Chapter 11

1373 Words
Pagkatapos ma-settle ang lahat sa Dean's Office, hindi ko inaasahan ang pagdating ni Uncle Brix. Hindi ko alam kung bakit siya mismo ang pumunta. Pero nang makita ko siya sa loob ng opisina, may kung anong ginhawang dumaan sa dibdib ko.Sandali lamang iyon.Dahil ni isang beses, hindi niya ako tiningnan. Nakatayo siya sa tabi ng Dean habang pinag-uusapan ang nangyari. Malamig ang mukha niya, tuwid ang tindig, at kontrolado ang bawat kilos. Para sa lahat ng naroon, isa lamang akong ordinaryong estudyanteng natulungan ng charity program ng pamilya Siaco. Hindi niya kailanman hayagang sinabi na siya mismo ang nagpasok sa akin sa University. Naiintindihan ko naman. Isa akong Suarez. At kung malaman ng pamilya niya kung sino ako at kung bakit niya ako tinulungan, alam kong hindi iyon magiging simple para sa kanya. Marahil ay ayaw niyang madamay ako sa mga problema ng pamilya niya.O baka ayaw na rin niyang magkaroon ng anumang koneksyon sa akin. Matapos ang nangyari noong gabing iyon sa pagitan naming dalawa, parang bigla siyang nagbago. Dati, hindi ganoon si Uncle. Kapag may hindi ako naiintindihan sa lesson, tinuturuan niya ako. Kapag may mahirap akong assignment, nakikinig siya sa mga tanong ko. Minsan ay nakikita ko pa siyang naghihintay sa sala hanggang matapos ako sa pag-aaral. Ngayon, kahit nasa iisang suite kami, para kaming dalawang taong hindi magkakilala.Masakit. Pero wala akong karapatang pilitin siyang bumalik sa dati. Nang matapos ang usapan sa Dean's Office, mabilis siyang lumabas. "Uncle Brix!" Hinabol ko siya. Pero hindi siya huminto. "Uncle!" Wala siyang sagot. Nakikita ko lamang ang likod niya habang papalayo. Hanggang sa tuluyan siyang makasakay sa sasakyan at umalis. Naiwan akong nakatayo sa harap ng University. Pinagmasdan ko ang sasakyang unti-unting lumayo.Napabuntong-hininga ako. "Uncle... bakit nagbago ka na agad?" Mahina kong bulong sa sarili. Hindi ko napansin ang mga sasakyang dumadaan sa harapan ko. Hindi ko rin napansin ang mga estudyanteng nagsisilabasan mula sa gate. Hanggang sa biglang may malakas na tumulak sa balikat ko. Napaatras ako. "b***h!"Napalingon ako. Si Shekinah. Nakatayo siya sa harapan ko, galit na galit. Namumula ang mukha niya at halatang hindi pa rin niya matanggap ang nangyari sa Dean's Office. "Ano bang problema mo, Shekinah?" "You!" Itinuro niya ako. "Because of you, I got expelled!" "Kasalanan mo iyon dahil pinagbintangan ninyo ako" "Shut up!" Lumapit siya. "I investigated you, bitch." Nanlamig ako. "What are you talking about?" Ngumisi siya. "I know who you are." Hindi ako gumalaw. "Alam ko na kung bakit ka nakapasok dito." "What?" "Your sugar daddy." Napatigil ako. "Shekinah, don't-" "Brix Siaco ang may ari ng school" Parang biglang tumahimik ang paligid. May ilang estudyanteng napalingon sa amin. "Siya ang sugar daddy mo, right?" "Stop saying that." "You crawled into his bed!" Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. "Hindi totoo 'yan." "You live in the same suite!" "Because I was given a place to stay while I'm studying!" Tumawa siya nang mapait. "That's what you tell everyone?" "Shekinah!" "You slept with him!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinulak ko siya. "Don't ever say that again!" Pero mabilis niya akong hinablot sa buhok.Napasinghap ako sa sakit. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit kong inalis. "You b***h!" Nagpambuno kami. May mga estudyanteng nagsimulang sumigaw. "Hoy! Tama na!" "Paghiwalayin sila!" Pero hindi pa rin tumigil si Shekinah. "You're nothing but a sugar baby!" "I'm not!" "You think Mr.Brix Siaco will protect you forever?" "He's not my sugar daddy!" "Then why are you living with him?" Hindi ko na batid kung alin ang mas masakit--ang mga salita niya o ang katotohanang maraming taong nakikinig. "Because he helped me!" "Of course he did!" Muli niya akong hinila. May matalim na hapdi sa pisngi ko. Napahawak ako roon. Kalmot.Naramdaman ko ang init ng balat ko.At bago pa kami muling makapagsalita, isang malakas na tunog ng busina ang umalingawngaw. Isang itim na sasakyan ang biglang huminto sa tapat namin. Natigilan ang lahat.Bumukas ang pinto.At bumaba siya. Si Uncle Brix! Naramdaman kong parang huminto ang mundo ko.Hindi ko inaasahan na babalik siya. Pero nang makita ko ang mukha niya, alam kong hindi iyon ang dahilan kung bakit bumalik