NApapitlag ako ng sundutin ni Nikishi ang pisngi ko. Napalingon ako sa kaniya.
"Are you listening to me? You seem distracted" Nag aalalang wika ni Nikishi kaya naman umiling agad ako.
"Okay, as you can see they are consist of six members. Fhana Dianne Lock, the one with the girly vibes. She's sitting next to the boy in her left Fenrell Lock her cousin. Beside Fenrell lock is Reiko Brue then Phoebe Lyn Iyde next to her is Georgina Hesh Granddaughter of Headmaster and last but not the least, the famous Kyrios Alexo Grio. You know Kyrios is very attractive, every girl drool over him. He's a snob though"
Napatitig naman ulit ako kay Kyrios. He's indeed intimidating. Hindi nakatulong ang angkin niyang kagwapuhan para takpan ang kaniyang nakakaintimidang presensya. Nagsusumigaw iyon sa kaniya.
"Anong tawag sa grupo nila?" tanong ko naman dito. Tumawa naman siya kaya napakunot ang noo ko.
"You're funny. They are just a group of friends. Well they are very powerful group of friends. Unbreakable they said. You know what's funny?"
Nakangising wika ni Nikishi na tila may interesanteng bagay siyang sasabihin.
"What?" Tanong ko dito..
"They smell love triangle" Natatawa nitong turan kaya kumunot ang noo ko.
"What do you mean?" Naguguluhang usal ko.
"Fhana has a crush on Kyrios since then but little did they know or they already know that Georgina is inlove with Kyrios. A love triangle indeed"
Tumango tango naman ako. Madami palang alam si Nikishi sa mga bagay-bagay sa paligid niya.
"Are you happy?" Tanong ko dito kasi kanina pa siya tumatawa at ngumingiti.
"Yes, I am. You know Reiko? I love him but let's keep it as a secret okay" Kita ko ang mumunting sulyap ni Nikishi sa grupo nila Kyrios.
"Anong feeling ng masaya?" tanong ko ulit sa kaniya at tila nagulat naman siya.
"Why are you asking?" balik na tanong nito sa akin kaya naman nagkibit balikat nalang ako.
"Well everything feels so light"
Ngumiti ako.
"How about when you are mad? What's the feeling?" interasadong tanong ko dito. Lalo naman nangunot ang noo niya.
"Gusto mong manakit kapag galit, nakakagalit lang naman kapag nasasaktan ka or may nananakit sa mga close friends mo eh"
Tumango naman ako and an idea pop out in my mind.
"Slap me" I said smiling.
"What? Are you crazy? No way" Usal ni Nikishi at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Diba sabi mo, nagagalit ang isang tao kapag nasasaktan sila" Tumango naman siya.
"Then slap me. Hard"
"Infront of these people? Are you sure? Don't be mad at me after this" wika niya.
"That's the poin--"
Hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil malakas na sinampal ni Nikishi ang aking pisnge. She slaped me hard. Hard enough to caught everyone's attention.
Napapikit si Nikishi. Hindi ko alam kung bakit.
Naramdaman ko ang kirot sa aking pisnge. Paniguradong namumula na ang aking pisnge ngayon.
"So embarassing" wika ni Nikishi habang nakatungo.
Halos lahat ng tao sa Cafeteria ay nakatingin parin sa aming lahat. Tila nag-aantay ng kasunod. Inilibot ko anh paningin ko at tama nga ako. Everyone's attention are on us.
They gasped when they saw my face. Napahawak naman ako sa aking pisnge ng wala sa sarili.
"Ouch" Usal ko dahil masakit ang pagkakasampal niya pero wala akong maramdaman na iba bukod sa sakit ng aking pisnge. Hindi ako manhid sa pisikal, tanging emosyonal lamang kaya hindi na nakakapagtaka na damang-dama ko ang hapdi ang aking pisnge.
"I'm sorry" Nakatungo parin na wika ni Nikishi. Tumayo ako at hinawakan ang kaniyang palapulsuhan.
"Don't worry. Let's go" Nagpatianod naman si Nikishi kaya mabilis kaming nakalabas ng Cafeteria.
Para namang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Nikishi ng makalabas kami.
"God! I almost died. I can still feel the deadly stares towards me. I swear I'll not gonna do that again. Wrong move. Wrong move" pagkakausap ni Nikishi sa kaniyang sarili habang pabalik kami sa dorm.
-----
Nagising ako ng may maramdaman akong malamig na bagay sa aking pisnge kaya naman napamulat ako.
Naalala ko na nag iwan nga pala ako ng icepack sa aking pisnge upang mawala ng pamumula nito. Kaya pala sumakit ang leeg ko dahil nakatabingi iyon buong gabi.
Kinuha ko ang towel ko at dumeretso na sa CR. Naabutan ko naman si Nikishi na nakaroba at bagong ligo na papasok na sakanyang kwarto. Ang aga niyang nagising.
