INilibot ko ang paningin sa aking paligid. Nasa Magikos Capital na kami. Madaming nagtataasang gusali at mga establishimento ng iba't ibang kainan. Madaming mga taong dumadaan at ganon din ang mga sasakyan. Napaupo ako sa gilid at napasandal sa matigas na pader. Hinayaan ko lang na nakahiga ang dalawang lalaki sa semento. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang malay at kapag gumising sila paniguradong wala pa rin sila sa kanilang sarili. Iginala ko ang aking mata. Baka sakaling makita sina Fhana at Drake ngunit bigo akong ibalik ang tingin sa mukha ni Kyrios na mahimbing na natutulog at walang malay. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao dahil mukha kaming nga pulubi dito sa gilid ng daan. "Ore" Isang maliit na tuta na may kulay puting balahibo na kawangis ng lion ang sumulpot sa

