NApako ako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang aking matang napatingin sa lalaking nakahiga sa loob ng rectangular glass. Para iyong kabaong dahil ang nakahiga doon ay wala ng buhay. Hindi makapaniwalang napatingin ko kay Chesca. She looks so calm. Para bang hindi isang bangkay ang kaniyang tinititigan ngayon. "You killed him" sabi niya sa akin habang mariin na nakatitig pa rin sa bangkay na hindi na makilala ang mukha dahil natuyot na ito. That corpse looks familiar. Ganyan ang nagyayari sa mga taong napapatay ko. "I killed him?" Tanong ko kay Chesca. Napatingin sa akin si Chesca. Poot, galit at pagkamuhi ang mababasa mo sa kaniyang mga mata. "Oo. Pinatay mo ang nag iisang pamilya na meron ako" galit na saad ni Chesca sa akin. "Hindi ko alam. Paano? Kailan? Hindi ko natatand

