NANGHIHINA si Clarissa pagdating niya sa bahay ng kaibigan siguro dahil sa pagod kaya inasikaso siya ni Monica.Nasa kusina sila dahil katatapos lang ng mag pinsan kumain at nagtira naman ng pagkain para sa kanya si Monica.Pumasok narin sa silid nito ang pinsan ng kaibigan.
"Hindi mo naman kasi sinabing maghahanap ka ng trabaho edi sana sinamahan na kita"ani ni Monica habang nagpapainit ng gatas.
"Kaya nga hindi ko na sinabi sayo para hindi mo na ako masamahan"
"Paano kung may nangyari sayong masama?naku girl dobleng ingat lang ha?
"Okay lang naman ako..salamat sa pag aalala"
"Huwag kang mag-alala baka may bakanteng pwesto si Nanette sa Salon"ani ni Monica sabay nilagay sa baso ang gatas at nilapag sa harap niya.
"Thank you"aniya sabay inom ng gatas.
"Sige na ubusin mo na ang pagkain mo para makapag pahinga na tayo"
Tumango lang siya sa kaibigan at kumain na dahil hindi siya gaanong magana kumain kaya mabilis lang siya natapos at si Monica na ang naghugas ng pinagkainan niya siya naman at nauna na sa loob para magpalit ng damit dahil pinahiram naman siya ni Monica ng damit na pwede niyang gamitin pansamantala.
Hindi nagtagal pumasok na rin sa kwarto ang kaibigan at ngumiti sa kanya.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?tanong nito sa kanya.
"OO okay na ako"saka umupo sa tabi ni Monica"Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo sa akin Monica,hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan pero hindi ako magsasawang sabihin salamat sayo"
"Sus nagdrama ka na naman..hula ko iyakin yang anak mo"biro ni Monica.
Ngumiti siya sa kaibigan saka ginagap ang kamay nito"kapag makahanap ako ng trabaho aalis din ako dito"
"Bakit?hindi naman kita pinapaalis saka ang luwag ng bahay para sa ating tatlo"
"Alam ko...pero Monica ayokong palaging umaasa sa tulong ng iba o sa tulong mo gusto kong matutunan kung paanong mabuhay na mag isa,yung ako ang gumagawa ng paraan para makakain ako,dahil gusto ko matatag ako at matibay sa lahat ng pagsubok paglabas ng anak ko"aniya.
"Clarissa may konsensya naman ako kung hahayaan lang kita mag isa sa kabila ng kalagayan mo"
"Hayaan mo kapag hindi ko na kaya sayo ako hihingi ng tulong saka hindi pa naman ngayon kapag nakahanap na ako ng trabaho na maaari kong pagkakitaan"
"Sige hahayaan na kita dahil magiging nanay ka na hindi magtatagal at nauunawaan ko ang punto mo basta kapag kailangan mo ng tulong dito lang ako okay?
"Thank you Monica ang swerte ko na may kaibigan akong katulad mo"ngiti niyang wika.
"Kasi mabait ka rin Clarissa,matulungin,maawain saka mapagmahal na tao"
Nagyakapan sila bago nagpasyang matulog dahil may pasok pa ang kaibigan bukas at siya naman ay sasama sa salon kung saan nagta trabaho ang pinsan nito para magtanong kung may bakanteng pwesto para sa kanya.
KINABUKASAN pag gising ni Clarissa ay nakaramdam siya ng paghilo kaya hinilot hilot muna niya ang kanyang sintido,nilingon niya ang kaibigan at tulog parin ito.Dahan dahan siyang bumaba sa kama dahil magkatabi silang matulog ng kaibigan pagtayo niya ay bigla nalang siyang bumagsak.
"N-Nanang"aniya bago tuluyang nawalan ng malay.
"Clarissa!?gulat na wika ni Monica ng makitang biglang bumagsak ang kaibigan.
"Diyos ko!aniya saka dinaluhan si Clarissa.
Pumasok na rin sa kwarto ang pinsan niya na malamang narinig nito ang sigaw niya.
"Neth pakitulungan ako"
"Anong nangyari?tanong nito sabay lumapit sa kanila.
