"We're done... We're done." Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga huling salitang binitiwan ni Uncle. At sa bawat pag-uulit niyon ay may panibagong sugat na bumubukas sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinubukang kalimutan ang mga salitang iyon, ngunit sadyang napakahirap. Lalo na kapag naaalala ko ang malamig niyang mukha habang sinasabi sa akin na tapos na kami.Napakadali lang para sa kanya na burahin ang taong pinagsaluhan namin, naging kuntento ako sa pagmamahal na kailangang itago. Tinanggap ang mga sandaling maaari niya lamang akong lapitan kapag walang ibang nakakakita. At sa loob ng mga sandaling iyon, kahit minsan ay hindi ko hiniling na ipagmalaki niya ako sa mundo. Ang gusto ko lamang ay maramdaman na mahalaga rin ako sa kanya.Ngunit marahil, iyon

