CLAIRE POV "I know my questions does not make any sense to you. Pero wag naman sana humantong na daanin natin sa dahas yung galit na nararamdaman mo para sa kapatid mo. Because honestly speaking, sa bangungot ko kasi, tinutukan mo ng baril ang kapatid mo at pinagbabaril." "Hahaha!" ang halakhak niya pagkatapos kong magsalita. Nahiwagaan naman ako sa kanya kung bakit pa ito natatawa pagkatapos ng sinabi ko. Does it really mean na mayroon talaga siyang plano na kitilin ang buhay ng sarili niyang kapatid? "Teka lang? Narinig mo ba ang sarili mo? Bakit ka natatawa Alex? Totoo naman ang sinabi ko sayo, pinatay mo siya at sinunod mo naman ako!" Tumigil na siya kakatawa this time at naging seryoso ang kanyang mukha, "You know what, hindi ko alam na ganyan na pala ka lalim ang bangungot mo.