"Biglang bumagsak eh baka dahil nagdadalantao siya"sagot niya sa pinsan.
"Tayo na dalhin natin sa hospital"ani ni Nanette sabay alalayan sana si Clarissa pero umungol ito.
"Hmmm"mahinang ungol ni Clarissa.
"Clarissa ayos ka na ba?gising?ani ni Monica.
Unti unti ng nagkakamalay si Clarissa atsaka dahan dahang nagmulat ng mga mata.
"M-Monica?mahina nitong wika.
"Okay ka na ba Clarissa kumusta na ang pakiramdam mo?ani ng kaibigan.
"Aaahh!daing niya sabay hawak ng kanyang sintido.
"Huwag mong piliting kumilos kung hindi mo kaya Clarissa"ani naman ni Nanette.
"Halika magpahinga ka na muna dito at huwag kang aalis ng bahay ngayong araw"ani ni Monica saka pinagtulungan nilang alalayan ang dalaga upang ihiga sa kama.
"S-salamat sa inyong dalawa"mangiyak ngiyak niyang wika dahil naalala niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang Nanang.
"O huwag kang umiyak sabi nakakadagdag yan sa nararamdaman mo ngayon eh"ani ni Monica.
"Naalala ko lang kasi ang pamilya ko lalo na si Nanang"aniyang parang batang nagsusumbong.
Nagkatinginan sila ni Nanette at naaawa din naman sila kay Clarissa lalo na ngayon sa kalagayan nito kahit dito sila mas kailangan nito ang pag aruga ng pamilya.
"Gusto mo bang pupunta ako sa inyo para sabihing nandito ka sa akin?ani ni Monica.
"H-hindi!huwag na Monica baka madamay ka pa sa galit ni Tatang"
"Malay natin nagbago na ang isip ng Tatang mo at hihintayin ka lang bumalik sa inyo"
"Sa tingin mo tama kayang subukan kong umuwi sa amin?tanong niya.
"Okay lang naman subukan mo baka tatanggapin ka na ng Tatang mo"
Natahimik siya dahil natatakot parin siyang umuwi baka hanggang ngayon galit pa rin ang Tatang niya sa kanya.
"Sasamahan kita para kahit anong mangyari may kasama ka"ani ni Monica.
"Sama na rin ako insan"ani ni Nanette.
Kahit naiiyak na siya ay ngumiti pa rin siya sa dalawa dahil ramdam niya kung gaano nag alala ang mga ito sa kanya.Kumain muna sila ng agahan ilang minuto pa ay tapos narin sila kumain at naghanda na upang pumunta sa bahay ni Clarissa.
Nasa labas na sila ng gate para mag abang ng taxi habang nagkukwentuhan sila ng kung ano ano.Nahagip ng mga mata ni Clarissa ang kotse sa di kalayuan at ito din ang kotseng nakita niya kagabi na gumala din dito sa isip niya sino kaya ang inaabangan ng tao sa kotse?Hindi nalang niya pinansin malay ba niyang kotse ng kapitbahay ng kaibigan.
Ilang sandaling paghihintay ay nakasakay narin sila ng taxi sa wakas,habang patungo sa kanilang lugar ay nahagip niya ulit ang kotse na kanina lang doon nakapark sa lugar ng kaibigan pero ngayon ito na naman,hindi kaya sinusundan sila?pero sino sa kanila?si Monica?si Nanette o siya?Bigla tuloy siya kinabahan ng hindi niya alam kaya napapahawak siya sa kamay ng kaibigan.
"Bakit Clarissa?ani ni Monica.
"Ahm wala kinakabahan lang ako"aniya.
"Huwag kang mag alala nandito naman kami"
Tumango lang siya sa kaibigan sabay tumingin sa salamin ng kotse at nakabuntot parin ang kotse sa likuran nila.
Pagdating sa kanilang lugar ay pinagtitinginan sila ng mga tao doon pagbaba pa lang nila sa taxi malamang siya lang dahil wala namang ginawa ang dalawa pero wala siyang pakialam,kaya lumakad na sila patungo sa kanilang bahay.
"Okay ka lang girl?tanong ni Monica.
