Nalula ako sa dami ng regalong natanggap ko mula kay Uncle Brix. Pagkatapos naming pagsaluhan ang mainit na sandali kaninang madaling araw eksaktong oras na ganap na akong disi otso ay buong araw niyang inilaan ang oras kasama ako sa pamamasyal. Hindi ko alam kung paano niya nagawang isingit ang lahat ng iyon sa abalang iskedyul niya, lalo na't alam kong napakarami niyang responsibilidad bilang isang taong namamahala sa malawak nilang negosyo. Pero ngayong araw, tila wala siyang ibang mahalagang gawin kundi ang samahan ako. Ilang beses tumunog ang cellphone niya. May mga tumatawag na client, may mga mensaheng sunod-sunod na pumapasok, at may mga taong naghihintay sa kaniyang sagot tungkol sa negosyo. Gayunpaman, sa tuwing titingnan niya ang screen ng kaniyang cellphone, iisang bagay la