Mga ilang minuto lang din ay natapos na ako sa aking pagligo at lumabas ng nakaroba at dumeretso sa aking kwarto bago nagbihis ng uniform. Opening of school day palang ngayon kaya kailang lahat ng estudyante ay nasa Gymnasium.
Dahil maaga pa dumeretso na kami sa may cafeteria upang magbreakfast. Nalaman ko din na 5-7 am ang breakfast. May time limit lagi dahil may nagkacut class para lang tumambay sa cafeteria at kumain. Bawal daw yon sabi ni Nikishi.
"Sorry about what happened yesterday night. Ikaw kasi" Nakasimangot na saad ni Nikishi.
"It's fine. I know it's my fault. Malakas kang sumampal" komento ko pa dito.
"Sira ka" Nakangiti niyang wika na tila natatawa pa.
"Fvck" Inis na saad ni Nikishi ng may bumunggo sa kaniya na halatang sinasadya naman.
"Back to school, back to old habit" Nangaasar na ngisi na sinabi ng isang babaeng hindi ko kilala.
"Ches Oh! May bago na palang kaibigan si Nikishi" umarte pa itong nalulungkot.
"Leave me alone Ches and Kim" naiinis na saad ni Nikishi
I see. Ches and Kim. Dating kaibigan ni Nikishi. They look nothing but a clown.
"Bad for you honey. You are my favorite toy"
Lumapit pa si Ches kay Nikishi at hinawakan ang buhok nito bago mahigpit na sinabunutan.
"Let go of her" I said firmly.
"Are you friends with her?" Tanong ni Kim. Tumango naman ako.
"Let go of her, find another one who's willing to be your toy" Sabi ko at hinawakan si Nikishi at hinila ito papalayo kay Ches.
"Who do you think you are!"
That's not a question.
Inirapan ko nalang sila bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
Umorder agad kami sa cafeteria ng makarating kami.
"Thanks" mahing wika ni Nikishi kaya tumango lang ako.
"Pasalamat nalang tayo at bawal gumamit ng magic sa school premises. Mabigat pa naman ang punishment para sa mga lalabag" wala sa sariling usal ni Nikishi.
Kaya pala nagtataka ako kanina kung bakit sabunot ang ginawa imbis na magpakawala ng mahika.
Napatingin naman kami ni Nikishi sa may entrance ng cafeteria dahil umingay bigla. And I saw the said powerful and umbreakable group of friends walking inside the cafeteria.
"Have you heard? Georgi and Kyrios are officially dating"
"What? Sila na? I though Fhana is head over heels kay Kyrios"
"Yeah, look at them. Kyrios is walking beside Georgi. Look at Fhana's annoyed expression. Confirmed"
"I never expected that"
"Chismis here, chismis there, chismis everywhere. Pati lovelife ng iba. Talaga naman" Nikishi said with irritated face.
"They look fine together" I said nonchalantly.
Biglang nag angat ng tingin si Nikishi sa akin bago tumawa.
"You think so?"
Kumunot ang noo ko. Anong problema niya?
"I don't think so" pahabol pa niyang saad.
"Just for me" sabi ko habang ngumunguya. Their pancake was delicious. I want more.
"Mas bagay kayo" Said Nikishi. I looked at her. She's serious.
"Yeah" walang pakealam na tugon ko dahil ang atensyon ko ay nasa pancake ko na paubos na.
Duon ko naman naramdaman na may dumaan sa may gilid namin. Nagulat pa nga si Nikishi dahil napatakip siya sa kaniyang bungaga.
Dumaan lang naman kasi sina Fhana kasama ang iba pang kabilang sa group of friends nila. Kita ko pa nga ang pagtingin ng grupo nila sa akin. Tila sinusuri ako at minumukaan kung saan nila ako nakita.
I stiffened when something touched or should I say something pinched my elbow. Kaya napatingin ako sa huling dumaan. It's kyrios. Napatingin ako sa kaniyang kamay. Inilagay niya na iyon sa loob ng bulsa ng pants niya.
Nagkibit balikat ako. Baka nadali lang. Ang init kasi ng kamay niya.
Wala akong suot na coat dahil ipinatong ko ito kanina sa may likod ng chair ko.
Ang uniform namin ay blouse na white with grey coat with white ribbon for the girls and necktie for the boys. Grey skirt with white linings sa bandang baba. Blackshoes and black kneesocks. Ito ang tumutukoy sa kung saang house kami. Iba-iba ang uniform namin.
Water elementalist. It is navy blue with baby blue linings. Baby blue ribbon/necktie. Same style different colors.
Earth elementalist. Brown with green linings. Green ribbon/necktie.
Fire elementalist. Black with red linings. Red necktie for the boys and red ribbon for the girls.
Same style. Different colors.