"Okay lang ako Monica"
"Huwag mong pansinin ang mga taong mapanghusga baka mas malala pa sayo ang ginawang kasalanan ng mga yan"ani ni Monica.
Tumango nalang siya sa kaibigan..mas matanda siya pero mas matanda kung umasta si Monica saka napaka open minded pa.
Pagdating nila sa kanilang bahay ay kumatok siya ng ilang beses bago siya pinagbuksan.Ang Nanang niya ang nagbukas ng pinto kaya nagagalak siyang mayakap ito.
"Nanang?
"Clarissa anak?
Yayakapin na sana niya ang Ina pero biglang sumulpot ss likod ang kanyang ama.
"T-Tatang?aniya.
"Anong ginagawa ng babaeng yan dito?matigas na wika ng ama.
"Carlito.."
"Umalis ka na dahil hindi ka namin kilala!
"Tang maawa na po kayo sa akin tanggapin nyo na po ako Tatang"pagmamakaawa niya.
"Maritess isara ang pinto ngayon na!
"Pero Carlito.."
"Sinabi kong isara ang pinto hindi ba!?
"Mang Carlito maawa na po kayo sa kaibigan ko ngayon niya po kayo kailangan dahil sa kalagayan niya"singit na wika ni Monica.
"Aba!talaga?inutusan ko bang magpagamit sa lalakeng kakilala pa lang niya?
"Carlito tama na"ani ng Ina.
"Umalis ka na kung ayaw mong sabuyan kita ng kumukulong mantika!
"Tatang parang awa nyo na po maawa na po kayo sa akin Tang kailangan ko po kayo Tatang,Nanang"umiiyak niyang wika.
"Matigas ka ha at ayaw mo pang umalis,maghintay ka kung anong gagawin ko sayo Clarissa!ani ng ama sabay pumasok ulit sa loob ng bahay.
"Nanang..."
"Anak sige na umalis ka na baka totohanin ng Tatang mo ang banta niya sige na anak"ani ng Inang nag aalala din sa kanya.
"Nang"aniya saka niyakap ang kanyang Ina.
"Sige na ayos na akong malaman nasa mabuti kang kalagayan..sige na umalis na kayo"ani ng Ina sabay may nilagay ito sa kamay niya.
Saka pinagtulakan na siya nitong umalis,wala na siyang magawa kundi ang muling lisanin ang bahay nila kasama ang mag pinsan na wala ring nagawa ang mga ito.Bago tuluyang umalis ay nilingon pa ang Ina at nakita niyang ginapos ng Ina ang kanyang ama malamang gusto siya nito saktan.Umiyak siya habang nagkalakad sila ng mga kaibigan sa isiping kinamumuhian talaga siya ng kanyang ama.
"Sorry Clarissa dahil sa akin nasaktan ka na naman dahil sa pagtanggi ng Tatang mo"ani ni Monica.
"Hindi na yata ako matatanggap ng Tatang ko Monica"aniya dito sabay tiningnan kung anong nasa kamay niya.
At pera pala yon na mabilis naibigay ng kanyang Ina sa kanya.
"Hindi magtatagal matatanggap ka rin ng ama mo huwag ka lang sumuko"
Sasagot na sana siya ng may biglang huminto na kotse sa harapan nila tuloy napapahawak sila ng kamay sa isa't isa dahil bumaba ang lalakeng sa frontseat at buong akala nila dudukutin sila pero pinagbuksan pala nito ang...
"Tita Isabel?gulat niyang wika dahil ito rin ang kotse kanina niya pa napapansin sumusunod sa kanila.
"Ako nga to Clarissa natakot ba kita?
Tumingin siya sa magpinsan at nakita niyang marahil nagtataka ang mga ito kung sino ang ginang.
"H-hindi naman po Tita..bakit po pala kayo nandito?
"Sumakay na muna kayo"ani ni Doña Isabel.
"Ho naku huwag na po makakaabala pa kami sa lakad nyo"tanggi niya.
"Wala naman akong lakad ikaw talaga ang sadya ko Clarissa"
Nagkatinginan silang tatlo saka tumingin siya sa ginang"ako po bakit po Tita Isabel?
