CLAIRE POV "Come on, ihahatid kita doon," he said. Tumayo na lang din ako at wala nang nagawa sa pa kung di ang sumunod sa gusto niyang mangyari. Pumunta na kaming dalawa sa resting room ng mga employees. Malaki naman ang room na ito at masasabi ko na malaki rin ang room na ito. May ilan ngang mga tao sa loob at ang iba rin sa kanila ay natutulog. "Mayroon pang mga bakanteng higaan. Pwede ka munang matulog dito o makipag usap sa iba. I will just return to the office. But if you need anything from me, then I am just one call away," sabi niya. Sobrang sweet lang ng ngiti sa akin ni Alex, "Okay thank you din sayo!" sagot ko. Nag ngitian kaming dalawa hanggang sa bigla na lamang nag ring ang kanyang cellphone, dahilan upang mahinto ang aming usapan. "Please excuse me. Kailangan ko l