"Leggo" Wika ni Nikishi kaya naman wala sa sarilinh tumayo na ako at isinuot ang aking coat.
"Parang mga bubuyog" Iritadong sabi ni Nikishi dahil sa mga estudyanteng nagbubulungan tungkol sa relasyon ni Georgina at Kyrios.
"Paano nalang kaya kung maging kami ni Reiko. Edi lalo na dahil hindi katanggap tanggap. Nakakasura" Pagkausap nito sa kaniyang sarili kaya hindi na ako nagsalita pa.
Ito ang madalas kong napapansin sa kaniya simula kahapon. She's talkative and she likes talking to herself.
"Aish. Kung tusukin ko kaya mga mata nila. Kung makatingin sayo wagas di na nahiya. Ang kakapal. Lalo na yang mga babaeng insecure. Bakit kasi ang ganda mo? You look like a goddess actually" Sabi ni Nikishi.
"Let them be" saad ko dito para tumigil na siya sa pagkairita.
"I'm serious. How can you be so gorgeous? Are you a goddess? And look at your hair. So unique. No one can rival your appearance and when I say no one. NO ONE."
Nginitian ko nalang siya dahil sa mga papuring sinabi niya.
"Salamat" Saad ko dito.
Sinimangutan naman niya ako.
"Manhid ka talaga ano"
Tumango naman ako. Agad kaming naupo sa monoblocks na nakaayos sa loob ng gym. Sobrang laki pala talaga ng loob ng gym na ito. Hindi kami sa bleachers pinaupo dahil mahihirapan kaming harapin ang stage kaya dito nalang sa baba at naglagay nalang ng monoblocks.
"Good Day everyone, I am Draco Hesh the Headmaster of Royal Magian Academy"
Nagpalakpakan ang mga estudyante kaya nakipalakpak na rin ako.
"I am here to welcome all of you for the new start of being a student of RMA. For the freshmen and for the transferees. WELCOME TO ROYAL MAGIAN ACADEMY. SCHOOL FOR ALL MAGES AROUND MAGICAL WORLD"
Nagpalakpakan ulit ang lahat kaya ginaya ko sila. Umakyat naman ang isang babaeng mukhang mataray at strikta sa may entablado at pumalit sa Headmaster.
"Goodmorning everyone. I am Prof. Shery Rook. I am here to announce the new set of School Student Government here in RMA"
Lumapit sa akin si Nikishi na tila may ibubulong. Kaya inilapit ko din ang aking tenga.
"Just to inform you, The SSG is based on student's background. In this Academy, SSG is just consist of 4 persons" sabi ni Nikishi bago umirap at lumayo sa akin.
"Please proceed to the stage when we call on your name. For the Peace Officer we have Mr. REIKO BRUE"
Nagpalakpakan ang lahat at sinundan namin ng tingin ang tumayong si Reiko na seryoso ang mukha. Hindi mawari kung natutuwa ba siya o hindi.
"For the Secretary, Let's give around of applause to MS. FHANA DIANNE LOCK"
Tumayo si Fhana at kumaway kaway pa habang naglalakad papunta sa stage na tila natutuwa sa kaniyang posisyon.
"For the Vice President. Let's give a big round of applause to MS. GEORGINA HESH"
"Bias. Ugh I hate that" Nikishi said annoyed.
"For the PRESIDENT of SSG of RMA. Let's welcome the new PRESIDENT. MR. KYRIOS ALEXO GRIO"
Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat. Kinig ko rin ang tilian ng mga kababaihan. Hindi ko naman siya masisisi dahil siya ang gwapo sa lahat ng pinakagwapo. He's a god-like.
Natapos ang hiyawan ngunit hindi parin tumatayo si Kyrios kaya naman tumayo na ang headmaster at inagaw ang mic kay Ms. Rook.
"MR. KYRIOS ALEXO GRIO PROCEED TO THE STAGE NOW"
Ilang minuto ang lumipas ng tumayo si Kyrios. Nagkaroon tuloy ng maingay na bulung-bulungan ang gymnasium.
Nang makaakyat si Kyrios ay agad niyang nilapitan ang headmaster at may tila sinasabi ito ngunit hindi namin dinig.
Kitang-kita ko ang madilim na awra ni Kyrios.
"Ayaw niya Haia" Bulong sa akin ni Nikishi.
"Why?" Tanong ko dito.
"Being SSG president is not a good idea. Madami pa namang pasaway sa Academy na ito" pagpapaliwanag niya.
"I think it's a good idea of him being SSG president. He can easily tame those bitchy girls around and those delinquents boys are obviously afraid of him because of his mere presence. Not that bad" wika ko naman. Pumalakpak naman si Nikishi kaya napatingin ako sa kaniya.
"Wow. I never thought that your mind works perfectly. How can you be so perfect?"
"No I'm not"