Bumaba ito saka lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay sabay lumakad pabalik sa kotse.
"Sumunod na kayong dalawa"anito sa mga kaibigan niya.
Kaya na rin silang nagawa kundi ang sumunod sa dalawa.Magkatabi umupo ang mag pinsan,sila naman ni Tita Isabel ang magkatabi at panay ang lingon niya sa ginang habang tumatakbo ang kotse.
"Clarissa sino ang pangalan ng mga kaibigan mo?tanong nito sa kanya.
"Siya pa si Monica yung sa likod nyo at yung katabi niya si Nanette po pinsan niya"aniya dito.
"Please to meet you ladies"ani ng ginang.
"Kami din po Ma'am"wika ni Monica.
"Clarissa maaari ba akong sumama sa inyo?
"Po?nagtataka niyang wika"Um uuwi na po kami sa bahay ng kaibigan kong si Monica Tita Isabel"
"Doon nga"anito.
Lumingon siya sa kaibigan at nagkibit balikat lang ito saka tumingin ulit sa Tita niya.
"Paano nyo po nalaman?
"Sinusundan kita kagabi pag uwi mo at nagtataka ako kung bakit hindi ka umuwi sa pamilya mo at ngayon nakita kong mukhang galit na galit sayo ang Tatang Carlito mo..bakit Clarissa?
Hindi na siya nagulat sa sinabi nito dahil nahalata naman niyang sinusundan siya ng kung sino at hindi niya alam na si Tita Isabel pala yon.
"Nakagawa po kasi ako ng kasalanan kaya nagalit si Tatang sa akin"mahina niyang wika.
"Sapat bang dahilan para pagalitan ka?
"Siguro po Tita dahil pangalan po nila ang nalagay ko sa kahihiyan"
"Paano pa kaya kung ang mga magulang mo ay nasa kalagayan ko noon?Noong namatay ang anak ko dahil sa katangahan ng isang kaibigan Clarissa!mahina pero madiin ang pagkasabi nito.
Napalunok siya at hindi nakasagot hanggang sa dumating sila sa bahay ng kaibigan.
"Pasensya na po kayo sa bahay namin Ma'am"hinging paumanhin ni Monica.
"Okay lang hija hindi naman bahay mo ang pinunta ko dito kundi ang kaibigan mo"anito sabay matalim tumingin sa kanya.
Nag iwas siya ng tingin at kinakabahan kung anong pwedeng gawin sa kanya ng Ina ng kaibigan noon.Tahimik siya habang sumunod sa kaibigan at kasabay din ang Tita Isabel niya.
Pagkaupo nito sa sofa ay kaagad tinanong ni Monica kung anong gusto nitong kainin pero tumanggi ito at gusto raw siyang makausap ng masinsinan kaya iniwan na sila ng magpinsan.
Ng sila nalang dalawa sa sala ay tahimik lang siya at hinintay magsalita ang ginang.
"Kumusta ang buhay mo Clarissa?
"M-mabuti naman po Tita"
"Mabuti lang wala ka ng sasabihin iba?
"Ahm ano po hindi ako nakapagtapos ng pag aaral ko dahil hindi kami kayang papag aralin ng sabay ng mga magulang ko"
"Tapos?
"Ano nagtrabaho po ako dati sa department store ng mga Fuentabella at pinag aral ko po ang bunso kong kapatid si Brian"
"Ang mga magulang mo?
"Si Nanang po labandera ng Fuentabella sa Mansion noon pero ngayon hindi na po at si Tatang sa bukirin din ng mga ito nagtrabaho"
"Tapos bakit ka nandito sa ibang tao at wala sa pamilya mo?
"Ahm..yon nga po nakagawa ako ng kasalanan na kinagalit ni Tatang sa akin"
"At pinalayas ka ganon ba?
"Opo"aniya.
"Nagtatrabaho ka pa ngayon?
"Hindi na po kasi tinanggal ako sa trabaho ko"
"Gusto mo ba ng trabaho?
Napatingin siya agad sa ginang sa sinabi nito at inaasahan niya sana hindi ito nagbibiro.