siya. Malamig ang mukha niya. Seryoso. Ngunit nang mapunta ang tingin niya sa akin, nagbago ang ekspresyon niya. Saglit lamang. Tumingin siya sa pisngi ko. Sa mga kalmot.Sa magulong buhok ko.Pagkatapos ay dahan-dahan siyang humarap kay Shekinah. "What did you say?" Mababa ang boses niya. Pero sapat iyon para tuluyang manahimik ang paligid. Walang sumagot. Napayuko ang mga kasama ni Shekinah. Si Shekinah, na kanina ay napakalakas ng loob, biglang hindi makatingin nang diretso sa kanya. "Mr.Siaco, I-" "What did you say?" Mas mabigat ang pangalawang tanong niya.Walang makapagsalita. Hanggang sa isang estudyante ang naglakas-loob na sumagot. "Sir..." Tumingin si Brix sa kanya. "Sabi po ni Shekinah... sugar daddy raw po kayo ni Sofia." Biglang dumilim ang mukha ni Uncle Brix. "She also said na kaya raw po nakapasok si Sofia sa school dahil..." Hindi na niya natapos. "Enough." Isang salita. Pero parang pinutol nito ang lahat ng ingay. Tumayo nang tuwid si Brix.Tumingin siya kay Shekinah. "Starting today, your family will no longer have any business connection with the Siaco Group." Nanlaki ang mga mata ni Shekinah. "What?" "Whatever shares your family holds in our affiliated company will be removed through the proper legal process." "Sir, please-" "You should have thought about the consequences before humiliating someone in public." "Pero-" "Leave!" Nanginginig ang mga kamay ni Shekinah.Hindi na siya nakasagot. Samantala, ako naman ay nakatayo lamang sa gilid. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Galit ba?Hiya?Takot? O ginhawa dahil dumating siya? Lumapit sa akin si Uncle Saglit siyang tumingin sa mukha ko. Hindi niya hinawakan ang pisngi ko. Hindi niya rin tinanong kung masakit. Ngunit nakita ko ang panga niyang mahigpit na nakakuyom. "Get in, Sofia." Mababa at seryoso ang boses niya. Tumango ako. Hindi na ako nagsalita. Mabilis akong sumakay sa passenger seat. Sumunod siya makalipas ang ilang segundo.Isinara niya ang pinto. At sa sandaling umandar ang sasakyan, bumalot sa amin ang katahimikan.Walang nagsalita. Ako ay nakatingin lamang sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung galit siya dahil sa ginawa ni Shekinah. O galit siya dahil muling nadamay ang pangalan niya sa buhay ko. Pinisil ko ang kamay ko sa kandungan ko. "Uncle..." Hindi ko naituloy. Tahimik pa rin siya.Nakatitig lamang sa kalsada. Ilang minuto ang lumipas bago ko napansin na hindi siya dumiretso sa opisina.Umuwi kami. Pagdating sa suite, bumaba siya ng sasakyan.Sumunod ako. Tahimik kaming pumasok. Isinara niya ang pinto. Huminto si Uncle Brix sa gitna ng living room.Ako naman ay nanatiling nakatayo malapit sa pintuan. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. At doon ko nakita ang isang bagay na hindi ko nakita kanina. Galit.Pero hindi sa akin. Tumingin siya sa mga kalmot sa mukha ko.Then his eyes met mine. "bakit ka,nakipagbuno?" malamig niyang tanong .Napayuko ako. "dahil hindi naman totoo ang mga sinasabi niya tungkol sa atin Uncle" Nanatili siyang tahimik. Ilang segundo. "She called me your sugar baby." halos maiyak kong wika. Nanigas ang panga niya. "At hindi ko kayang hayaan na sabihin niya iyon tungkol sa akin." Tumahimik siya. Muli niyang tiningnan ang mukha ko. At sa kabila ng lamig na ipinapakita niya sa akin nitong mga nakaraang araw ay nakita ko ang bahagyang pagbabago sa kanyang mga mata. Parang may pinipigilan. Galit,Pag-aalala ba? O isang bagay na mas gusto niyang itago. "Uncle patawad po marahil ngayon alam na ng pamilya mo na kinupkop ninyo po ako" "shut up!" "Nabunyag na rin ang apelyido ko. At kapag nalaman ng pamilya nyo po ang tungkol sa akin magkakagulo kayo at ayokong mangyari yun sa inyo Uncle..kaya aalis na lang po ako dito" Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa nagmamatyag na tumulo. “I said shut up! Don’t twist my words. I never told you to leave my house! So stop acting like I’m throwing you out!” mas humagulgol na ako,sa sinabi ni Uncle hindi ko na napigilan tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya. "Uncle..." napahagulgol ako habang nakasiksik ang mukha ko sa dibdib niya.Ang akala ko itutulak niya ako subalit naramdaman ko na lang mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin,hindi ko na namalayan nasa kama na kami ni Uncle kapwa hubo't hubad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD