CLAIRE POV Napangisi ako, "Oo naman, malabong malabo ko itong gawin kaya wag kang mag alala." "Anyway if there is nothing left for us to discuss, pwede ka na ulit bumaba. Pwede kang manood muna ng kahit anong gusto mong laro. Or you can take a nap inside my office kung naantok ka. Later, mayroon kaming little program dito para ma entertain ang mga tao. Although mamaya pa yun before lunch." "Pwede bang malaman kung anong klaseng event ito?" "Lahat ng mga nakita mo kaninang staff, magkakaroon lang sila ng kaunting sayaw para sa mga manlalaro namin. Tapos may mga makikita ka rin na mag mamagic mamaya. Para naman mas ma enganyo pa ang mga tao dito. May mga nag iimbita na nga ng ibang mga clients eh. At kung sino ang mayroong mga mararaming invites, mayroon silang mga free chips. Kaya naman