"Seryoso po ba kayo Tita Isabel?
"Yes!kung gusto mo isama kita sa bahay namin ngayon din"
"A-anong trabaho po Tita?
"Malalaman mo kapag sasama ka sa akin"
"Hindi po ba ako pwedeng tumanggi muna ngayon?
"Ngayon lang ako mag o-offer ng trabaho bukas hindi na"seryoso nitong sagot.
Natahimik siya at sa isip niya sayang kung hindi niya tatanggapin at mahirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon.Isa pa trabaho ang kailangan niya dahil para sa kanila ng kanyang anak.
"Kung ayaw mo okay lang hindi naman ako namimilit"
"Tita magpapaalam po muna ako sa kaibigan ko"
"Okay go ahead"anito.
Tumayo siya at pinuntahan sa kwarto nito ang kaibigan.
"O Clarissa tapos na ba kayo mag usap?
"OO saka Monica may sasabihin sana ako sayo"aniya sa kaibigan.
"Ano yon?
"Inalok kasi ako ni Tita Isabel ng trabaho kaya tinanggap ko na pero kailangan kong sumama sa kanya para malaman kung anong trabaho ko"
"Ha?ganon talaga agad?hoy parang wala akong tiwala sa gurang na yan Clarissa"
"Ikaw naman mabait naman yon saka mukhang masungit lang pero kilala ko na siya noon pa"
"Ah basta parang walang gagawing matino ang itsura na yon eh"
"Monica kailangan ko ng trabaho ngayon para sa amin ng anak ko saka ang hirap kaya maghanap ng trabaho kaya pumayag ka na"
"Hmp!sige ikaw ang bahala!hay naku ewan ko masama ang kutob ko girl"
"Alam kong nag aalala ka lang sa akin kaya ka nagka ganyan pero nauna ko sila nakilala kaya malaki ang tiwala ko sa kanya"
"Yon pa ni hindi mo pa nga nasabi kung paano kayo nagkakilala nyan"
"Mahabang kwento saka ko na ikukwento kapag magkita tayo ulit okay?
"Sige basta mag ingat ka palagi at huwag mong pabayaan ang sarili mo saka kapag mabigat huwag ka ng magtrabaho at bumalik ka nalang dito okay?
"Opo dinaig mo pa ang Nanang ko sa sobrang pag aalala"ngiti niyang wika.
"Sympre friends kaya tayo"anito saka may kinuha sa bag nito"o eto para may magamit ka kung sakali"anito at nagbigay ng pera.
"Monica huwag na binigyan ako ng patago ni Nanang kanina"aniya sabay pinakita ang isang libo.
"Iba yung kay Nanang mo at ina naman yung sa akin"pamimilit ng kaibigan.
"Huwag na Monica may pera naman ako..ganito nalang pahiram ng damit mo saka maliit na bag para dalhin ko"
"O sige teka lang"anito saka kumuha ng damit,pantalon at hindi niya nagamit na mga undies at nilagay sa maliit na bagpack.
"Salamat Monica sa lahat ng naitulong mo sa akin"
"Bawas bawasan mo na nga yang kadramahan mo girl"
Niyakap niya ang kaibigan ng buong higpit at yumakap din naman ito sa kanya.
"Mag ingat ka doon ha saka huwag mo akong kalimutang itext o tawagan"
"OO naman kapag nag ka cellphone na ulit ako ikaw ang una una kong tatawagan"
"Ay oo nga pala wala ka pa nga palang cellphone,may extra cellphone ako dito pwede mo ng pagtiyagaan bumili ka nalang ng sim na gagamitin mo"
"Talaga?wow?salamat talaga hindi ko tatanggihan yan dahil importante eh"ngiti niya sa kaibigan.
Sabay na silang lumabas ng kwarto saka nagpaalam narin kay Nanette.
"Ready?ani ng ginang.
"Opo Tita Isabel"aniya.
"Okay let's go"anito sa kanya saka tumingin sa kaibigan niya"I'll go ahead Monica"ngiti nitong wika.
"Sige po huwag nyo pong kalimutan ang bahay namin kung sakaling hindi nyo magugustuhan kung paano magtrabaho ang bestfriend ko,ibalik po siya ng maayos Ma'am"ani ni Monica.
