba ang problema? Bakit bumalik na naman tayo sa dati?" seryoso ang mukha ni Janred habang nakatitig sa kanya. Hindi magawang salubungin ni Dianne ang tingin ng binata kaya nagbaba siya ng paningin. "Dianne ano ba talagang problema mo?" muling tanong nito nang hindi siya umimik. "Ang punto ko lang naman, wala kang obligasyon sa akin. Hindi mo kailangang magpaka-kuya sa akin dahil hindi ko kailangan ng kapatid," mariing sabi niya na noo'y sinalubong na an

