Napaawang ang mga labi ni Dianne. "Why? Hindi ba siya ang nag-utos sa'yo na bantayan ako?" tanong niya. "Iba na kasi ang sitwasyon natin ngayon, baka nag-aalala lang siya baka kung ano ang gawin mo sa akin," natatawang sabi ng binata. Hindi na nagtanong si Dianne dahil gets na niya kung ano ang ibig sabihin ni Janred sa biro niyang 'yon. "Uuwi na pala ko," nangingiting sabi ni Dianne atsaka siya tumayo. "Hindi mo ba ako babantayan? Hindi mo man lang ba sisiguraduhin na wala nga akong babaeng kausap?" nangingiting sabi ni Janred. Biglang natigilan si Dianne at napasulyap sa kanya. "Do what you want," sabi niya atsaka siya naglakad papunta sa pinto. Pero mukhang maling salita ang nagamit niya dahil agad siyang hinabol ni Janred atsaka ito humarang sa pinto. "Ano?" nanlalaki ang matang