"Monica"mahina niyang wika.
"Don't worry hija tiyak na magugustuhan ko si Clarissa dahil kilala ko na siya noon pa"
"Sige po salamat po ulit"
Kumaway pa siya sa mag pinsan bago tuluyang sinara ang pinto ng kotse.Namimiss niya ang kaibigan ngayon pa lang,kaya napabuntong hininga siya.
"Are you okay Clarissa?
"Opo Tita okay lang po ako"
Tumango lang ito at hindi na nagsalita pa kaya tahimik narin siya hanggang sa dumating sila sa isang malaking bahay na sobrang taas ng pader.At hindi dito nakatira noon ang mga Buenavista so malamang lumipat din ang mga ito.
"Let's go in"ani ni Tita Isabel.
Tumango lang siya at sumunod na sa ginang,namangha pa siya sa nakikita sa paligid ang lawak at ang linis ng buong bakuran na puno ng nag gagandahang mga bulaklak.At mas nalula siya ng makapasok na sa loob ng bahay ang ganda at ang daming dekorasyon sa bawat sulok ng living room,ang kintab ng marmol na sahig at sobrang bango sa loob.Malamig din ang aircon na tila nasa loob ka lang ng mall.
"Ang ganda po ng Mansion nyo Tita Isabel"aniya sa ginang.
"Salamat..maupo ka muna at aakyat ako sa taas para magbihis pagkatapos ituturo ko sayo ang magiging trabaho mo"ani ng ginang sabay umakyat na sa taas.
Tahimik niya lamang ito sinundan ng tingin at parang kinakabahan siya,sabihin pang hindi niya alam ang magiging trabaho niya.
Ilang minutong pag hihintay ay nakita niyang bumaba muli si Tita Isabel at tumayo siya habang hinintay itong makalapit sa kanya.
"Okay now sasabihin ko kung anong magiging trabaho mo..kung ayaw mo bukas ang pintuan para sa pag alis mo at kung gusto mo naman kailangan sundin mo ang mga rules sa pamamahay ko"simula ng ginang na lalong nagpakaba sa kanya.
"A-ano po yon Tita?
"First from now on huwag mo akong tawaging Tita dahil katulong ka dito sa Mansion"
"P-po?hindi siya makapaniwala.
"Yes Clarissa katulong ka lang dito at nasa sa iyo yon kung tatanggapin mo o hindi as I said nakabukas ang pintuan para sayo"
Sandali siyang natahimik at hindi niya inaasahan na katulong pala ang magiging trabaho niya dito at hindi niya na naisip yon siguro sa kagustuhang magkaroon ng trabaho para sa anak niya.
"Okay you may go now Clarissa"ani ng ginang sabay tumalikod na sana.
"S-sandali lang po Tita..hindi ahm Madam"aniya.
"Ano yon?tanong nito sabay humarap sa kanya.
"Kung sakali po tatanggapin ko ano po ang rules nyo Madam?
"Lahat ng mga katulong dito gumising sila ng 5:30 am so ganon ka rin,matulog ng 11:00 pm,one hour rest sa hapon after lunch then balik sa trabaho"
"Magkano po ang sahod ko?
"1,500..libre lahat ng mga gamit mo"
Tumango siya at nagtanong ulit"ano po ang magiging trabaho ko dito?
"Okay since wala ang dalawang katulong ko dahil umuwi sa probinsya nila,ikaw lahat ang gagawa ng naiwanan nilang trabaho"
Napalunok siya,sa isip niya kaya niya bang maglinis dito sa loob ng Mansion eh ang laki laki na mas malaki pa yata sa Mansion ng mga Fuentabella.
"Lahat po ng trabaho Madam?
"Yes!magluto,maglaba,mamalansta maglinis up and down at sa labas ng Mansion"
Sunod sunod ang ginawa niyang paglunok,anong gagawin niya ngayon?nandito na to at kahit ayaw niya dahil baka hindi niya kakayanin wala din siyang choice dahil kailangan niya ng pera upang makaipon para sa kanila ng anak niya.